IpapaDNA ni Alexander si King Amadeus at si Song Mei Lin, malakas ang hinala nya sa dalaga na baka nagpaplastic surgery lang ito upang makapagtago. Kung anuman ang maging resulta ng DNA ay dun nya pagpaplanuhan ang susunod na gagawin.
" Mabuti na lang at nakakuha ako ng buhok ni Song Mei Lin sa hair brush nya". Lingid sa kaalaman ni Song Mei Lin, nakakuha ng buhok nya si Alexander ng nahulog ang hairbrush nito mula sa bag ng dalaga. Noong one time na sumama sya sa pag go Grocery ng magkaibigan, pinulot nya ang hairbrush ni Song Mei Lin at agad ng kumuha ng ilang piraso ng buhok dito. Nasa likuran sya ng dalawa kaya hindi napansin ng mga ito ang ginawa nya at agad nitong ibinulsa ang nakuhang buhok.
Kinabukasan, nakatanggap ng tawag si Alexander mula sa kaibigang Doctor
"Doc, Aris what's the update" excited na bati nito sa kaibigan
"Saan mo ba nakuha yung hair sample, Alexander,? tanong ng Doctor kay Alexander
"Sa hairbrush ng pinadiDNA ko sayo" agad na tugon ng Principe
"We can't use it for DNA, it's just a wig at walang root end. Yung root end ang importanteng macheck for DNA," paliwanag ng doctor
"Wig?" Are you sure? "
" Yes, Alexander, totoong buhok ang ginamit, pero wig lang talaga, we cannot proceed with the DNA testing with this kind of sample"wika ng Doctor
"it's ok, I understand, thank you Doc Aris"
Paalam ni Alexander sa kaibigang doctor.
Hindi natuloy ng DNA testing, pero may hindi maipaliwanag na saya na naramdaman si Alexander
"Kung wig lang ang buhok ni Song Mei Lin, malakas ang posibilidad na nagparetoke nga ito or ng disguise" wika ni Alexander sa sarili
"Malalaman ko din ang totoo kung sino ka Song Mei Lin"