Nagising ako ng maaga dahil hindi rin sa ako halos makatulog.
Bukod sa hindi ko makalimutan ang nakita ko kahapon, ay nag -aalala din ako sa necklace kung nasaan na ito.
Bigay kasi 'yon ni Mommy noong bata pa ako.
Tulog pa ang lahat ng lumabas ako ng kuwarto.
It is still 4 am.
Pagbaba ko may naririnig na akong maingay sa kusina.
Maaga kasi nagigising ang mga katulong.
Sila talaga ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
Pero kami sa gabi naman, kami na ang nag-aayos ng mga pinagkanan namin para makapagpahinga naman ang mga katulong ng maaga.
"Yaya Maya ano po ang breakfast natin?" tanong ko sa yaya namin ni Prince simula baby kami.
"Ay nandyan ka na pala, ang aga mo naman nagising anak," nakangiting sabi nito.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ang ganda-ganda naman ng alaga ko kahit bagong gising," tuwang tuwa na sabi nito.
"Yaya binobola mo na naman ako hahaha," sabi ko dito.
"Hindi kasi ako makatulog Yaya eh, meron kasi akong maraming iniisip kaya ayan hanggang paghiga ko nadala ko," paliwanag ko dito.
"Ay ganun ba, naku anak baka naman antukin ka nyan sa klase mamaya. Hayaan mo babaunan kita ng masarap na snack para may lakas ka mamaya," excited na sabi nito.
"Ano po 'yong naririnig ko na masarap na baon para kay Princess yaya? Eh paano naman ako?" lambing ni Prince na nasa pinto na pala ng kusina eh hindi pa namin nararamdaman.
"Ay Prince bakit ang aga mo din, ano ba naman kayo na magkapatid, Hindi ka rin ba makatulog?" pag-aalalang tanong nito sa amin.
"Hindi ko rin alam Yaya para kasing hindi mapakali ang utak ko, parang balisa. Hindi ko nga rin alam kung bakit kanina. Pero ng makita ko sa Princess na gising na eh parang alam ko na kung bakit. Sis may dinaramdam ka ba? Wala kang pwedeng itago sa akin dahil kambal tayo," nag-aalalang sabi nito.
"Eh kasi Prince hindi ko makita ang necklace na bigay sa akin ni Mommy. Hindi ko alam kung saan ko ito nahulog. Kaya ayan halos hindi na ako makatulog. Hinanap ko na kasi kahit saan pero hindi ko parin mahanap." sabi ko dito.
Hindi ko na sinabi ang nakita ko kasi alam ko naman na magagalit ito at baka palipatin pa ako ng paaralan kapag nagkataon.
"Prince how is Krissia? Parati ba kayong nagkakasama sa school?" tanong ko dito para maiba ang topic.
"I don't know. I am busy," maiksing sabi nito sabay alis at umakyat.
"Ano kaya ang problema noon at biglang nagwalk-out," sabi ko kay Yaya.
"Naku hayaan mo na ang kapatid mo at alam mo namang bugnutin 'yan lalo na kapag tinatanong about kay Krissia hahaha," sabi ni Yaya.
6am na ng umaga ng bumaba sina Daddy at Mommy.
"Good morning Dad, Mom," bati ko sa kanila habang nakayakap.
"Ang aga naman ata ng Princess namin ngayon ah, parang may kailangan," tuksong sabi ni Dad.
"Dad naman, maaga naman talaga ako parati kaso hindi lang ako lumalabas ng kuwarto hehehe," lambing ko dito.
"My love huwag mo na tuksuhin ang anak natin at masyado pang maaga. Ipaghahanda nalang kita ng paborito mong breakfast my love," sabi nito kay Dad.
"I want you for my breakfast babe, pwede ba? hahahaah," tukso ni Dad kay mom na ikinapula ng pisngi ni Mama.
"Dad you are so gross, ewww so cheezy, akyat na nga lang muna ako," sabi ko sa mga ito na ikinatawa ng lahat.
"Sira ka talaga my love, loko ka talaga nakakahiya tuloy sa kanila Yaya at sa anak mo," narinig kong reklamo ni Mommy kay Dad.
Ganito talaga si Dad kada umaga masyadong malambing kay Mom,
Wala ata akong natatandaan na hindi sila naglalambingan sa harap namin.
Kung minsan nga nasa bahay na si Dad nagtatrabaho para lang makasama si Mommy.
Hindi nagtatrabaho si Mommy kasi mas gusto niyang sya mismo ang mag-a-alaga sa aming lahat. Hindi tumutol si Dad kasi gusto nito parating kasama din si Mommy kahit nasa opisina sya.
Ngayong malaki na kami eh most of the time nasa opisina din si Mommy kasama ni Dad.
Meron kasi day care center ang building ni Dad para sa mga empleyado na walang mapag-iwanan sa kanilang mga anak.
Doon si Mommy tumutulong lalo na sa pagtuturo sa mga bata at pagbabasa ng mga stories sa mga ito.
Pangarap kasi ni Mom na magturo kaso hindi na natuloy kasi bago pa sya makagraduate eh nasa mundo na kami ni Prince.
Hinatid ako ni Prince sa school ng makita ko sa di kalayuan si Marcus na nagpapark ng sasakyan nito.
Hanggang labas lang ako nagpapahatid kay Prince dahil ayokong makita ng lahat ang gamit na sasakyan ni Prince na isang Rolls-Royce Boat Tail na regalo ni Dad dito ng ito ay tumuntong ng 18.
Pareho sila ng sasakyan ni Marcus kaya alam ko una palang kung gaano kamahal ang gamit nitong sasakyan ng makita ko itong nakapark sa school namin.
Noong una ayaw ni Prince na hanggang gate lang ako kasi malayo pa ang lalakarin ko papasok, pero dahil sabi ko dito na low profile lang ako sa school eh pumayag narin ito.
Nagmadali akong maglakad para hindi ako nito makita ng biglang sumigaw ito.
"Hey my Princess you are early," nakangising sabi nito habang papalapit sa akin.
"Naglakad ka ba papasok dito? Parang wala akong nakita sasakyan na naghatid sa'yo," seryosong tanong nito.
"Ah oo naglakad lang kasi ako papasok. Wala naman kasi akong sasakyan," pagsisinungaling ko.
Tumitig ito sa akin ng mariin at ngumiti.
"Ganun ba, gusto mo sunduin nalang kita at ihatid sa bahay mo araw-araw?" biglang seryosong tanong nito sa akin.
"Ah hindi okay lang ako. Sanay naman ako, na ako lang mag-isa. Sige ha ma-u-una na ako," Paalam ko dito.
Hindi ko sya ma-atim na tingnan dahil na-a-alala ko ang nakita ko noon sa comfort room.
"Ah wait, about yesterday, I am so sorry na nasaksihan mo'yon," pigil nito sa akin ng akmang a-alis na ako.
Hinila ko ang kamay ko kasi hindi ako sanay na may humahawak akin na ibang lalake bukod sa pamilya ko.
"It is okay, kalimutan mo na'yon," sabi ko dito habang pinupunasan ko ang braso ko sa harapan nito ng dala kong panyo.
"Are you disgusted with me?" mariing tanong nito habang tinitingnan ang ginagawa ko.
"Ha? Aba hindi, sige ha aalis na ako. May gagawin pa ako," nagmamadaling iwas ko dito.
Marcus POV
I saw Princess from a distance, about to enter the gate, but I didn't offer her a ride because I noticed that the car that dropped her off hadn't left yet, so I proceeded on my way. I didn't know how to approach her because she always seemed elusive to me.
Hindi ko mapigilang lumapit dito ng makita kong paparating na ito.
Binati ko ito ng usual kong bati sa kanya.
Tinanong ko din ito kung bakit sya naglalakad papasok kung wala bang naghahatid dito papasok.
Nagsinungaling ito na walang naghahatid dito kaya hinayaan ko nalang, kahit alam kong wala naman katotohanan ang sinabi nito.
"Ah wait, about yesterday, I am so sorry na nasaksihan mo 'yon," pigil ko dito ng akmang a-alis na ito.
She suddenly pulled her arm away when I tried to hold it and wiped it with the handkerchief she had.
"Are you disgusted with me?" I asked sternly while observing what she was doing.
"Ha? Aba hindi, sige ha aalis na ako. May gagawin pa ako," nagmamadaling iwas nito sa akin.
I felt hurt by her act of wiping her arm in front of me, simply because I touched it.
She was disgusted with me.
She was the first woman to do such a thing to me, so it was a major insult to my masculinity.
I took a deep breath to calm myself and restrain the urge to grab her and kiss her in front of everyone as a way to retaliate for the blow to my wounded ego.
"Marcus bakit hindi ka pa pumapasok," tanong sa akin ni Matilda ng lumapit ito sa akin.
"Leave!" inis na sabi ko dito.
Natakot ito sa sigaw ko kaya dali dali itong umalis.
I returned to the car and sped away from the gate, consumed by frustration over what had just happened.
I decided not to go inside for now since today is the turnover day assigned to me by my father as his next heir.
I couldn't forget her expression when I touched her.
I couldn't explain my emotions when I witnessed her wiping her arms in front of me.
"This is crazy. Come on, man, stay focused!" I yelled at myself, trying to regain control.
I heard my phone ringing and saw Jonard is calling me.
I put him on speaker. "Yeah," maiksing sabi ko.
"Nasaan ka na? Baka nakakalimutan mo na may report tayo ngayon at assignment. Umalis ka daw?" takang tanong ni Jonard sa akin.
"Sh.....t, I forgot ok I will come back. I'll be there in 10 minutes," sabi ko dito bago pinatay ang cellphone ko.
"Oh G...d anong klaseng effect meron ka sa akin Princess at nawawala na ako sa focus. This is not good, I need to erase her in my system. I will be the next Mafia heir, pero ito ako ngayon apektado dahil lang sa isang babae," inis na sabi ko sa sarili ko.
"Marcus malapit na matapos ang taon, hindi mo na sya makikita. You don't really like her, natutuwa ka lang sa kanya dahil iba sya sa mga babaeng nakilala mo," kumbinse ko sa sarili ko.
Sofia's POV
"Oist Matilda nakita ko si Marcus na umalis ng campus ah, parang galit kasi pinaharurot ang sasakyan eh," sabi ng kaibigan ni Matilda na si Naomi.
"Hindi ko nga alam kung ano ang nagyayari sa kanya, binati ko lang naman sinigawan ako agad at pinaalis," dinig kong reklamo nito sa kaibigan.
"Nagalit ata sya sa ginawa kong pagpunas ng braso ko. Hindi ko naman kasi sinasadya na gawin 'yon. Nabigla lang din ako. Hindi kasi ako sanay. Sya palang ang unang lalake ang nakahawak sa akin," sabi ko sa isip ko.
Nainip ako buong maghapon sa klase. Hindi kasi ako mapakali parang nakokonsyensya ata ako.
"Hoy okay ka lang? Para kang pusa na hindi mapa-anak ha. Parang wala ka sa sarili mo ngayon," bulong sa akin ni Tricia.
"Ha wala meron lang kasi ako ngayon kaya hindi ako komportable," pagsisinungaling ko dito.
Pagkatapos ng klase pumunta agad kami ng canteen.
Tumingin ako sa table kung saan parating nakaupo sina Marcus.
Pero wala akong makitang Marcus na kasama ng team mates nito.
"Hindi nga sya pumasok ng klase," sabi ko sa sarili ko.
"Are you looking for me my Princess?" biglang bulong nito sa tenga ko na ikinagulat ko.
"Ay Impakto ka!" hindi ko mapigilang sigaw ng marinig ko ang boses nito.
"Ano? Impakto ako? Kanina pinunasan mo ang braso mo paghawak ko ngayon impakto naman ako. Sobra ka na talaga ha Princess," kunwaring nagtatampo ito.
"Ay sorry hindi naman sa ganun, nagulat lang talaga ako," iwas na sabi ko dito.
"Tsaka akala ko kasi umalis ka din kaya hindi ko i-nexpect na nandito ka," paliwanag ko dito.
"Oh really, who told you that? Are you worried about me?" mahinang taong nito habang nilalapit nito ang mukha sa akin.
"Ahmmm hindi, bakit naman ako mag-aalala eh hindi naman tayo close," sabi ko dito sabay talikod.
"Oh really, so you want us to be close, 'yan ba ang gusto mong mangyari?" bulong nito uli sa tenga ko na ikinatindig ng balahibo ko sa leeg.
"Ano ka ba naman, huwag ka ngang bulong ng bulong, nakakainis naman oo," inis na bulong ko dito.
"Eh bakit ka rin bumubulong?" tuksong tanong nito habang nakangisi.
"Ewan ko sa'yo bahala ka na nga dyan, tara na Tricia," yaya ko sa kaibigan ko.
"I'll see you around my Princess," pahabol na sigaw nito na naging daan para magsigawan ang mga nakarinig sa canteen.
"Ano 'yon? May something ba na hindi ko alam?" tuksong tanong ni tricia na kinikilig.
"Ha? Wala ano ka ba, hindi ka na nasanay sa kanya eh parati naman talagang nag-aasar 'yong lalakeng 'yon," mabilis kong paliwanag.
"Hmmmm okay sinabi mo eh hahaha," natatawang sabi nito.
Kinuha ko ang panyo ko para punasan ang pawis na kanina pa tumutulo noo ko dahil sa sobrang kaba.