"Riz tara sa bahay inuman tayo tagal nating di nakapag bounding,andun mga kapatid ko nagluluto ng pulutan natin alam kasi nila na uuwi ka".sabi ng matalik ko na pinsan na si Remi.
"Oh sige saglit lang maliligo lang ako at magpapaalam tayo kina mama na punta tayong bahay nyo".
At yun na ng ang ginawa ko pero matapos nun ay nakipagkwentuhan pa muna ako sa lolo ko habang sya ay kumakain ng manggan hinog na pasalubong ko.Tuwang tuwa ito sa mga dala ko kaya ito ang pinagkaabalahan niya.Nagpaalam ako ky lola at mama mamamasyal sa baryo.Habang naglalakad kmi ay nadadaanan namin ang ibang bahay na maraming taong naka upo sa labas ng kanilang bahay.Hindi ko maiwasang mahiya parin kahit nagpupunta ako dito tuwing nakakauwi sa lugar ng lolo ko siguro marahil sa ang iba sa kanila ay may hindi pagkakaunawaan sa pamilya namin.
Nang makarating sa bahay ng mga pinsan ko ah panay ang kamustahan at biruan namin.Hindi rin maiwasan ang tuksuhan sa mga love life namin lalo na't mga pinsan kong mga lalaki ay matatangkad at gwapo pa kaya panay ang kantiyawan namin sa luob ng bahay nila.Hindi nagtagal dumating pa ang iba nilang mga kaibigan kaya naging mas maingay pa lalo ang bahay.Panay ang kamusta ng lahat sa akin kahit na hindi ko naman talags sila mga kaibigan ay kilala ko naman sila sa kanilang mga pangan kaya hindi narin naging mahirap sa akin ang makisama kahit na karamihan sa kanila ay kalalakihan.
"Remi,ikaw ng muna ang lumabas at may bibili".tawag ni auntie Carmen.
"Sige po nay,oh cous sandali lang ha at my gustong bumili sa sari sari store".tumango ako sa kanya at nilagok ang isang tagay na para sa akin.Maya maya pa ay naisipan kong kunin ang suklay mula sa dala kong bag at tumayo sa malaking salamin na nakasabit lang sa tabi ng pintuhan.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.Magulo ng kaunti ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin kanina habang naglalakad kami at pawisan din ang mukha ko dahil sa init kahit na nakabukas ang electric fan.Itinali ko ang buhok ko at pinunasan ang mukha at naglagay narin ng kunting pulbo at naglagay ng lipgloss dahil sa nakasanayan ko narin ang maglagay lagi dahil hindi talaga ako kumportabli sa labi ko na maputla.
"Cous,tara pasok ka muna sa bahay nagkakasayahan lang kami duon andun sina kuya at ang grupo,sa linggo babalik kana naman sa maynila niyan".dinig ko na sinabi ni Remi sa kausap sa labas.Dumungaw ako sa pinto para makita kong sino ang kanyang kinakausap ngunit hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa akin.
"Babalik nalang ako Rem hatid ko lang muna to sa bahay".dinig ko na wika ng lalaking nakaputing t-shirt at itim na jersey short.Ibinaling niya ang kanyang paningin sa pintuan kong saan ako nakatayo kaya nagkasalubong ang mata namin.Bigla akong nakaramdam ng kaba nung makita ko ang mukha nya na nakangiti pa ng bumaling sa akin.Nagtagal ang tingin nya sakin kaya napabaling nadin ang pinsan kong si Remi sa kinatatayuan ko.Nagkunwari akong walang pakialam at nagtaas ng kilay at bumalik na sa hatap ng salamin pero hindi maalis sa isip ko ang mga mata ng lalaking iyon na una ko palang nakita sa lugar na ito.
Alas singko na ng hapon ng napagpasyahan ng mga pinsan ko na ilipat ang table namin sa harap ng bahay nila at duon ipagpatuloy ang inuman namin kasa ang mga kaibigan at kagrupo neto sa basket ball..Naging napakaingay pa namin lalo na ng medyo may tama na kaming lahat.Naghahagikgikan kami ng dalawa kong pinsan na babae dahil sa pagbabasa ng mga minsahe galing sa mga textmate namin ng marinig ko na may tinawag si Luis.Napatingin kami sa paparating na lalaki na kanila ng kausap ni Remi at mag kasama pa itong isa pang lalaki.Umikot ang mats ng lalaking may brown na mata sa tablr namin at nagtagpo muli ang mga mata namin.Ngumiti ito sa akin at bumaling sa pinsan ko na angbigay sa kanila ng basong may laman ng alak.
"Siya si Rheden second cousin ko, nandiyan lang ang bahay nila sa tapat ng basketball court yong may pinturang green.Magpinsan si nanay at ang tatay niya.Kakauwi niya lang nuong nakaraang araw galing maynila at babalik din yan agad sa linggo".pabulong na sabi ng pinsan ko.Tiningnan ko ulit ang lalaking nakatayo sa gilid ng mahabang lamesa namin nakikipag usap ito sa mga pinsan ko at nakakikipagkamustahan pero ilang beses ko itong nakitang tumitingin sa akin.Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko,para akong naiilang nalang bigla dahil sa estranghero kaya para maiwasan kong bumaling muli sa kinatatayuan niya ay ibinalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko at nereplayan nalang ang minsahi ni John at ng iba ko pang kaibigan.
Inaya ako nina Myra at Remi na tumambay muna sa gilid ng basketball court di kalayuan sa kanilang bahay kaya napatayo nadin ako at nakidaan sa mga pinsan ko na busy sa kanilang pinag uusapan tungkol sa laru nila sa basketball naninang umaga.
"Oh san punta nyo?"tanong ni Nathan sa amin.
"Sa basketball court muna kami tatambay sandali at ng makapag signal ng maganda masyadong mahina ang signal dito eh."sagot ni Remi sa kapatid.
"Ay sandali lang di ko pa naipapakilala si Riza dito kina Rheden at Marlon.Pinsan ko pala si Riza anak ni auntie Jovy dito na sila nakatira ngayon pero si pinsan nagtatrabaho sa syodad kaya minsan lang umuwi kya nagkayayaan nadin kaming mag inuman.Riz,si Rheden ng pala at marlon hindi mo pa sila nakikita dito sa maynila kasi nagtrabaho ang mga to"ani Nathan.
"Hi"sabi ko sabay ngiti sa kanila.
"Hi" sagot naman una ni Rheden at ngumiti din pabalik ganun din ang kasama nitong si Marlon.