Chapter 5

1051 Words
"Here’s your something strong, ma’am," wika ng bartender sabay lapag ng baso sa harap ni CJ. Isang madilim at matapang na timpla na agad nagpakawala ng matapang na amoy ng alak. "Thank you," tugon ni CJ. Pero bago pa makahakbang palayo ang lalaki, pinigilan niya ito. "Wait. By the way, what’s your name?" "June, ma’am," nakangiting sagot nito. "Thanks, June," tipid na tugon ni CJ bago muling humarap sa baso. Sa kabilang panig, tila nabigla si Arkine sa kanyang narinig. Napakunot ang kanyang noo, nakaramdam ng pagka-inis na hindi niya maipaliwanag. Seriously, CJ? tanong niya sa isip. "Ngayon mo lang nakita bartender na ito, tinanong mo agad ang pangalan? Hindi siya makapaniwala. Ilang beses na silang nagkrus ng landas—mula sa tensyon sa loob ng eroplano hanggang sa pagdating sa resort—pero para sa dalaga, tila isa lamang siyang bahagi ng tanawin na hindi kailangang kilalanin. "Tayo, ilang beses nang nagkrus ang landas, ni hindi mo man lang tinanong ang pangalan ko..." bulong ni Arkine sa sarili, puno ng himig ng pagkadismaya. Dala ng halo-halong emosyon, tinungga niya ang lahat ng laman ng kanyang baso sa isang mabilis na galaw. Ramdam niya ang init ng alak na gumuhit sa kanyang lalamunan—kasing-init ng kuryosidad at iritasyong nararamdaman niya para sa babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nililingon. Dahan-dahang itinaas ni CJ ang kanyang baso. Isang lagok, at ramdam niya ang init na dumaloy sa kanyang dibdib. "Mmm..." isang tipid na tunog ang kumawala sa kanyang mga labi, parang buntong-hiningang hinaluan ng pait. Sa loob lamang ng ilang segundo, naubos niya ang laman nito na tila tubig lang. Napakurap si Arkine. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng dalaga. May kung anong hamon siyang naramdaman. Sinenyasan niya ang barman at bumulong, "Same as hers." Gusto niyang malaman kung gaano ba talaga katapang ang inumin na iyon para maubos ni CJ nang ganoon kabilis. Kasabay nito, muling itinaas ni CJ ang kanyang kamay. "Another strong drink, ma’am?" tanong ni June, bakas ang pagkagulat. "Yes, please," sagot ni CJ. Nanatili ang kanyang paningin sa basong hawak, tila doon hinahanap ang mga sagot sa mga tanong na iniwan niya sa Maynila. Tahimik siya, ngunit ang bawat kilos ay nagsisigaw ng bigat na nais niyang lunurin sa bawat baso. Pagkaabot ng pangalawang baso, hindi na nag-atubili si CJ. Muli niyang nilagok ang inumin, at nangalahati na agad ito sa loob ng ilang segundo. Walang bahid ng pag-ayaw sa kanyang mukha; parang manhid na ang kanyang panlasa. Samantala, kakaabot lang din ng order ni Arkine. Sa unang higop pa lang, napangiwi siya sa pait at sa tindi ng sipa ng alkohol. Matapang nga—masyado para sa isang taong gusto lang sanang mag-relax. Nawala ang naunang inis niya, napalitan ito ng tunay na pag-aalala. Napagtanto niyang hindi na basta pag-e-enjoy ang ginagawa ni CJ; ang bawat lagok ay isang desperadong pagtatangka na takasan ang isang bagay na mas mapait pa sa iniinom niya. Nanatiling nakahawak si Arkine sa kanyang baso, ngunit hindi na siya uminom. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakapako kay CJ, nagbabantay kung kailan bibigay ang katawan ng babaeng pilit na itinatago ang pagkabasag sa likod ng mga baso ng alak. Paglapag ng pangalawang baso, tuyo na naman ito. Itinaas ni CJ ang kanyang kamay, ang mga daliri ay bahagyang nanginginig na. "June," tawag niya. Agad na lumapit ang barman, may bakas ng pag-aalala sa mukha. "Another one, ma’am?" "Yes," sagot ni CJ, deretso ang tingin sa mga mata ni June. Nagsisimula nang lumabo ang kanyang paningin, ngunit nananatiling seryoso ang kanyang boses. "But wait. may mas strong pa ba doon?" Sandaling natigilan ang barman. Sumulyap siya kay Arkine, na tila humihingi ng senyales. "Are you sure, ma’am? Masyado na pong matapang ang susunod doon." "Yes," madiing sagot ni CJ. Wala siyang pakialam; iyon ang hinahanap niya—isang bagay na sapat ang bagsak para patahimikin ang ingay sa loob ng kanyang ulo. "Okay... right away, ma’am." Sa tabi niya, mas lalong humigpit ang hawak ni Arkine sa baso. Hindi na niya magawang manatiling kalmado habang pinapanood ang babaeng tila sinusunog ang sarili. Alam niyang ang susunod na i-se-serve ni June ay hindi na biro. Habang naghihintay, biglang naputol ang katahimikan nang isang lalaki ang tumayo sa tabi ni CJ. "Hi, I’m Carl. Drinking alone?" Bahagyang nag-angat ng tingin si CJ, lumingon sa kaliwa’t kanan—isang mabilis at malabong tingin. Tulad ng kanina, naging invisible sa kanya si Arkine. ""Do you see anybody with me? No, right?" "You want me to buy you a drink?" pagpapatuloy ng lalaki, puno ng kumpiyansang hindi naman hinihingi. "No," mabilis at matabang na sagot ni CJ. "I can buy my own drinks." Hindi man lang siya nagpakita ng interes. "Okay... if you need help, I'll just be at the back." wika ni Carl bago lumayo. Ni hindi siya sinulyapan ni CJ. Sa kabilang tabi, napabuntong-hininga si Arkine. Napagtanto niyang hindi lang alak ang kalaban ni CJ sa gabing ito—kundi pati ang mga "mandaragit" sa loob ng resort. Mas lalong sumikip ang dibdib ni Arkine. Hindi na siya nag-atubili; nabuo na ang desisyon niya. Dumating ang inumin—isang baso na mas madilim at mas matapang pa sa mga nauna. Walang sabi-sabi, tinungga ito ni CJ sa isang bagsakan. Napamura nang mahina si CJ, sabay pailing na natawa sa kawalan. "Oh, sh*t," bulong niya. "Are you okay?" tanong ni Arkine, bakas ang tunay na pag-aalala. Ngunit huli na. Tila naging bingi na si CJ sa paligid dahil sa tama ng alak. "June..." tawag ni CJ sa barman, gumaralgal na ang boses. "Water, please. And... how much?" Mabilis na binigyan siya ni June ng tubig at inilapag ang bill. Hindi na binilang ni CJ ang pera; naglapag siya ng ilang malalaking papel. "Keep the change," wika niya bago mabilis na inumin ang tubig. Dahan-dahang tumayo si CJ. Ramdam niya ang pag-ikot ng paligid. Halos mabunggo niya ang bakanteng upuan sa kanyang tabi, ngunit pilit niyang pinatatag ang hakbang. Sa kabila ng paggewang, diretso siyang lumabas ng bar—walang lingon-lingon. Napako ang tingin ni Arkine sa pintong nilabasan ng dalaga. Hindi na siya nag-isip pa. Iniwan niya ang sariling baso at mabilis na tumayo. Alam niyang sa lagay na iyon ni CJ, hindi ito makakarating sa kanyang kwarto nang ligtas nang walang tulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD