"Wifey..." tawag ni Arkine, ang boses ay malambing na tila musika sa pandinig ni CJ. Napatingin si CJ sa kanya, bahagyang natitigilan sa tawag na iyon pero hinayaan niya lang. Naghihintay siya sa susunod na sasabihin ng binata. "Gusto mo mamasyal?" tanong ni Arkine habang nilalaro ang kutsara sa kanyang tasa. "Saan naman tayo pupunta?" balik na tanong ni CJ. "Sa bayan? Kung gusto mo lang... mag-ikot tayo," mungkahi ni Arkine. Nag-isip nang sandali si CJ, tila tinatimbang ang ideya. "Hmmm... pwede naman. Parang gusto ko ng fresh buko," wika niya na may bahagyang kislap sa mga mata. "Sige, saka turon?" dugtong ni Arkine na may kasamang pilyong ngiti. Natawa si CJ. "Hindi, fresh buko lang. Hindi ko naman cravings ang turon, 'di ba sa iyo 'yun?" "Ano pa? Saan mo pa gusto magpunta?" tan

