Saktong alas-sais ng gabi, hindi lang tulong ang dinala ni Arkine sa villa ni CJ—dinala niya ang buong "manpower" ng resort kung kinakailangan. Pero sa huli, pinili niyang siya mismo ang bumuhat ng malaking maleta ng dalaga. "Engineer, kaya ko naman," natatawang suway ni CJ habang pinapanood si Arkine na halos ayaw na siyang pahawakin kahit ng maliit na bag. "Sabi ko sa'yo, 'di ba? Full service 'to, Wifey. At sa quarters ko, ako ang susunod sa gusto mo, pero sa pagbubuhat... ako ang masusunod," hirit ni Arkine sabay kindat. Habang naglalakad sila palabas ng villa patungo sa quarters ni Arkine, tila tumigil ang mundo ng mga staff na nadadaanan nila. Nakita nila ang kanilang boss—ang seryoso at madalas ay mailap na si Sir Arkine—na personal na nagbibitbit ng mga gamit ni Doc CJ. Hindi

