CHAOTER 1
This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, and incidents are either product of my imagination or used in a frictious manner. Any resemblance to actual personor actual events are purely coincidental
Please be advised that this story contains sensitive content, and strong language that are NOT suitable for very young audience.
In reading this story expect to have a typographical errors and grammatical errors. Because this is my first minor story i hope you enjoy reading it labyu all
WARNING: typographical error and grammatical error ahead ]
Hays! as usual snob again sa aking beauty sa madlang kabarangay
Sanay na ko sa sa mga ka-barangay ko na di ako pinagtutuunan ng pansin hindi naman sa nagpapapansin ako o namamalimos ako ng pansin ah 'oops! Wag kayo judgemental'. Mabuti na ganyan sila ngayon kase wala silang karapatan iharap ang muka nila sakin kung dati eh namamansin yang mga yan kahit lumuhod pa ko mapansin lang ng mga yan eh. Pero ngayon kahit na para namang hangin lang ako dito buti pa yung alaga kong aso ko na si brown
lagi akong sinasamahan
Tumingin ako sa relo ko at nakitang 6:00 na ay tumayo na ako at nagpagpag. Dahil umupo ako sa field ng 'isla parke' kung saan ang parke na ito ay hindi naman sa isla nakatayo pero balik ako yun na nga nakapalibot and mga damong katatabas pa lamang sa dulo ng bayan namin
Well anyways pagabi na pala di ko man lang namalayan. Nagre-reminisce lang naman ako tungkol sa nangyaring aksidente na yun. Masakit isipin na madaming nawala at ako naman ay muntikan ng mawala
'sheshare ko pa ba? Baka masaktan na naman ako eh di niyo naman pananagutan ang sakit na idudulot sakin eh char'
Arte!
Pero kahit na ganun nagpatuloy paren ako dahil iyon ang gugustuhin ko lalo na't binigyan niya ko ng pagkakataong mabuhay pa kaya naman pahahalagahan ko ito
Tinignan ko ang relong pambisig para malaman ang oras dahil parang lumalamig na kanina naman nung oras na tumambay ako eh mainit pa kaya naman
Kabobohan ko alas sais na
Shemay! "Bakit ba kase di ko namalayan ang oras?"bulong ko sa sarili ko at napatampal ng noo
Buset na yan ang creepy talaga dito sa daan na ito ehh wala kaseng ilaw sa kalsada kaya nga antanga ko dahil di ko man lang namalayang dadaan ako sa lugar na ito
Pero okay lang naman na dumaan dito di naman nakatatakot ang sakin lang eh
" Baka mamaya may holduper dito ,tapos may dalang kutsilyo, tapos sasaksakin niya ko kase wala naman akong maibibigay sa kanya ehh aba naiwan ko pera ko bahay namin eh edi sumama siya pauwi para di na niya ko saktan o diba naholdup pa niya ko yun na nga yun nalang gagawin ko" bulong ko kay brown at tumawa ng nakakaloko.
Kinakausap ko si brown habang naglalakad para kung sakaling maholdup kami 'yun ang gagawin namin tama diba tama ako HAHAHHAHAHAH may tama ako ghorl' bulong ko pa sa sarili ko
Jusko nababaliw na ko i mean baliw na pala ako HAHAHHAHA pero imposibleng may holdup-ang maganap dito eh kase madisiplina mga tao samin kaya...
Erase! Erase! Erase!
Eh ang mga krimen lang samin eh yung mga car accidents tapos mga patayan na...
Nanlaki ang mga mata ko, eh paano kaya kun-
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah" sigaw ko at tumayo dahil muntikan na akong masagasaan kaya napahiga ako parang uhm... nanapatalon ako sa gulat kaya napahiga ako ganun buti nga lang at napahiga ako kase aba mamamatay ako neto sa katangahan ng driver na to. Oo ganun na nga hirap i-explain i mean tinatamad ako mag-explain.
Alam naman kase na kapag dadaan dito maghinay hinay ehh kabobohan eh accident prone kaya 'tong part na 'to sa barangay namin hayst
Buset na yan pagkaingay eh .Gulat tuloy ako wanjo magkakasakit ako sa puso dahil sa gunggong na to makakatikim to sakin ng masarap at smooth na sapak
Kaya naman sinigaw-sigawan ko siya sa habang nasa loob siya ng kotse niya. Siguro wala itong mukang maihaharap sakin kaya ayaw ako labasin neto.
Pasalamat siya eh mabait ako eh at hahayaan ko ang ginawa. naku naku naku. Naku talaga.
Muntikan na kaya akong masagasaan buti nalang eh nakapagpreno siya aba pasalamat talaga siya makaalis na nga dito kabuset na to
Teka! Asan na si brown ko?
"BROWN"
"BROWN! YUHOOOOO~"
"BROW-
"Arf!arf!arf!" yown brown nagpakita ka den kaya tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad
"Brown! Arat na!" sigaw ko. Alam ko naman na nasunod siya kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad gabi na kaya baka mapano pa ako sa daan eh
Nakakita na ko ng liwanag galing sa mga kabarangay ko matao pa ang labas kaya naman maliwanag pa
May nadaanan akong mga lasengero sa tabi ng kalsada na tila nahawa na sa kanilang mga asawa na mga chismosa
Bagay nga silang maging mag asawa HAHAHAHHAHA
JUSKO! ano ba iyang mga pinaguusapan nila bad kaya pag usapan yun kase baka mapahamak ka yun ang sabi ko HAHAHHAHAHA gawa kayo ng sabi niyo aba
"Mga share may naganap na naman na CRIMENSH sha may black shtreet"
"Huh! SHEMENTO?"
"CRIMENSH!"
"Ahh.CSHIMEN"
"Oo, Pinataysh na yung lash sha pamilya nila taposh yunsh pinataysh shi-"
Di ko na nasundan ang usapanat at mga pinagchichismisan nila kase nakapasok na ko sa bahay ko at nasara ko na ang pinto at 'di din naman ako interesado sa pinag uusapan nila eh kaya hayaan mo sila.
Pagkapasok ko deretso agad ako sa kusina para kumain 7:30 na kase at baka gutom na den si Brown kaya pakakinin ko na den siya
Naghanda ako ng dog food para kay Brown at nilagay ito sa special bowl niya na ako mismo gumawa gawa sa mud na kinortehan .sosyal yang aso ko na yan kase de-pedegree yan yayamanin!di mo kaya HAHAHAHHA.
At ako naman ay kumuha ng easy-open can sa kabinet para ulamin. Tapos na ko kumain pero yung pagkain ni Brown di pa den niya kinakain
"bakit kaya? May sakit kaya si baby-brown ko?" Pagkakausap ko sa sarili ko kase naman nakapagtataka ang weird ni Brown parang antamlay niya
Baka napagod lang siya kaya ganun. Inalis ko na muna sa isipan ko si Brown at niligpit ang pinaglainan saka naghugas na ko. Matapos ko sa kusina ay pumunta na ko sa kwarto ko para makapag linis na ko ng katawan at para magpahinga na nakakapagod ang araw kahit na wala akong ginawa hayst naman
Nakahiga na ko sa kama at unti unti ng pinikit ang aking mata saka himbing na natulog...
Bale ang routine ko araw-araw gising una, siyempre maka-gagawa ka kaya ng mga bagay-bagay kung tulog ka diba hindi so gising muna. Tapos ayos muka, ayos damit, ayos kwarto, sunod kain sa kusina, hugas ng plato, and then labas, tapos lakad ng lakad hanggang sa kung saan gustong makarating ng paa ko sa kalsada, tapos makikinig ng chismis para di sayang ang pera sa diyaryo
At sa araw-araw na yun sa loob ng isang linggo may namamatay na tatlong pamilya sa barangay nila. Isang buong pamilya as in kung buhay pa nga ninuno eh baka napatay na din eh.
Grabe kaya yung pumatay pero di ko magawang matakot sa kaniya kase natutuwa pa ako. Baliw na kung baliw, ba naman kase ang mga pamilyang mga pinatay sa lob ng linggong yun mga pamilya na o kamag-anak ng mga nambully, nanakit, at mga nang agrabyado sakin at sa pamilya ko
Kaya di ko magawang takot para kaseng pabor sakin ang ginagawa niya sa mga nanakit sakin, samin ng pamilya ko
Nacri-creepy-han na nga ko sa sarili ko ehh parang tuwang tuwa pa ang pakiramdam ko kahit na namatay ang ibang tao na yun. Tao ng mga pamilyang sumira samin. Ay jusko naman.
So another day na naman as usual nagmulat ako ng mata ang ibig sabihin nun gising na ko. Bumangon na ko at nag ayos na para makagala na naman ako at makapag lakad-lakad. Di na ko nag aaral at di ako nagtatrabaho kase tamad ako ganun lang yun.
Tsaka madami nga kase galit sakin inaaaway ako sa school kaya naman nagpadrop out nalang ako kaysa naman mamatay ako sa school na yun na pagmamay ari ng mga yayamaning peke
'baka sila pa patayin ko eh HAHAHAHAH JOKE LANG 'Pero mga walang kwenta naman sila nang aabuso sila tapos nakakalusot pa ren palibhasa ginagamit ang pera 'aba pera pera pala ehhh mga tarantado sila pare-pareho lang aming mayayaman eh'. Mga lelang nila kamuka ni kurikong.
Basta kapag nagkita kami ng killer na yun aba pasasalamatan ko pa siya
Naglalakad na ako sa kalsa dahil nakarinig na naman ako ng chismisan about sa krimen an nagaganap na ngayon dito samin "wala ngang nakawan at holdup-an may patayan naman jusko delikado to char lang exciting to HAHAHAHHA" sabi ko sa isip ko siyempre sarili ko lang naman kinakausap ko eh
Aba makikichismis ako ang ibig sabihin nun chismosa na din ako need ko lang maging updated naku baka mamaya ako na sunod na mabiktima ng krimen or worst mapatay 'ih! Naman eh kinikilabutan ako eh'
Nakinig nalang ako sa kanila pumwesto ako sa tapatng tindahan kunware bibili ang peg pero makikichismis para hindi halata
"Yung pamilya daw ng mga mayayaman na may ari ng E-mart dito satin yung pinaka-malaki yung ano ba yun? yung uhm~ yun yung mga ayun yung mga Ellanto"
"Hay naku! Nakakatakot na eh pang dalawampu't isang pamilya na yang namatay eh baka mamaya tayo na sunod nakakatakot talaga eh"
"Oo nga natatakot na talaga ako. Pero ang pinaka simula talagang pinatay na pamilya yung pamilya na Buena diba pagkatapos nila mamatay sunod sunod na"
Humigpit ang pagkaka-kapit ko sa bakal sa tindahan na tinatambayan ko dahil sa nadamay sa usapan nila ang pamilya ko pamilya namin na walang awang tinorture bago pinatay ng mga asal hayop na mga taong yun.
"Grabe pa mga pinaggagawa sa Buena family eh no? torture na kung torture."
"Lalo na yung mga sumunod na patayan ehh mas malala pa ang sinapit nila kaysa sa mga Buena eh tapos kailan kaya matatapos yung mga patayan balita ko kase pinasara ang buo nating barangay dahil baka maubos na tayo wala ng nakalalabas at nakapapasok sa barangay natin"
"Sana talaga matapos na to at makapaglakad na tayo ng maayos sa black street nang hindi naaabala ng mga bangkay na tinatapon sa street na yun
"Oo nga eh nakakatakot na dumaan doon kase doon lagi natatagpuang nakakalat ang mga bangkay ng mga yun"
"Sana naman mahuli na ang killer wanjo alam niyo ba na sampu nalang ang pamilyang nakatirang buhay dito sa atin"
"Sigurado akong di na yun masusundan ng patayan"
Pinag usapan na nila ang mga anak nilang may mga award at mga panalo
'naku po yan na naman ang mga bida bida na yan. Boring!'
Kaya naman umalis na ko dun at nagpatuloy nalang sa pag lakad nakatingala ako at ninanamnam ang magandang puno at sariwang hangin sa black street. Ewan ko kung bakit di na nila gustong madaanan ang mga punong to ng black street at ang sariwang hangin na nahaluan lang naman ng kaunting lansa na galing sa dugong natutuyo na sa kalsada sa tuwing may natatagpuan ditong mga bangkay
Nagmumuni muni lang ako at inaalala ang aking mga pamilya sana kasama ko pa sila nakalulungkot ang magisa
Di ko namalayan na gabi na naman at ako ay nagpalipas na naman ng buong maghapon sa kalalakad sa haba ng black street at siyempre pahinga minsan sa mga benche na nakalagay sa mga tabi ng bawat puno
Lagi nalang di ko namamalayan na gabi na at laging alas sais ang oras na nababalik ako sa katinuan at tatahakin na ang daan pauwi naku naku naku
Kaya naman naglakad na ako para makauwi an ko at baka si brown ay nagugutom na di kase sumama tulog pa siya kanina kaya nahiya akong dalhin baka puyat eh kababantay sakin. Yieeee natats amanz akesh
At nang makarating ako sa matao at mabahay na daan pauwi ay nakarinig na naman ako ng chismisan ng mga lalaking asawa ng mga chismosa sa umaga at ang topic nila ay ang 'di nakakasawang krimen dito sa aming barangay
Siguro naman ay iba ang chismis ng lalaki sa gabi at ng sa babae sa umaga aba eh kung ganun lang rin eh diako makikichismis
Pero sa napansin ko na kung angmga last chismisan nila ay nag iinom sila ngayon ay nakaupo lang sila sa bangko
"Pre, paano nga pala pinapatay angmga biktima?"
"Oo nga pre, police ka diba pamilya lang naman ang nakakalapit sa crime scene dahil kayo ang batas dito at kayo ang pamilya niyo ang mga propesyon ay sa pulisya"
"Ah yun ba mga pre"
Nacurious din ako kaya ko naman nakinig ako habang nakatayo parin sa aking pwesto at hinihintay na sagutin niya ang tanong sa kaniya ng kaniyang mga kumpare
"Yung mga Buena di ko na sasabihin kase alam naman ng lahat ang sinapit nila diba kaya sisimulan ko nalang sa sumunod na mga pamilyang namatay"
"Potek nayan bakit naman ang daming paligoy-igoy"
"Hoy wag ka nalang umangal lalo tuloy tumagal sabihin eh epal to eh "
"So yun na nga ang pamilya Castiana, Zaj at Dee tinorture sa pamamagitan ng pagpuputol ng mga daliri kamay man o sa paa una cho-chop-chop-in ang mga daliri na nakadikit pa sayo kaya naman ramdam nila ang sakit ng machop-chop-an ng mga daliri pagkatapos ay yung mga kamay pataas sa braso nito, ang binti at hita hanggang sa tuluyan ng machop-chop ang buong mga braso, binti at hita nila."
"Hala grabe naman pala yun ansakit siguro nun"
"Try natin sayo para maranasan mo"
"Hala ndi na"
Tinamad na kong makinig dahil naalala ko na kaarawan ko nga pala bukas dapat magsaya ako at mag-celebrate kami ni Brown siyempre kaya naman umuwi na ako at natulog na bukas na ang Birthday ko kaya naman bukas nalang ulit ako maglalakad
Yeeeeeeeey! Birthday ko na at sigurado akong masaya ako ngayon dahil ito ay big day para sakin at mayroong big celebration lahat imbitado siyempre mabait naman ako eh
Kahit na di nila ko pinapansin siyempre invite ko sila with a big big smile on my lips
At ngayon ay ......
.....SIMULAN NA ANG KASIYAHAN
Habang pinapanood ko ang mga kabarangay ko na nagtatakbuhan at naghihiyawan ay di ko mapigilang matuwa akala ko pa naman di sila mag eenjoy siyempre ang pagkain naman namin ay on the spot kong niluto yes niluto chef ako bakit ba
So ayun na nga narinig ko na ang kanilang samo't saring mga hiyaw galing sa iba't ibang pamilya na naririto ngayon
"Awww, music to my ears" madamdaming sabi ko sa kanila
Nakatutuwa talagang makita silang nasasaktan ng dahil sa sarili kong kamay
Kaines lang at mabilis natapos ang party dahil ambilis nila mamatay konting gas palang naman ang ininum nila at inapuyan ko lang naman sila ng saglit yun na yun nabitin ako walang fun akala ko naman masaya ang magiging araw ko
Hayts by the way bagay naman sa kanilang lahat ang mga yan kung sana eh tinulungan nila kami kaysa pahirapan
Yun nga lang its pay back time na at sakin galing yun lahat sila ginawan nila kami ng masama
Kung sana di nila sinunog ang bahay namin ,di nila sana kami pinagkaitan ng makakakain, kung sana di nila pinagtataga ang mga katawan namin at kung sana di nila kami kami pinatay ng walang awa di nila sasapitin iyan mabait naman ako eh
Naglalakad lang kaming pamilya sa black street pero pinatay niyo kami kaya naman sisiguraduhin ko na walang maiiwang bakas ang Brgy. Black sa kahit anong mapa at kahit sinong makadadaan ng black street ay sigurado na walang makadadaanan ng walang latay
And If one of you came across this street, I am warning you. Be prepared to be hurt and die because you are not alone walking on that street. I am always here, walking down the street...
......WALKING DOWN THE STREET......
____________
ᴡᴇʙɪʀᴀᴡʀ