LAHAT sila ay nakanganga sa eroplano na unti-unting lumapag sa kalawakan ng palayan. “OMG! H-hindi kaya iyan na ang help na hinihintay natin?! Baka iyan na ang sasakyan natin pa-gora sa Paraisooo!” Malakas na tili ni Violet habang itinuturo nito ang plane. Oo nga, 'no? Pero bakit parang galing Japan dahil sa mga Japanese characters na nakasulat sa pakpak? Baka naman tutulungan na ng Japan ang Pilipinas! My God! Thank you! Salamat at mukhang unti-unti na silang tutulungan ng ibang bansa. Japan pa. Eh, 'di ba, high tech na ang Japan ng bonggang-bongga. Baka naman may gamot na dala ang mga ito para sa Z-virus. Magiging tao na ulit si Lolo Yolo! Yes naman! Naunang tumakbo si Violet papunta sa nakalapag na plane. At sumunod na silang lahat dito. Pumwesto sila sa nakabukas na pinto ng plane.

