MARAMING bagay tayong hindi inaasahan na mangyayari sa buhay natin. Bilang isang tao, wala tayong kontrol sa pwedeng maganap. Sa ayaw o gusto man natin, mangyayari ang dapat mangyari. Maganda man ito o masama. Katulad na lang ng pagkalat ng Z-virus sa Pilipinas. Sino ba namang mag-aakala na ang normal na araw na iyon ay ang nakatakdang araw kung kailan yayakapin ng Pilipinas ang impyerno. Nasasabi ko ito dahil isang hindi inaasahang pangyayari ang biglang nangyari ngayon… dito sa laboratoryo ng baliw na si Dr. Z… Parang natuklaw ng ahas si Paloma habang nakatingin siya sa babaeng nakahiga sa sahig. Ito iyong tinurukan ni Dr. Z ng kanyang dugo, itoa iyong zombie kanina na ngayon ay isang tao na. Hindi niya maigalaw kahit na anong parte ng kanyang katawan. Para siyang namatay, para siyang n

