"Okay lang magkamali, CJ. Tao tayo at walang perpekto sa mundo," wika ni Arkine upang pagaanin ang loob ng dalaga. Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy sa isang tanong na matagal na ring naglalaro sa kanyang isipan. "Si Eman? Paano ka niya itrato?" "Ha?" naguguluhang tanong ni CJ. Hindi niya inaasahang papasok sa usapan ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend. "I mean, paano siya bilang boyfriend? Mahigpit ba siya? Same ba siya ng mommy mo? O hinahayaan ka niyang gawin mo ang lahat ng gusto mo?" sunod-sunod na tanong ni Arkine, bakas ang seryosong interes na malaman ang naging buhay ng dalaga sa piling ng nakaraan nito. Natigilan si CJ sa narinig. Tila doon lang sa sandaling iyon, sa ilalim ng gabi sa veranda, unt-unting nagbabalik sa kanyang alaala ang takbo ng relasyon nila ni Eman. Ng

