bc

Silent Gang

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
adventure
boss
drama
comedy
sweet
straight
genius
expert
magical world
like
intro-logo
Blurb

Isang paglalakbay ng isang Leader ng Gang at ng kanyang mga kasamahan upang hanapin ang dapat nilang matagpuan. Lahat sila ay may kanya kanyang layunin pero may iisa silang tungkulin at yun ay para tulungan ang kanilang Leader na maging hari ng buong gang sa buong mundo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa baryo ng kalangka may isang binatang lalake, masipag itong binatang to dahil siya nalang mag isa ang natira sa kanyang pamilya dahil patay na ang kanyang mga magulang at mga kapatid at hindi din niya alam kung mayroon ba syang mga kamag anak. Mayroon siyang kaibigan, kaedad din niya, at tinuring na niya itong kapatid kaya masasabi nalang nating mayroon talaga siyang pamilya. Matalik na magkaibigan ang dalawa kahit na apat na taon lang sila nuong silay magkakilala. Parehas nilang gustong maging pinuno ng isang gang. Ang pangalan nga pala ng kanyang kaibigan ay Zeke na palaging nasa kanilang bahay lang, iisa lang ang bahay nilang dalawa at si Zeke ang palaging maiiwan at si Braxin naman ang ating main character ang maghahanap ng pera para pambili ng kanilang makakain sa pang araw-araw. Isang araw pag uwi ni Baxin sa kanilang bahay ay may nakita siyang sulat sa mesa, nakasulat "mahal kung kaibigan na tinuring ko na ring kapatid, maraming salamat sa lahat ng araw na akoy iyong inalagaan at pinakain. Masaya ako dahil kahit ganto lang ako hindi ka parin nagrereklamo. Sya nga pala kaya ako umalis dahil tutuparin ko ang aking pangarap na maging numero unong gangster sa buong mundo. Pasensya kana kung makasarili ako, alam ko magkikita pa tayong muli pero wag mong iisipin na bilang magkaibigan kundi bilang isang katunggali. Salamat aking kapatid." ngumiti si Braxin habang nakatingin sa sulat na hawak hawak niya gamit ang kanyang dalawang kamay "Kapatid, mag ingat ka" sabay labas ng bahay at lumapit sa nag iisang puno ng langka ng kanilang bakuran at hinawakan ang puno at sinabing "inay, itay, ate, bunso, apat na taon na din pala nung huli magkasama diba?mukhang kailangan ko na ding umalis, sorry hindi ko talaga gustong umalis pero kailangan, kailangan ko, kalingan kong maghigante" napaluhod si Braxin nakatingin sa lupa at unti unting tumulo ang luha ng kanyang dalawang mata na matagal na niyang pinipigilan "itay diba... sabi mo nuon sakin... ang matapang na lalake hindi umiiyak.... pero ang tunay na lalake may damdamin..." ilang minuto ang lumipas ay tumayo si Braxin at tumingin sa itaas ng puno at sumigaw "itayyyy!!! simula sa araw na ito susubukan kong maging isang tunay na lalake!!!" "paalam mahal kung pamilya" at pumasok ng bahay si Braxin para kunin ang kanyang mahahalagang gamit, ang kanyang kinuha lang naman ay ang kwentas na bigay ng kanyang ate nuong kanyang ika sampung kaarawan, panyo na bigay ng kanyang bunsong kapatid, at kutsilyo na palaging ginagamit ng kanyang ina sa tuwing may hihiwain ito at mga ala alang di kayang palitan ng kahit na anuman. Pagkalabas ni Braxin ng bahay ay tumingin itong muli sa puno ng langka at umalis na siya para umkyat ng bundok at habang siya ay umaakyat sinabi niya sa sarili niya na "Yung utang nyo di pa bayad".

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook