MALAPAD ang ngiting nakipag-kuwentuhan sa co-doctor nito si Merliza na noon pa ay naging interesado sa love-life niya. Breaktime nila sa mga oras na iyon at kasalukuyan silang tumambay sa nurse station kasama ang kaibigan din nitong si Jenny.
“Mukhang ang swerte mo sa lalaking ‘yun ha? He had a posture that every woman dream. Kung ako magiging girlfriend niya hinding-hindi ko talaga papakawalan,” Jenny said.
“Is she courting you, Merliza?” usisa ng isang babaeng may katabaan ang pangangatawan at kulot ang kulay blonde nitong buhok.
Ngumiti lamang si Merliza sa mga ito saka sinagot na rin ang kanilang mga katanungan.
“Nah! His a brother to me, huwag ninyo ng bigyan ng malisya ang paghatid niya sa ’kin, okay? You guise get back to work!” aniya at ngumiting naglakad patungo sa kanyang room office.
Ngunit mabilis din nabura sa labi niya ang kaniyang ngiti dahil nadatnan niya sa loob ang kaniyang tiyuhin na kanina pa pala nakaabang sa kaniya. Kita sa kaniyang mukha ang pagka-alibadbaran sa bisita.
“Good morning my niece!” pagbati ng matanda.
“Why are you here?” usisa niya, bakas sa boses ang inis bagay na ikinangisi ng kanyang kausap.
“Is it wrong to visit my only one nephew?”
Umikot ang eyeballs ni Merliza saka sinuot ang kaniyang doctor’s uniform at isinabit ang stethoscope sa kaniyang leeg.
“Sabihin muna kung anong sadya mo, uncle. May mga pasyente pa akong dapat asikasuhin,” utos niya at seryoso ang mga matang tumitig sa tiyuhin.
Ngumisi sa kaniya ang matanda. Wala itong paligoy-ligoy at sinabi ang sadya.
“I need your shares, Merliza. Sa paraang iyon, mapapatalsik ko si Lance sa kompanya,” deretsahang sabi nito.
Pagak na tinawanan ni Merliza ang kanyang ambisyosong tiyuhin. Naiiling siya bago umupo sa kanyang upuan saka nag-cross arms habang nakatitig rito.
“Do you think, ganun lang kadali ang mga sinabi ninyo? Hindi bata ang gusto mong paalisin, uncle. Lancelotte is like a Lion, kilala mo siya. Hindi siya basta-bastang sumusuko. Now, if I were you. Umalis ka na, ’cause, you don’t get anything from me!” asik niyang ani sa matanda.
Nagtagis ang bagang ni Bernard Westeria at galit na tinapunan ng titig si Merliza.
“Itong tatandaan mo, Merliza. Ako ang kadugo mo! Ako ang mas higit mong kampihan. Si Lance, hindi niya magagawang ibaling sayo ang puso niya kahit ano pa ang gawin mo. Hindi siya ang taong karapat-dapat sa posisyong iyon!”
Natigilan, ngunit nagtaas lamang ng mukha si Merliza at hindi nagpakatinag mula sa kanyang kinatatayuan. Alam na alam niya kung ano ang galawan ng kanyang tiyuhin. Hindi siya nag-aksaya ng oras para lingunin ang paalis na matanda hanggang sa makalabas na nga ito mula sa kanyang opisina.
She let out a sigh and calmed herself.
Kuyom ang kamao, nanggigil na binasag niya ang mug na katabi niya. Hindi niya matanggap ang huling sinabi ng tiyuhin niya. Hindi niya matanggap na hindi siya magugustuhan ni Lancelotte. Hinding-hindi siya papayag doon.
KAAGAD na nagpatawag ng meeting ang board of directors dahil sa nagka-problema ang winery product. Dahil, sa pabago-bagong panahon ay naging mahina ang pagbunga ng tanim. At nawawala pa ang isang wine van na ide-deliver.
Matamang lamang nakikinig sa sinabi ng spokesperson si Lancelotte. Kuyom ang kamao, nagtagis din ang kaniyang panga. Wala sa mga oras na ito si Bernard Westeria bagay na ikinaiwas tingin ng isang director member.
“We should make an investigation about this, Mr. Chairman. Dahil, sa malakas ang produktong inilalabas ng kompanya ay nagkakaroon tayo ng ka-kompetensya,” naisambit ng isa sa mga board committee.
“That’s the reason why our product sabotage by unknown person na hanggang ngayon ay hindi pa natin malalaman kung sino. Baka mamaya ay, bumagsak tayo na hindi makakabawi!” segunda naman ng isa.
“Tama! Sana ay may magagawa ka pa, Mr. Smith! We’ve trusted you,” saad ng chairperson.
Nanatiling kalmado lamang si Lancelotte ngunit bakas sa mga mata niya ang galit sa gumawa nito sa kaniya.
“Let me handle this situation. Just trust me!” nangangalit ang bagang aniya. “Ladies and Gentleman! That’s all for today, you may leave now!” maawtoridad ang boses niyang dagdag.
Wala na rin nagawa pa ang mga ito kundi ang magpaalam ang lahat. Naiwan siyang mag-isa sa conference room habang nakaupo sa swivel chair.
He let out a sighed. Ilang sigundo pa ay saka siya nagpasyang lumabas at tumuloy sa kanyang opisina. Kinuha niya ang telepono at nagpautos sa kaniyang sekretarya na bilihan na lamang siya ng makakain para sa lunch. Pagkababa niya sa telepono ay tumunog naman ang kaniyang cellphone na naroon lamang sa tabi ng mga dokumento.
Inabot niya iyon at tinigan kung sino. It was Bryant bagay na ikinasagot niya rito.
“What’ s up, Bryant?”
Natawa naman ng pagak ang kaniyang kausap mula sa kabilang linya.
“Dude! Bad mood ka yata? Is there something wrong?”
“Tsk! Better say what your f*cking want,”
“Chillax! Yayain sana kitang mag-bar mamaya. I have f*cking problem dude! Ni-reject ako ng girlfriend ko. Walang party na mangyayari mamaya!”
He smirked. Bryant broke up with his new girl.
“Sige na! Tatawagan na lang kita mamaya,” dugtong nito saka siya binabaan ng tawag.
Napailing na lamang siya. Masyado kasing sineseryoso ni Bryant ang pagiging boyfriend nito sa kanyang materialistic girlfriend.
Hindi ito tumulad sa kaniya. He just played with girls. No hard feelings, no love. Dahil, alam niyang pera lamang ang habol ng babae sa kaniya. Kaya hindi niya tinatanggihan ang mga babaeng magpapakama kapag ginusto niya bagay na ikinaalala niya sa nangyari kay Jacob.
He clenched his jaw. Walang bakas ng palatandaan ang girlfriend nito dahil masyadong malihim sa kanila si Jacob. Hindi niya alam kung saan ito higalapin dahil walang ibinigay na litrato tungkol sa babae si Mister Smith.