14th Chapter

1406 Words
NAPAHIKBI si Cee-Cee habang binabasa ang librong Daughter of Smoke and Bone. Hindi niya alam kung bakit pero kagabi pa niya iniiyakan iyon, kahit hindi naman iyon drama. Gano'n lang talaga siguro siya kapag nakakabasa ng magandang libro. She gently closed the book and heaved a heavy sigh. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig lang sa kawalan nang biglang may sumulpot na mug ng kape sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin kay Strike. Nakangiti ito kahit bahagyang nakakunot ang noo. "Thanks, Strike. Gaano katagal akong nawala sa mundo?" Natawa ito. "Three hours. Nakaligo na nga ako at nakapagluto ng agahan." Napangiti siya. Maaga siyang nagising kanina kaya nagpunta siya sa apartment ni Strike. Pero wala naman siyang ginawa do'n kundi magbasa lang. "Pasensiya na kung naistorbo kita." "Nah, it's fine." Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi niya. "I can't believe a book can make you cry hard. It's cute." Napangiti siya dahil sa papuri nito. Bigla naman niyang naalala ang pinunta niya ro'n. "Strike, pahingi nga palang picture mo." "For what?" Nilabas niya ang blankong scrapbook na binili niya no'ng nakaraan. "I bought a scrapbook. Gusto kong ilagay dito lahat ng memories nating magkasama..." Natigilan siya nang ngumiti si Strike. "It's childish, isn't it?" "It is but..." Biglang namula ang mga pisngi nito. "It's sweet. Ngayon lang may gagawa ng scrapbook para sa'kin." Ngumiti lang siya at nilahad ang mga kamay niya rito. "Then, give me your picture." Dinukot nito ang wallet nito mula sa backpocket ng pantalon nito. Pagkatapos ay umupo ito sa armrest ng sofa. Nilusot niya ang ulo niya sa pagitan ng mga braso nito para masilip niya ang nasa loob ng wallet nito. Natawa lang ang binata saka siya hinalikan sa tuktok ng ulo niya. "Hmm. Ganyan ka ba ka-excited sa picture ko?" tukso nito sa kanya. Ngumiti lang siya. Nang alisin nito ang picture nito sa wallet nito ay may nakita siyang litrato na pamilyar sa kanya. "Hey, is that my picture?" Tinaas ni Strike ang kamay nito para hindi niya maabot ang wallet nito. "Of course not." "That's my picture!" giit niya. Lumuhod siya sa sofa at pinatong niya ang isang kamay niya sa balikat nito para maabot niya ang wallet. Nagtagumpay naman siya, pero natagpuan na lang niya ang sarili niyang nakaupo na sa kandungan ni Strike. Hindi na lang niya pinansin ang posisyon nila, at ang pagpalupot ng mga braso ni Strike sa baywang niya. Binuksan niya ang wallet nito at natagpuan nga niya ang larawan niya sa loob niyon. Kuha iyon no'ng natutulog siya sa queen-sized bed sa furniture section ng mall. Gulat na nilingon niya si Strike na ngingiti-ngiti lang ng mga sandaling 'yon. "Bakit may picture mo ako? At kuha ito no'ng nasa mall tayo." He smiled bashfully at her. "Kinunan kita ng picture sa phone ko habang natutulog ka, pagkatapos pina-print ko. Ang cute mo kasi d'yan." "Matagal ka na bang may gusto sa'kin?" "Oo, matagal na." Napayuko siya nang maramdaman niya ang pagwawala ng mga paru-paro sa tiyan niya. Kinamot niya ang pisngi niya pero napapiksi siya nang humapdi iyon. "What's wrong, Cee-Cee?" nag-aalalang tanong ni Strike. Tiningnan niya ang mga kuko niya. Mahahaba na ang mga iyon. "Mukhang nahiwa ako sa pisngi ng mga kuko ko." Pumalataktak si Strike, pagkatapos ay hinalikan nito ang pisngi niyang may hiwa. Bago pa siya makapag-react ay tumayo na ito, at sinama siya nito sa pagtayo nito ng walang kahirap-hirap. "Wait here," anito saka nagtungo sa kuwarto nito. Naiwan naman siyang nakahawak sa pisnging hinalikan nito. Hindi niya iyon inaasahan, pero kinilig siya. Napangiti tuloy siya. "Strike..." Nauwi na lang sa buntong-hininga ang lahat. That guy was making her fall for him. Pagbalik ni Strike ay pinaupo siya uli nito sa sofa. Kinuha nito ang kamay niya, pagkatapos ay sinimulang gupitin ang mga kuko niya gamit ang nailcutter. "Kaya ko nang gawin 'yan, Strike," sabi niya rito. "I know. But I want to do this for you." Again, she was touched. Ganitong kasimpleng buhay lang kasama ng taong mahal niya ang gusto niya. Hindi niya alam kung saan siya nagulat: sa pagiging sobrang saya at kuntento niya, o sa pagsasabi niyang mahal na niya si Strike. Bumuntong-hininga siya. "Strike, I'm sorry." Hindi man mag-angat ng tingin sa kanya dahil seryoso ito sa paggugupit ng kuko niya, nakita niyang kumunot ang noo nito. "For what?" "For being boring. Wala akong masayang lugar na alam at gustong puntahan. Parati na lang akong nasa bahay, kaya napipilitan ka ring mag-stay kasama ko dahil ayokong lumalabas. Madalas pa, hinahayaan kitang maghintay lang habang nagbabasa ako o kaya ay nagsusulat. I don't want to be selfish, so let's compromise." Tumigil ito sa ginagawa nito para mag-angat ng tingin sa kanya. "Compromise?" "Yes, compromise. Since sinubukan mong maging parte ng mundo ko, ako naman ang papasok sa mundo mo. I want to do the things you like. Say, partying." Nanlaki ang mga mata nito. "Partying?" Lumabi siya. "Hindi pa ko nakakapasok sa isang bar sa buong buhay ko." Eksaheradong sumimangot ito. "Why do you think would I let you go inside a bar? Hindi ka bagay do'n." "Because I'm boring?" "Because I don't want you to get stared at by other men," pagtatama nito. "And you're not boring." "Pero gusto kong maranasan mag-bar," giit niya. Kumunot lalo ang noo nito. "Why?" "I want to be in character. Party girl kasi ang heroine sa nobelang sinusulat ko ngayon. I can't give justice to her character dahil wala naman akong alam tungkol sa pagpa-party, o pagba-bar hopping. Ayoko naman na pati iyon eh i-Google ko pa." "But..." She gave him her best puppy dog eyes. "Please, Strike?" She touched his face. "Please?" Bumuga ito ng hangin. "Fine. Pero akin ka buong araw, ha? Hindi ka puwedeng maagaw ng mga ka-date mong libro ngayon." Natawa siya. "Hey, are you jealous of my books?" "Damn right, I am. Inuubos nila ang buong oras mo. Kung hindi mo lang ako papatayin, matagal ko na silang tinapon." "Strike!" Ngumisi lang ito, saka tumayo. "Magshe-shave lang ako." And he was gone. Hindi siya makapaniwalang nagseselos ito sa mga libro niya! But that made her smile. Marami talagang gentle at cute side si Strike na lalo niyang minamahal. Dumako ang tingin niya sa mga kuko niya. Maayos ang pagkakagupit niya sa mga iyon. "Strike?" "I'm inside the bathroom," sagot nito. Tumayo siya at lumapit sa banyo. Bukas ang pinto niyon. Puno na ng shaving cream ang baba ni Strike habang maingat itong nag-aahit gamit ang razor. Nagtama ang mga mata nila sa malaking salamin sa harap nito. She smiled bashfully at him. "Strike, can I help you with that?" "Ha?" "Ginupitan mo ang mga kuko ko. As a thanks, let me help you with that." Namaywang ito. "Bakit hindi mo na lang sabihin na in character ka na naman dahil isusulat mo ang eksenang ito sa nobela mo?" Napangiti siya. "Paano mo nalaman?" Natawa ito. "I can see the mischievous spark in your eyes, lady." Kinagat niya ang ibaba niyang labi. "Can I?" Bumuntong-hininga ito, pero ngumiti rin at inabot sa kanya ang razor. "Please." Napabungisngis siya dala ng excitement. Pumasok na siya sa loob ng banyo. Una ay tinuro ni Strike sa kanya kung paano gamitin ang razor. Pagkatapos ay tinuro na nito kung ano ang mga susunod niyang gagawin. No'ng una ay nanginginig ang mga kamay niya. Natatakot siya dahil hindi niya makita ang baba ni Strike dahil sa kapal ng shaving cream. Pero inalalayan siya nito kaya mayamaya lang ay nagamay na niya ang pag-ahit dito. All the time, he was just grinning, and she was matching it with a smile. Ah, the simple things in life were definitely the best. Natauhan lang siya nang mapapiksi si Strike, kasabay ng pagguhit ng mahabang pulang marka sa baba nito. Bigla kasing nanginig ang kamay niya. "Sorry, Strike!" hinging-paumanhin niya rito. Ngumiti ito. "Nah, it's fine." Nakonsensiya siya. She wanted to make it up to him, at iisa lang ang naiisip niyang paraan. Hinawakan niya sa magkabilang-balikat si Strike, saka siya tumingkayad at binigyan ng magaang na halik ang hiwa sa baba ng binata. "I'm sorry," masuyong bulong pa niya rito. Bumuntong-hininga si Strike, saka pumikit at pinagdikit ang mga noo nila. "Baby, can you wait for me? I think I need a cold shower." Nag-init ang magkabila niyang pisngi sa implikasyon ng mga sinabi nito, pero hindi pa rin niya mapigilang matawa. "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD