Sinalubong si CJ ng malambot na sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng quarters. Ngunit mas naramdaman niya ang init ng braso ni Arkine na mahigpit na nakapulupot sa kanyang bewang, tila ba kahit sa pagtulog ay ayaw siyang pakawalan ng binata. Dahan-dahang gumalaw si CJ para mas mapagmasdan ang mukha ng engineer. Sa ganitong kalapit, kitang-kita niya ang bawat detalye: ang makapal at maayos na kilay, ang matangos na ilong, at ang mahahabang pilikmata na lalong nagbibigay ng karakter sa gwapong mukha ni Arkine. Napakakalmado nito tingnan, malayo sa pilyong Arkine na nanggigigil sa kanya kagabi. "Totoo bang sa akin ka na talaga agad-agad, Arkine?" bulong ni CJ sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng maikling panahon, ang lalakeng estranghero sa eroplano ay naging sandig

