Ang sikat ng araw ng alas-tres ng hapon ay tumatagos sa kurtina ng villa, sapat na para magising si CJ mula sa isang mahimbing na tulog. Nag-unat siya, nararamdaman ang panunuyo ng lalamunan kaya napagpasyahan niyang lumabas para kumuha ng tubig sa reception area. Bitbit ang kanyang pamilyar na malamig na awra, naglakad siya patungo sa lobby. Doon, nakatayo si Arkine, tila may inaasikaso pero agad na napansin ang kanyang pagdating. Isang matipid na tango lang ang ibinigay ni CJ bago nagpatuloy sa paglalakad. "Seriously, CJ? Tatanguan mo lang ako?" panghahabol ni Arkine na may malawak na ngiti, mabilis na lumapit sa kanya. Huminto si CJ, hinarap ang lalaki, at tamad na itinaas ang kamay para kumaway nang parang bata. "Hi. Happy?" Natawa nang malakas si Arkine, halatang aliw na aliw sa

