Paglabas ni CJ mula sa banyo, bumungad agad sa kanya ang malamig na hangin ng aircon sa kwarto. Nakatapis lamang siya ng puting tuwalya at may isa pang towel na nakabalot sa kanyang basang buhok. Sa ilalim ng dim lights ng villa, tila mas lalong luminaw ang kanyang balat, dahilan para mapaiwas ng tingin si Arkine. “Arkine... pwede makahingi ng malamig na tubig?” “Sige,” maikling sagot ni Arkine. Pagkaabot niya ng baso, halos isang lagok lang ay naubos agad iyon ni CJ. Kinuha naman ni Arkine ang baso at inilapag sa side table habang napapansin ang bahagyang panginginig ng balikat ng dalaga. “Hindi ka ba magbibihis? Giginawin ka niyan,” tanong ni Arkine, halatang nag-aalala. “Magbibihis naman... kaso nahihilo kasi ako,” sagot ni CJ sabay hawak sa sentido. Ang tama ng “Barnis” ay tila ma

