1.

673 Words
Hating gabi na at marami paring tao ang bumibili sa pwesto namin lalo na ang mga nagkakape.Ako lang mag isa ang nagbabantay ng karenderya ni tiya mula alas diyes hangang alas otso ng umaga.Marami na akong mga kustomer na pabalik balik dito sa pwesto para kumain at karamihan sa kanila ay mga kalalakihan na nagtatrabado sa merkado,mga delivery boy ng mga karne't isda at mga nagbebenta ng mga ukay ukay. Laging sinasabi sa akin ni auntie na naging maswerte daw sya sa negosyo nya simula ng nagtrabaho ako sa kanya ilang buwan na ang nkakaraan simula ng huminto ako sa pag aaral.Dumami ang kita namin lalo na sa kapihan namin dahil karamihan na ng mga tao ay dito na sa pwesto ko nagkakape. Sa ilang buwan ko na pagbabantay ng pwesto ay marami ang nagpaparamdam sa akin ng paghanga at pagkahusto.Minsan narin ako natipuhan ng my mga idad na at niligawan pero panay ang iwas ko sa mga lalaki na nagpaparinig o nagpaparamdam lalo na sa mga tambay na laging nagkakapi sa pwesto at mapapansin sa akin. Minsan narin akong napagselosan ng asawa ng nagbebenta ng ukay-ukay dahil sa pagpapacute ng lalaki sa akin araw araw kaya minsan ay nasabi ko sa tiyahin ko na sa pwesto nalng sya matulog dahil minsan ay hindi ko maiwasang kabahan dahil sa hindi magandang sinasabi sa akin. Marami ding mga jeepney driver ang nanligaw sa akin ngunit hindi ko sila pinapansin.Maliban sa alam kong my mga asawa na ang mga ito ay ang tatanda na nila kumpara sa akin na labing pitong taon pa lang. "Riz,sa hapon kana umuwi sa inyo maraming tao sa umaga hanggang tanghali kya kaylangan pa kita rito."si auntie alma. "Sige po auntie,hindi pa naman po ako nakapaghanda ng dadalhin ko pauwi at mamimili pa ako mamaya bago umalis." "Ay oo ng pala bumili ako ng dalawang kilo ng baboy at mga frozen food wag mo kalimutan dalhin mamaya. Mag balot kana rin ng mga ulam para my pandagdag ka sa dala mo.At ito ang 800 na sahod mo para may maibigay ka ky mama mo at sa mga kapatid mo ha." "Salamat po auntie!".sabay ngiti ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagseserve ng mga pagkain. Umalis ako ng pwesto alas dos na ng hapon. Nagmadali na agad ako magligpit ng mga gamit ko at nilagay ko na sa mga malalaking supot ang mga pinamili ko na dadalhin sa bahay. Naligo muna ako at nagpalit ng simpleng t-shirt at maong pants na binili ni auntie para sa akin. Lumabas na ako ng kwarto na inuupahan nila auntie at nagpaalam na sa kanya para umalis ngunit bago pa man ako makaalis ay marami ng mga mata ang nakatingin sa akin at nagpaparinig at nagbibiro na gusto nilang sumama sa akin. Tinawanan ko lamang ang kalokohan ng mga tao sa karenderya at pumunta na sa kung saan nakaparada ang jeep papuntang bayan ng San Ignacio. "Remi,kamusta?uwi ako ngayon puntahan kita mamaya sa bahay nyo!" Minsahe ko sa aking pinsan habang naghihintay na umalis ang ang sinasakyan kong jeep. Isang oras mahigit ang biyahi bago makarating sa bayan namin.Pagkababa ng sasakyan ay pumara agad ako ng tricycle at nagpahatid ng E calle street dahil hanggang duon lamang ako pweding ihatid ng tricycle kaya kaylangan ko pang maglakad ng mahigit tatlumpong minuto para makarating sa mismong bahay ng lolo't lola ko.Marami akong dala kaya naging mahirap sa akin ang pag uwi. "Bakit ba naman kasi hindi ako nagpasundo sa mga pinsan o mga kpatid ko.hay!" "Ang hapdi na ng mga daliri ko,ang bigat.!" Panay ang rekalmo ko sa sarili ko hanggang marating ang bahay.Nasa parting bukid na kasi ang lugar namin at wala pa ding kalsada na maayos ang papuntang bahay nmin kya walang magawa kundi ang maglkad.Kaya ayaw na ayaw ko ang tumira dito dahil sa hirap ako di katulad sa lugar ng papa ko nuon na nasa highway lang ang bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD