Sofia's POV "Princess galit ka pa ba?" tanong sa akin ni Prince. Hindi ako kumibo dahil sa sama ng loob. "Hindi na ko makahinga Prince, masyado nyo akong sinasakal," amin ko dito ng nararamdaman ko. "Ayaw namin na masaktan ka lang Princess kaya masyado kaming strikto sa'yo," seryosong sabi sa akin ni Prince. "Prince, hindi ba ayaw mo din na dinidiktahan ka nila Papa tulad ng kay Krissia? Ganun din ako," sabi ko dito. "It is not the same Princess, babae ka," dagdag pa nito. "At ano naman ang deprensya natin dalawa Prince, kahit babae ako ayoko ko din ng ganun at dapat mas naiintindihan mo ang nararamdaman ko," inis na sabi ko dito. "I am not even allowed to go to school or go home alone. Even when going for a stroll or visiting a bookstore, I am not allowed without bodyguards," rekl

