Episode 18 NEW LOOK

677 Words
"Bestie, I won't be wearing wig anymore. What do you think ? " tanong ni Winona sa kanyang bestfriend. "Syempre mas maganda, but why the sudden change?" tanong ni Wanda. "Summer na kasi, mainit, saka mas madaling mag-ayos kapag natural hair lang ang gamit ko, napapagod na din akong magdisguise bestie, kung pwede nga lang, wag na akong maglagay ng kahit ano sa mukha ko" paliwanag ni Winona "I miss my face, actually" pabiro nitong wika kay Wanda "Paano yan, kapag nakita ka ni Lawrence, magugulat yun!" "Aamining kong wig lang ang gamit ko dati, sasabihin ko trip ko lang mag wig" Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko na magdahilan ng kung anu-ano? " "Iaadmit mo na rin ba na in-love ka na din sa kanya? At sobrang na miss mo sya?" panunukso ni Wanda sa kanyang bestfriend. "Sira, conservative ako no? Ayaw ko ngang mauna pa akong magtapat.." Saka hindi pa ako pwedeng mag boyfriend. Not at this time na si Song Mei Lin ako. Parang nanloloko lang ako kung ganun. Gusto ko, Mahalin ako at makilala sa totoong pagkatao ko. "paliwanag ni Winona sa kaibigan. " Ang hirap naman noon bestie, paano ka makilala at mamahalin sa totoong pagkatao mo kung nakadisguise ka" wika ni Wanda na napapakamot sa ulo. "Let's go, ready na ako" "Lalo kang gumanda bestie, ang ganda kasi ng totoong hair mo, hayz I'm sure lalong maiinlove sayo si Lawrence" "Tumigil ka nga dyan, ang kulit mo" awat ni Winona sa kaibigan *Torrens University "Wow, new look ang ganda ganda mo talaga Song Mei Lin" bati ni Alvin kay Winona nang pumasok na ito sa classroom "you're super pretty. Idol na talaga kita" masayang wika ni Alvin na hangang-hanga sa dalaga "Nawawala ata ang pagkabakla ni Alvin sayo Song Mei Lin, ahahaha" wika ng isa pa nila kaklase. At nagtawanan ang lahat habang si Lawrence ay nakatulala at napanganga ng pumasok si Winona sa classroom. Kitang kita sa mata ng binata ang labis na paghanga at pagkamiss sa dalaga. "I like your new hair, you look more beautiful" bati ni Lawrence kay Winona "Thank you, nagsawa na ako sa pag gamit ng wig, kaya itong totoong buhok ko na lang, mas madaling ayusin" tugon ni Winona na ikinagulat ni Lawrence. Hindi nya sukat akalain na mismong sa dalaga pa manggagaling na wig lang ang gamit nya. Napaisip sya. "Bakit parang hindi nya nililihim na wig ang gamit nya? Si Song Mei Lin ka ba talaga at hindi si Princess Winona? Bulong ni Lawrence sa sarili. Samantalang, masayang-masaya si Winona na muling makita si Lawrence, Namiss nya ito dahil sa haba ng kanilang semestral break. Pagkatapos ng klase, gaya ng nakagawian. Dumerecho sila sa coffee shop sa gilid ng Torrens University upang doon hintayin si Wanda. "Marunong ka bang lumangoy?" tanong ni Lawrence kay Winona habang hinihintay ang kanilang order na kape "Naku hindi. Takot ako sa tubig, dumadami ako kapag nabasa " pabirong tugon ni Winona kay Lawrence. Ang hindi alam ni Lawrence nagsisinungaling si Winona sa kanya. Dahil, napakagaling nitong lumangoy kahit pa malalim ang lalanguyan. 4 na taong gulang pa lamang sya ay tinuruan na sya ng kanyang ama na lumangoy kaya nakahiligan nya ang mag swimming. Hindi lang nya sinabi kay Lawrence ang totoong dahilan na hindi pwedeng nabasa ang prosthetics nya at mabibisto ang totoong pagkatao nya. "O, andito na pala si Wanda" bati ni Lawrence "Niyayaya kong mag swimming si Song Mei Lin" sa weekend, tutal summer ngayon, masarap mag beach" "Wow, beach, cge tara beach tayo" excited na wika ni Wanda "Yay, kayo lang ang magi enjoy, hindi ako marunong magswimming" naglungkot-lungkutang wika ni Winona Nakuha naman agad ni Wanda ang ibig sabihin ni Winona, kaya inayunan nya ito. "Oo nga Lawrence, magiging tagabantay lang ng gamit natin si bestie, takot yan sa tubig." wika ni Wanda "It's ok, basta sumama ka sa min, taga bantay ka ng gamit namin at taga kain. Magdadala ako ng steak, mag barbecue tayo." "Steak talaga?,alam mong paborito ko yun, ahahaha, ang hirap humindi, nakangiting wika ni Winona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD