bc

NEVER AGAIN(Filipino)

book_age16+
368
FOLLOW
1.2K
READ
family
forced
friends to lovers
drama
sweet
lighthearted
serious
friendship
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

Makakaya niyo kaya kong susubukin ang tatag ng inyong pagmamahalan?.Paano ka makakalimot sa lahat ng magandang alaala ng iyong nakaraan?

chap-preview
Free preview
Simula
"Umuwi kana sa mama mo para makatulong ka naman sa pagbabantay sa maliliit mong kapatid,anak!." Pagalit na wika ni papa ng bumisita sya dito sa bahay ng tiyuhin ko. "Pa,nagtatrabaho ako sa karendirya ni auntie!,ayokong umuwi duon kina lola masyadong malayo ang bahay dito nalang po ako at pagnakasahud eh magpapadala nalang ako kay mama." "Hayaan mo na yang anak mo dito tol at gustong magtrabaho para kumita.Dalaga na yan kaya nya na sarili nya at duon naman ky auntie nya nagtatrabaho nababantayan naman yan."singit ni uncle sa usapan namin ni papa,sya ang bunso nila pa na may limang anak din. "Oo ng naman kuya ok naman sya dito.Pinapauwi lang namin yan dito para makapagpahinga pag sya nagbantay ng karinderya sa gabi" wika ni auntie na asawa ni uncle Noel. Nagpatuloy pa sa pagsasalita si papa sakin ng kung anu sa buong oras ng pagbisita nya sa bahay nina uncle.Pinili ko na lamang manahimik nalang at para hindi na madagdagan ang inis nya sa pagtanggi ko lagi na umuwi sa bayan ng lolo't lola ko.Lumipat kami nuong nakaraang taon sa lugar ng magulang ni mama dahil sa hirap ng buhay namin sa bayan nina papa at bukod duon ay magulo din ang sitwasyon nmin duon dahil sa hindi pagkakaunawaan ng papa ko at ng mga kamag anak nya dahil sa usapin sa lupa. Ng sumunod na araw ay tinawagan ako ni auntie Alma na pumunta sa siyudad para makatulong sa karenderya nya dahil umuwi daw ang isa sa tauhan nya kaya kulang sya ng tao.Nagpaalam ako ky auntie Bibi na babalik na ng siyudad at ako na ang bahala maghatid ng pagkain ni lola,nanay nina papa dahil sa kahit matanda na ay anduon parin sya sa merkado at naglalako parin ng mga gulay at duon narin natutulog.Tulad ko ayaw din ng lola kong umuwi ng bahay,mas gusto nya sa siyudad lang sya kaya minsan naiisip ko talaga kong saan ako nagmana.Napangiti na lamang ako sa naisip ko at nagpara ng paparating ng jeep patungon siyudad. "Hay! salamat naman at nakarating kana Riza!nako makakapagpahinga na ako nito sa wakas!." masayang salubong sa akin ni tiya Alma ng nakalapit ako sa kanya habang sya ay naglalagay ng ulam na inorder ng driver ng jeep na nakaparada sa harap ng karenderya ng tiyahin ko. "Kamusta po ang benta auntie?.Pwede kumain muna ako tapos ako na bahala dito mamaya at ng makatulog kana po." "oh sige kumain kana,ikaw na bahalang pumili ng ulam na gusto mo,maghuhugas lang ako ng mga pinagkainan,nako halos di ako magkandaugaga kanina kong anung uunahin ko kahit pinggan ay kinulang dahil wala si junjun ngayong araw para tumulong sakin." "Sige po auntie bibilisan ko lang to at ng makatulong na". At ito na ng ang naging buhay ko simula ng huminto ako sa pag aaral sa kuliheyo.Isang sem lang ang natapos ko sa kursong Computer science.Nakapag enrol ako ng second sem ngunit nahinto ako dahil sa hindi na ako sinuportahan ng papa sa pag aaral ko.Kahit nagawa kong magtrabaho sa tiyahin ko pagkatapos ng pasok ko hindi parin naging sapat dahil sa dami ng gastusin.Kahit na pangkain ko ay wala kya kahit mabigat man sa luob ko at iniyakan ko ito ng maraming beses wala akong magawa kundi ang huminto nalang muna sa pag aaral.Kahit si mama walang magawa,wala siyang trabaho at maliliit parin ang mga kapatid ko kaya lahat kami ay nakaasa lamang ky papa.Walo kaming magkakapatid at ako ang pang apat at ang natatangin babae.Walong taon ang agwat ng edad ko sa kapatid ko na sumunod sa akin,tatlong taon naman ang agwat ng edad nya sa sumunod pa naming kapatid at dalawang taon naman ang agwat ng ika pito kong kapatid sa bunso namin.Naiinis ako sa mga magulang ko nung una dahil sa kagustuhan nilang magkaruon pa ng isa pang anak n babae ay dumami kami ngunit lalaki pa din lahat ang lumabas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
90.2K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
427.2K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.3K
bc

SILENCE

read
374.3K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook