15th Chapter

1050 Words
HINDI mapigilan ni Strike ang panaka-nakang pagsulyap kay Cee-Cee. He couldn't help it – she was so beautiful and so damn hot in her outfit. Simpleng pulang cocktail dress lang naman ang suot nito sa ilalim ng eleganteng itim na coat, pero mas lalo itong gumanda. And dang, she smelled so sweet and he wanted to bite her. Ayaw na niyang isipin ang magiging reaksyon ng mga lalaking makakakita rito sa bar. "We're here," masayang bulalas ni Cee-Cee nang mag-park na siya sa tapat ng bar. Pinili niya ang bar na bihirang puntahan ng mga kaibigan niya. "Baby, let's talk first," istriktong sabi niya rito. Humarap naman sa kanya si Cee-Cee na animo'y isang bata na naghihintay sa lecture ng guro nito. "Ano 'yon, Strike?" Tumikhim siya. "Una, hindi ka puwedeng lumayo sa'kin. Pangalawa, hindi ka puwedeng makipag-usap sa kahit sinong lalaki sa loob ng bar na 'yan, at lalong hindi ka tatanggap ng inumin mula sa kahit na sino. Pangatlo, hindi ka puwedeng ngumiti." "Naiintindihan ko 'yong dalawa. Pero bakit hindi ako puwedeng ngumiti?" "Basta!" Ngumiti ito. "Imposible 'yan. Paanong hindi ako ngingiti kung ikaw ang kasama ko?" Natigilan siya, napakurap-kurap at kinilig. s**t. Kumalma ka naman, puso. Hinawakan ni Cee-Cee ang kamay niya. "Naiintindihan ko kung bakit ka nag-aalala. Don't worry. I can take care of myself." Bumuga siya ng hangin. Kinuha niya ang ballpen sa breastpocket ng coat niya, pagkatapos ay nag-drawing siya ng singsing sa daliri ni Cee-Cee. "Ayan. Para malaman ng lahat na may boyfriend ka na." Natawa ito. Pagkatapos ay kinuha naman nito ang kamay niya, at ito naman ang nag-drawing ng singsing sa daliri niya. "Ayan. May couples' ring na tayo." Hindi pa ito nakuntento dahil sinulatan pa nito ang palad niya: Taken. Natawa siya. "Possessive, aren't we?" "Kapag may babaeng nakipag-flirt sa'yo sa loob, ipakita mo lang 'yang palad mo sa kanila, okay?" Hindi na talaga yata mawawala ang ngiti sa mga labi niya kapag si Cee-Cee ang kasama niya. Siya naman ang nagsulat sa likod ng kamay nito: Strike Manzano's only girl. Lalong tumamis ang ngiti ni Cee-Cee habang nakatingin sa kamay nito. "Sweet." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Puwede na ba tayong pumasok sa loob. Malakas kasi ang pakiramdam kong dinde-delay mo lang ang pagpasok natin sa bar." Umungol siya. "Napansin mo pala." Wala na siyang nagawa para i-delay pa 'yon. Pagbaba nila ni Cee-Cee ng kotse ay nilahad niya ang kamay niya rito. When she held his hand, he intertwined their fingers together. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito nang makapasok na sila sa bar. Una silang nagtungo sa barcounter. Tinuro niya rito ang iba't ibang inumin na light lang para sa mga babae. Para naman itong estudyante na sinusulat pa sa kamay nito ang mga sinasabi niya. Pagkatapos ay hinayaan niya itong tikman ng pakonti-konti ang mga inumin. Nawala lang sa dalaga ang atensiyon niya nang may dalawang babaeng lumapit sa kanya, kasabay ng pagtugtog ng sunud-sunod na nakakaindak na kanta. Sa kanyang pagkagulat, bigla na lang siyang hinila ng mga babae. Dahil hindi niya inasahan 'yon, napatayo siya. "Woah, ladies. Stop," awat niya sa mga ito, saka binalikan sa mesa si Cee-Cee. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tinungga nito ang baso ng alak niya. Inagaw niya rito ang baso. "Baby, you shouldn't drink that." "Pero wala namang lasa," inosenteng sabi nito. Natawa siya. "Akala mo lang 'yon. Let's go." Hinawakan niya ito sa kamay at hinila na paalis. But tonight was probably the night that bar had been very crowded. Ilang minuto pa lang ay nabitawan na niya si Cee-Cee. Hahanapin niya sana ito, pero agad siyang hinarang ng isang pamilyar na babae. Minsan na itong naging babae ni Colin. Pilit na ngumiti siya. "Colin's not with me tonight. Please excuse me." Himbis na pakawalan siya ay lumingkis pa sa baywang niya ang babae. "Then, you just have fun with mr," nang-aakit na sabi pa nito. "I'm not like Colin," nakasimangot na sabi niya, pagkatapos ay ipinakita niya rito ang "couples ring" niya at ang salitang "taken"sa palad niya, pero tumawa lang ang babae. Pilit siyang kumawala sa babae dahil hangga't maaari ay ayaw niyang maging bastos. Nauubusan na siya ng pasensiya at talagang magsasalita na sana siya ng masakit nang napansing niyang tila natigilan ang mga lalaking nagsasayaw sa dance floor at sa iisang direksyon lang nakatingin ang mga ito. And then the crowd got separated in two, as if to pave way for a goddess. At isa ngang diyosa ang dahilan ng pagkahawi ng mga tao – si Cee-Cee na sumasayaw! Hinubad na rin nito ang suot nitong coat kanina. Now, more of her skin was exposed. Nang magtama ang mga mata nila ni Cee-Cee ay ngumiti ito na tila nang-aakit. Siya naman ang natigilan. He felt his heart thump hard against his chest. Napalunok siya nang magsimulang maglakad si Cee-Cee papunta sa kanya. Tiningnan nito ang babaeng nakalingkis sa kanya. There was an unusual threat behind her glare, and the woman automatically backed off. Nang mawala na ang mga babae ay tumingin uli sa kanya si Cee-Cee. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nitong nang-aakit habang sumasayaw. Napangiti siya, saka ito hinawakan sa baywang habang sinasabayan ito sa pag-indak. Tumalikod sa kanya si Cee-Cee habang patuloy ito sa pag-indak. Pinalupot naman niya ang mga braso niya sa baywang nito, habang tinatapunan ng masamang tingin ang mga lalaki sa paligid na malagkit ang tingin sa dalaga. Yumuko siya sa tainga ni Cee-Cee para bulungan ito. "Cee-Cee, let's go home," sabi niya rito. Hindi niya napigilang ipadaan ang tungki ng ilong niya sa pagitan ng leeg at balikat nito. She c****d her head at one side to give him more access. Ah, she smelled like honey. Hinalikan niya ang balikat nito. "You're drunk, baby." "Strike..." Bumagal ang paggalaw ng katawan ni Cee-Cee hanggang sa tuluyan na itong tumigil. Pumihit ito paharap sa kanya. Halos pabagsak na ang talukap ng mga mata nito dala ng kalasingan. "'Antok na ko. Uwi na tayo," paglalambing nito na parang isang bata. Ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Okay, baby." Tumango lang ito, saka yumakap sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya ang mainit at malagkit na likido sa damit niya. Bumuga siya ng hangin. "Cee-Cee, bago pa naman 'yang polo na sinukahan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD