Episode 16 THE KING'S PARTY

856 Words
Kaarawan ni King Harold, at nagdadatingan na ang mga bisita. Si Alexander naman ay bihis na bihis na rin. Litaw na Litaw ang kagwapuhan ni Alexander sa kanyang kasuotan na pang Principe. Maituturing na isa sa pinakagwapong Principe si Alexander sa buong mundo matipuno ang kanyang pangangatawan dahil regular itong nag gi-gymn. Idagdag pa ang kanyang katalinuhan kaya maraming babae ang humahanga sa kanya at nangangarap na maging asawa sya. Wala na silang hahanapin pa kay Alexander, nasa kanya na ang lahat, good looks, wealth, fame, intelligence at magandang pag-uugali. Sa kabila ng kanyang kagwapuhan ay hindi sya naging babaero. Nagkagirlfriend ito noong nagaral ito sa Stanford University sa America, ngunit niloko lang sya ng girlfriend nya. May pagka gold digger ito at nakuha pang makipag boyfriend sa iba. Tumagal lang ng 1 buwan ang kanilang relasyon. Simula noon, kapag lalabas ng bansa ay Lawrence Montreal na ang ginagamit nyang pangalan at hindi sya nagpapakilalang Principe upang makaiwas sa mga gold digger na kagaya ng naging girlfriend nya. "Kakaiba si Song Mei Lin, kahit alam nito na maraming akong negosyo at maraming kotse parang hindi nya yun pinapansin. Hindi sya mahilig sa material na bahay. Napasimple nya at matalino. Kung sa ganda, talagang napakaganda nya. Walang maiipintas sila Mama at Papa kay Song Mei Lin maliban sa hindi ito isang royalty. Matapos sulyapan ang sarili sa salami at lumabas na ng kanyang kwarto si Alexander at dumaan sa kwarto ng Mahal na Reyna. Bihis na bihis na rin ito at napakaganda sa kulay purple at gold na gown. "Wow Ma, you are so beautiful, sayo talaga ako nagmana" bati ni Alexander sa ina "ahaha, wag mong sabihin yan anak at baka magtampo ang ama mo, birthday pa naman nya" masayang tugon ng Reyna. "Kay Papa mo nakuha ang iyong mga mata, na talagang nakakabighani, pati shape ng mukha at height, kuhang-kuha mo sa Ama mo, pati katalinuhan anak, nagmana mo sa Papa mo" kwento ng Mahal na Reyna "ilong lang ang namana mo sa kin, kaya nakapatangos ng ilong mo, saka yang clef chin mo, sa kin mo nakuha" masayang wika nito kay Alexander. "Halika na sa baba anak, at dumating na daw ang mga bisita" anyaya nito kay Alexander sana'y hawak sa braso nito at nagtungo na sila sa elevator. Napakaganda ng ayos bulwagang pagdarausan ng party ng Mahal na Hari. Bawat mesa at mga magagandang bulaklak sa harap ng long table para sa mga Hari at Reyna at may elevated stage kung saan may maikling programang inihanda para sa Mahal na Hari. Tumunog ang trumpeta, hudyat ng pagpasok ng Royal family. Masayang masaya ng mukha ng Mahal na Hari, ganun din si Queen Leandra at ang anak nilang si Alexander. Nagsitayo ang lahat bilang pagbati sa Royal family. Ikinumpas ni King Harold ang kanyang kamay at naupo na ang mga bisita. Sa Presidential Table ay makikita ang Prime Minister ng France na si Elisabeth Borne, ganun din ang Prime Minister ng South Korea na si Yoon Suk Yeol, ang Emperor ng Japan na si Naruhito at ang mag-asawang King Amadeus at Queen Isabel na matalik na kaibigan ni King Harold. Matapos ang ceremonial toast at iniserve na ang mga pagkain. Talagang hari ang may birthday at umaapaw sa mesa ang masasarap na pagkain. Saglit na tumayo si Alexander at kinausap ang head ng mga waiters. "Can you please, take good look on King Amadeus, agad mong kunin ang baso at table napkin na ginamit nya kapag nag-alisan na ang nga guests sa Presidential table. And give it to me" utos ni Prince Alexander sa head ng mga waiters "Masusunod po, Mahal na Principe" at agad na itong bumalik sa Presidential table. Nakita nyang nakangiti sa kanya ang mag-asawang King Amadeus at Queen Isabel, at tumugon sya sa mga ito ng ngiti sabay tungo ng kanyang ulo, tanda ng paggalang. Natapos ang party at bago umakyat sa kanyang kwarto si Alexander ay pinuntahan nya ang head waiter na kinausap nya ka in. Inaabot nito ang isang supot na naglalaman ng kanyang ibinilin sa head waiter. "Good job" tinapik nya ito sa balikat at nilisan na ng venue ng party. Agad nagpalit ng kanyang suit si Alexander at ng makapagbihis ng komportableng pambahay ay agad nitong kinuha ang cellphone at may tinawagan. "Doc Aris, yes it's me Alexander" "Prince Alexander, napatawag po kayo, anong maipaglilingkod ko" "Doc, I have here some samples for DNA testing" wika nito sa kausap habang hawak sa kanyang ka ay ng supot na ibinigay ng head waiter galing sa party. "Oh, I see, do you need it ASAP?" "Hindi naman, I want accurate result ilang days bago ko malaman nag result nito." "3 days po Mahal na Principe" "That's good, ipapadala ko sa tauhan ng palasyo itong samples, and give me a call as soon as the result comes out" "Yes, Prince Alexander" wika ng Doctor "Alexander na lang, masyado kang pormal Doc Aris, para tayong hindi magkaklase sa photography" biro ni Alexander sa Doctor "Ahahaha, syempre Principe kausap ko, dapat lang" "Ahahaha, tumigil ka nga Doc Aris," masayang tugon nito "just give me a call when it's done. Thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD