Napagkasunduan namin ni J na magkita sa paradahan ng mga sasakyan.Pinilit kasi niya na sumama sa akin dahil gusto niya akong ihatid sa bayan namin.Nagudtuhan ko rin ang plano niya kaya pumayag narin ako kaya ngayon ay magkatabi kaming naka upo sa bandang unahan ng sinasakyan namin at naghihintay nalang ng oras ng pag alis nito.
"Papano yan mamaya pagbalik mo mag isa ka nalang?" sabi ko sa kanya sa malungkot na boses.Hindi ko maiwasang malungkot talaga dahil medyo mapapalayo pa kmi simula ngayon hindi na namin magawang magkita araw araw.
"Oh bakit,alam ko naman bumalik mag isa" sagot niya sa mapagbirong tuno.Kinjrog ko siya sa tagiliran at inirapan.
"Alam ko,ang ibig kong sabihin hindi kaba malulungkot niyan?"
"Hindi naman" sagot niya at nag isip pa sandali ng idudugtong na sasabihin."Ang mahalaga ay maihatid kita duon".Sabay halik sa buhok ko.
Hindi ako nakapag salita agad.Naglalakbay ang isip ko sa magiging buhay ko sa bago naming tirahan at sa magiging buhay ko duon dahil alam ko na duon narin ako mag aaral sa susunod.At siguro masyado rin ako nag iisip sa magiging sitwasyon namin ni J.Nag aaral siya at ayokong dagdagan ang iniisip niya.Gusto ko na mag-focus din siya sa pag aaral.Hindi ako hihiling na dalawin niya ako lagi.Hindi rin ako magiging demanding ng oras niya.Gusto ko na maging maayos kaming dalawa kahit minsan nalang pweding magkita.Siguro ay dapat magkaroon ako ng pansamantalang trabaho habang hindi pa magpapasukan para na makapunta ako ng syiudad at makapasyal din kami minsan.
Napailing ako sa sarili kong iniisip.Naging over thinker na ata talaga ako.Bumuntong hininga ako.Mamaya pasko na.Napatingin ako sa bandang likod ng jeep.Malapit na itong mapuno at 5 minutes nalang ay aalis na ito.
"Here,merry christmas in advance love sana magustuhan mo yan".isang maliit na box ang kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang itim nq backpack at nilagay sa aking palad.Nasa pink gift wrap ito.Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa regalo niya.
"Thank you J!"saad ko sabay hilig sa kanyang balikat.
"Wag mo muna buksan,mamaya pagnakarating kana sa bahay niyo.Tawagan mo muna ako bago mo buksan".sinabi niya sa mahinang boses.
ngumiti ako."sige,nga pala my regalo din ako pero mamaya kuna ibibigay pagbaba natin ng sasakyan".pabulong ko sa kanya.Tinago ko rin agad ang regalo niya sa luob ng shoulder bag ko.Napabaling ako sa matandang babae ns nakaupo sa kabilsng upoan na nakaharap sa amin.Kanina pa siguro ito nakatingin sa amin dahil ngiting ngiti ito habang pa lipat lipat sa amin ni J ang paningin niya.Bigla tuloy akong nakaramdam ng nahiya.Naging siksikan ang sinasakyan namin at napaka init kaya pawisan ang leeg ko.Pinapaypayan ako ni J,inaayos ang buhok ko na hinihipan ng hangin.
Ganito siya lagi mula pa man nuon parang subrang sweet na parang hindi totoo na may boyfriend ako na katulad niya.Masyado akong nasanay sa kanya kaya hindi ko talaga maiwasan malungkot sa ngayon pero alam ko bukas at sa mga susunod na araw ay masasanay din ako.