Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami agad ni Prince dahil gabi na at baka hanapin na kami ni Dad. Tumunog ang cellphone ko pagkaupo ko palang ng sasakyan. "Take care, my Princess; I will see you soon," text sa akin ni Marcus. Napangiti ako sa natanggap kong text nya at tiningnan ko agad kung nasaan ito. Nasa kabilang parking ito malayo sa amin, nakasandal sa sakayan niya habang nakatingin sa akin. Kumaway pa ito para magpaalam kaya hindi ko mapigilan na sagutin ang text niya. "Mag-ingat ka sa pag-uwi mo, alis na kami bye," sagot ko sa text nya. "Sino katext mo bakit ka nakangiti?" tanong sa akin ni Prince. "Ah wala si Tricia, sabi ko kasi sa kanya na binili mo ako ng mga bagong gamit kaya hindi daw sya makapag-antay na makita ito bukas kapag suot ko na," pagsisinungaling ko d

