Masaya ako na pumasok sa school dahil sa wakas magkakaroon na ako ng freedom. "Parang walang tigil ang ngiti natin ah!" nakatawang sabi sa akin ni Prince. "Thank you Prince, masaya talaga ako kasi sa wakas may freedom na ako," nakangiting sagot ko dito. "Ako naman ang ilibre mo ha, hahahah. Pero Princess hindi ibig sabihin na binigyan ka ng kaunting freedom ay babalewalain mo na ang mga bilin namin sa'yo. Parati pa rin akong naka monitor sa'yo," paalala nito sa akin. "Oo pangako," sabi ko dito. Marcus's POV Maaga akong pupunta sa school ni Princess para samahan ito sa preparation ng booth nila. Nagpaluto ako ng maraming baon para may makain ito. "Aba saan ang punta natin Marcus at ang daming pagkain naman nyan?" tanong sa akin Sash. "Dadalhin ko kay Princess kasi may activity sila

