4

788 Words
"Psst...Riz tingnan mo yang baliw na lalaki na yan oh, kanina pa yan tingin ng tingin sayo".pabulong na wika ni Liezl sa akin habang nakaupo ito malapit sa akin at kumakain ng pancit canton na pinalito niya sa akin. "Hayaan mo na yan ayuko ko pansinin ang mga ganyan lalo na mga tambay na hindi ng makaligo bago tumambay dito tapos binabalandra pa mga mga katawan kala mo naman ang mamacho!" Pabulong pabulong ko rin na sagot ky Liezl.Napahagalpak ito ng tawa dahil sa nasabi ko.Naging malapit kami ni Liezl dahil lagi kaming mag usap na dalawa tuwing gabi.Siya ang ang nagbabantay ng kabilsng pwesto na katsbi lamang ng karenderya ng tiyahin ko kaya hindi din ako masyadong inaantok tuwing gabi na pagbabantay ko dahil sa may nakakausap ako pag walang nagkakapi or kumakain. "Sige love tulog na ako midnight na pala. Hindi muna tayo magkikita bukas huh may tataposin pa akong program at my exam pa.Ingat ka lagi good night,I love you!". Huling Minsahi ni John sa akin. "Sige J,love you too and I'm gonna miss you,galingan mo sa exam mo bukas." Binalik ko sa bulsa ko ang cellphone at pumuntang hugasan para mahugasan ang ilang hugasin na ginamit ng huling dalawang costumer na kumain at nagkape kanina.Nasanayan ko na talaga sa ilang buwan ko na pagtatrabaho ng gabi sa karenderya ang lahat nv gawain kahit na ako lang mag isa.Minsan pumapasok sa isip ko na second year na sana ako ngayon pero alam ko na makakabalik din ako sa pag aaral pero sa ngayon ay magtitiis muna ako rito. "Ang ganda talaga ng pamangkin mo Alma" sabi ng kausap ni aunty na nagtatrabaho sa opisina ni mayor. "Nako wag ang pamangkin ko ang psgtripan niyo at bata pa yan.Babalik pa ng pag-aaral yan."sagot ni aunty sa kausap na kahit nakangiti ay makikita ang pagiging seryoso sa sinasabi.Siya lagi ang sumasaway sa mga tambay na umaaligid sa pwesto niya lalo na kong hindi naman kakain kp magkakapi ang mga ito kaya kramihan sa kanila para hindi mataboy ng mataray ko na tiyahin ay ginagawang dahilan ang pagkakapi o ang pagkain.Minsan narin nasabi ng ni aunty na sa mga tambay na yan dumami ang bents namin kaya natatawa pa kami sa napag uusapan namin.Pero lagi parin niyang sinasabi na wag padadala sa mabulaklak na salita ng mga lalaki sa paligid. Linggo ng sinundo ako ni John sa labas ng Robinson mall.Niyaya niya akong magbeach kaming dalawa.Masyado na raw kasi akong maputla dahil sa ang tagal ko ng hindi naaarawan.Na excite naman ako dahil matagal narin ang huli naming punta ng beach na dalawa Lagi nalang kasi kami nakatambay sa mall or naglilibot lang sa syodad kaya mgandang idea din itong pag alis naman at ng maiba naman ang tanawin.Sumakay kami ng bangka patungon guimaras island.Duon namin napagkasunduan pumuntang dalawa. "Love,you know I love you,right?"sabi ni John sa akin habang nakayakap ito galing sa likod ko habang nakaupo kami sa buhangin.Bumaling ako sa kanya para magtagpo ang aming mga mata.Tinitigan ko siya ng mabuti at nginitian.Tumangon ako bago magsalita. "I love you too J" sagot ko sa kanya at ibinalik ang aking paningin sa dagat."Gusto ko rito,tahimik at kasama ka".Niyakap niya ako ng mas mahigpit pa habang inaamoy ang buhok ko.Pinadaos niya ang kanyang mga kamay sa aking mga daliri at pinaglaruang nito ito. "Alam kong masyado pa tayong mga bata at hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral at alam kong may mga pangarap ka rin.Gusto ko magkasama tayo sa pag abot ng mga pangarap natin love.Gusto ko sa huli ako parin ang nakakayakap sayo ng ganito".Hindi ko maiwasang damhin ang dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa mga sinabi niya.Kirot hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya na marinig ang ganong salita na nanggaling sa kanya.Kinalas ko ang kamay niya na nakayakap sa parin sa akin at hinarap siya.Pinagmasdan kong mabuti ang mga mata niyang nakangiti sa akin at ang buong mukha nito.Hinalikan niya ako sa tungki ng aking ilong at muling niyakap ng mahigpit.Niyakap ko siya ng pabalik at sinubsob ang aking mukha sa kanyang liig.Ang sarap sa pakiramdam na nasa kamay ng taong nagmamahal at minamahal ka.Masaya ako,masaya kami sa isa't isa. Gabi na kami nakabalik sa syuidad.Hinatid niya ulit sko malapit sa pwesto nina aunty at umalis din naman siya agad.Dumiritso muna ako sa kwrto na tinutuluyan ng tiyahin ko at ng anak nito bago nagpasyang puntahan siya sa kanyang karinderya at ng makapagpahinga na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD