NAKASANDAL si Strike sa pader sa labas ng hospital room ni Cee-Cee habang hinihintay itong matapos makipag-usap kay Kraige. Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamay niya sa loob ng bulsa ng pantalon niya. It hurt knowing the fact that he was with the man she used to love instead of him while she was hurting. Pero pinakamasakit sa lahat ay ang katotohanang siya ang nakasakit dito. Hindi niya akalaing ang simpleng kasinungalingang sinabi niya kay Colin para pagtakpan noon ang nararamdaman niya para kay Cee-Cee ang magdudulot ng matinding sakit sa kalooban ng babaeng mahal niya. Ngayon lang din niya nalaman ang matinding epekto ng pangmamaliit nilang magkakaibigan noon kay Cee-Cee dahil lang mas gusto nila si Cleo para kay Kraige. Masyado silang naging malupit at unfair sa dalaga, dahil lang g

