APPLE: LUMIPAS ANG ILANG araw at dumating nga ang araw na pa-welcome party sa akin ni tita Christy sa pagbabalik ko ng mansion. Nag-invite din ito ng mga media para ipaalam sa lahat na nahanap na ang nawawalang heredera ng pamilya Wicharat. Hindi ko alam kung anong plano nito. Hinayaan ko na lamang sa dami ng mga inaalala ko. Sa sitwasyon ng kumpanya. At sa sitwasyon namin ni Claude. Napahinga ako ng malalim. Malungkot ang mga matang napatitig sa repleksyon ko sa salamin. Naayusan na ako at nakabihis na sa gown ko para ngayong gabi sa welcome party ko dito din mismo sa garden ng mansion ginanap. Kabado ako. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari ngayong gabi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na dinig na dinig ko! Mas lalo lang tuloy akong kinakain ng kaba sa mga sandaling ito

