Pagbalik Tanaw Sa Kahapon
May party sa tahanan ni Don Eduardo dahil sa ika otsentang taong selebrasyon ng kapanganakan nito, embitado lahat ang kamag-anak at kaibigan ni Don Eduardo mula sa ibat-ibang lugar.
Si Don Eduardo ay mag-isa lang sa buhay dahil matagal na itong byudo at ang kaisa-isa nitong anak ay nasa maynila at di rin sila magkasundo nito tanging ang panganay nyang Apo na si Ezagane ang malapit sa matanda.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan dumating ang apo nitong si Ezagane kasama ang Fiance nito. Isang malaking yakap mula sa apo nitong si Ezagane ang salubong nito, dahil mahigit limang buwan din ang lumipas mula ng magkita ang mga Ito. Ipinakilala ni Ezagane ang Fiance nyang si Nicole sa matanda.
Alas dyes na ng matapos ang kasiyahan sa tahanan ni Don Eduardo, sa sobrang pagod ay agad nakatulog ang matanda.
" Patawarin mo ako Eduardo..
"Bakit mo nagawa sa akin to Amelia..
" Patawad..
"Amelia.. Amelia..!"
" Lo, gising!" pagpukaw ni Ezagane sa kanyang Lolo dahil binangungot na naman ito.
Pawisan at puno ng mga luha ang gilid ng mga mata ni Don Eduardo dahil sa panaginip nito. Isang panaginip na tungkol Kay Amelia, ang babaeng unang nagpatibok ng puso nito.
" Napanaginipan nyo naman sya?" tanong ng binata Kay Don Eduardo.
" Parang Hindi kana nasanay sa Lolo mo Apo, Wala atang gabi na hindi ko napapanaginipan si Amelia " Sabi nito.
"Lo, minahal nyo nga ba talaga si Lola?" biglang tanong nito sa matanda.
" Pariho kung minahal si Amelia at Lola Carmilta mo. Ang pagkakaiba lang nila, umosbong ang pag-ibig ko Kay Amelia sa panahong walang-wala ako sya Yung taong nagmahal sa aking kahit Wala akong maibigay sa kanya at ang lola mo naman sa panahong nawalan ako, ang lola mo yung tumolong sa akin sa panahong parang ayaw ko naring mabuhay dahil sa pagkawala ni Amelia".
Flashback
February 1965
Abala si Eduardo sa pagpapaligo ng kalabaw nito sa may batis ng makarinig ito ng boses na parang huminge ng tulog. Iniwan muna ng binatang Eduardo ang kalabaw nito habang hinahanap kung saan galing ang boses.
Isang malaking butas pang bitag panghuli ng baboy ramo ang lumantad sa binata, at sa baba nito ay isang babae at Hindi baboy ramo ang naduon. " Binibini? Maayos ka lang ba?" tanong nito sa babaeng nahulog sa butas.
" Ginoo, Kung ikaw kaya ang nasasitwasyon ko magiging maayos parin ba ang lagay mo?" pamimilusupa ng babae.
" Wag ka namang magalit binibini, gusto ko lang malaman Kung maayos ka baka may bali or sugat ka sa katawan, Yung ang ibig ko sanang sabihin " Pagpapaliwanag nito.
" Maari ba Ginoo at tulungan mo nalang muna ako, mamaya mo na ako tanungin gusto ko nang makaahon dito" Reklamo ng babae.
" Sandali lamang kukuha muna ako ng Tali ng makaakyat kana" dalidaling tumakbo ang binatang Eduardo pabalik sa batis Kung saan nya iniwan Ang alangang kalabaw, hinaon nya Ito sa tubig at dalidaling hinala papunta sa butas.
Itinapon agad ni Eduardo ang dulo ng Tali ng kalabaw nito sa babaeng nahulog sa butas, Nang masigurong nakahawak ito ng maayos at agad itong hinila ng dahandahan. Nangmakaahon agad nagpasalamat ang babae sa binatang Eduardo.
" Maraming salamat sa pagtulog, pasensya na at medyo namalditahan Kita. Nag away Kasi kami ng kuya ko at napadpad ako dito " paliwanag nito. " Nga pala ako si Carmilta El Greco, ikaw anong pangalan mo?" pagpapakilala nito.
Agad namilog ang mga mata ng binatang Eduardo ng bigkasin ng babae ang apelyedo nitong El Greco, kilala kasi ang pamilya ng mga El Greco na pinakamayaman sa lugar nila. Mula sa angkan ng mga Español ang mga El Greco.
" Kaano-ano nyo pala si Juan Miguel El Greco ?" tanong nito sa binibini.
" Nakakatanda ko syang Kapatid " sagot nito na mas lalong ikinagulat ng binata. " Kilala mo ba ang kuya Miguel ko?"
" Magkaibigan kami ng Kuya Miguel mo noong Elementarya pa kami, simula Grade 1 Hanggang Grade 6 magkaklasi Kasi kami. Matagal rin ng huli kaming magkita labing dalawa na ata "
" Sandali! ikaw si Dodo? Yung laging sinasama ni kuya sa Bahay noon!, Hala! ako to si Let² yung kalaro nyo nila kuya Miguel noon ng kasal kasalan kasama ng si Amelia yung anak family lawyer namin Hehehe" Pagpapakilala ni Carmilta sa binata.
" HAHHAHA, Ang tagal na nun Naalala mo pa, nga pala kailan Kayo bumalik?" tanong nito sa dalaga. Matapos kasi grumadwit ng elementarya ng panganay na anak ng mga El Greco ay naglipat na Ito ng Maynila upang doon mag aral mula nun di na ulit sila nagkita. Bumalik lang ang magkapatid na El Greco sa lugar nila dahil medyo di okay ang maynila dahil sa gyera.
Patuloy ang kwentohan ng dalawa ng di nila namamalayan ang oras at hapon na pala, inimbintahan ni Carmilta ang binata sa tahanan ng mga Ito ngunit umayaw si Eduardo dahil marami pa itong tapusin.
Gabi na ng maka uwi si Eduardo ng kanilang tahanan, at naabutan nito ang nag-iisang Kapatid nito na babae kasama ang bunso nila na nagtutupi ng mga damit.
Habang sa tahanan naman ng mga El Greco nabanggit ni Carmilta ang pagkikita nila ni Eduardo malapit sa batis habang kumakain ang magkapatid.
" Talaga?! nagkita Kayo? Sana dinala mo dito at magkita ulit kami " Makita mo talaga sa mukha ni Juan Miguel Ang labis na kagalakan ng sabihin ng kapatid nito nag pagkikita nila ni Eduardo.
" Inimbita ko sya, ngunit umayaw Ito dahil madami itong tatapusing kawain" Sabi nito sa Kapatid habang kumakain.
" Ako nalang ang pupunta sa kanila bukas sa kanilang tahanan, gusto kong Makita ang matalik Kong kaibigan dito, HAHAHAHA Akala ko nag pari na ang luko, pangarap nya Kasi noon maging pari sya nga kumakasal sa amin noon ni Amelia tuwing naglalaro Tayo" paalala nito sa Kapatid. " Tapos ikaw iyak ng iyak Kasi gusto mo din makasal sa kanya, pero inayawan ka dahil magpapari sya HAHAHA"
" At pinaalala mo pa talaga, Basta gisingin mo ako bukas at sasama ako, nga pala kailan ba dating ng soon to be wife mong si Amelia " tanong nito sabay erap sa Kapatid. Medyo di sang-ayon si Carmilta sa pagpapakasal ng dalawa dahil Alam nya na Wala talagang gusto si Amelia sa Kapatid nito at pinakakasundo Lang Ang mga Ito Ng kanilang mga magulang.
" Sa susunod na lingo pa, may tatapusin lang si Amelia sa Cebu".
" What ever! Basta gisingin mo ako pagpupunta kana kina Eduardo" pagpapaalala nito bago ito umalis sa hapag.
Kinabukasan nga ay pumunta ang magkapatid kina Eduardo, ngunit di nila Ito naabutan dahil namamasada nadaw Ito ng kanyang kalesa. Kaya Naghabilin nalang si Juan Miguel na bumusita sa tahanan ng mga El Greco dahil gusto nya Makita at makipagkwentohan sa kababata.
Nung araw ding iyon kinahapunan ay pumunta si Eduardo sa tahanan ng mga El Greco at muli nagkita ulit sila ng matalik nitong kaibigan noong Elementarya.
Nagkwentohan ang dalawang magkaibigan patungkol sa mga pangyayari sa kanilang buhay simula ng umalis ang mga kapatid na El Greco sa lugar nila. Labis na tuwa o kagalakan na bumalot sa tahanan ng mga El Greco dahil sa muling pagkikita ng magkaibigan.
Kinabukasan pumunta si Eduardo sa batis upang paliguan ang alaga nitong kalabaw, ng makita nya doon si Carmilta na para bang may inaantay.
" Anong ginagawa mo dito Carmilta " tanong nito sa dalaga ng nasa harapan na sya nito.
" Hininitay ka"
" At baking mo ako hinintay? Alam mo bang Hindi kanais-nais tignan na isang tulad mo ay naghihintay ng isang lalaki? Alam mo naman Ang mga matanda dito Makita ka lang makipag-usap sa isang babae Lalo pat sa liblib na lugar Kung ano-ano na pinag-iisip"
" Gusto lang naman kitang maabutan, e Kasi pag sa inyo lage kang Wala, nagbabasakali lang na ma tyempuhan Kita dito" paliwanag ng dalaga.
" Ano ba sadya mo sa akin?" tanong nito sa dalaga.
" Eduardo, may nobya ka na ba?" walang prenong tanong nito.
" Bat interesado kana sa buhay pag-ibig ko ngayon? at isa pa Wala akong panahon sa mga ganyan, at di ako interesado " sagot nito sa dalaga habang nagpapaligo sa kalabaw nito.
" Ako! interesado ako sayo, Alam ko medyo maypaka werdo pero gusto Kita Eduardo!"
Napanhinto si Eduardo sa ginagawa nito ng dahil sa sinabi ng dalaga napahaon ito sa batis at patungo sa gawi ng dalaga. Inilapit nito ang mukha sa dalaga at tinitigan ang mga mata " Hindi ako interesado sayo, may iba na akong nagugustohan noon palang " Sabay alis patungo sa liblib ng kakahuyan.
Itutuloy...
Hi everyone sana nagustohan nyo kahit sa firstly chapter palang. Bagamuhan po ako dito sa Dreame, actually nagsusulat na ako noon pa sa w*****d with the same UN. Kaso now di ko na mabuksan account ko doon, pasensya na po Kung maraming typos, aayusin ko nalang pag nagkaoras ako.
Maraming salamat po.
next UD this Wednesday happy reading everyone, pa leave na rin ng comment please.
Love lots ?