Episode 12 THE BALLPEN AGAIN

528 Words
"Mama, Di ba may ballpen kayo na may initials na QLA, san po galing yun?" tanong ni Alexander sa ina na si Queen Leandra of Archamps (QLA) "Ah sa Lola mo yung kay Queen Leilani of Archamps, noong kinoronahan ako biglang bagong Reyna na Archamps, kasama ang ballpen na yun sa mga ibinigay nya sa kin, QLA din kasi ang initials ko gaya ng lola mo"paliwanag ni Queen Leandra sa anak. " Bakit mo naman naitanong, anak" nagtatakang tanong nito kay Alexander "Wala ma, naisip ko lang parang magandang panregalo" Walang ibang maisip na dahilan si Alexander kaya yun ang nasabi sa ina "Wow, mukhang may girlfriend na ang Principe namin ah" panunuksong wika ng ina kay Alexander "Ipakilala mo sya sa min ng ama mo ha, hindi naman kailangan Princesa na kagaya ni Princess Winona, basta Mahal mo, at masaya ka, payag ako anak" Napangiti si Alexander sa winika ng ina "Thank you Ma, pero wala pa akong girlfriend Ma, may nagugustuhan akong babae dito sa Sydney pero gusto kong masigurado sa nararamdaman ko bago ko sya ligawan" "sya ba ang gusto mong regaluhan ng ballpen anak? Kung magpapagawa ka, let me know ahead of time, para masabi ko kay Queen Isabel of MonteBel Endroit, ang ama nito na si King Felix ay isang jeweler. Sila ang nagmamayri ng pinakamalaking gawaan ng alahas sa buong Europa." kwento ni Queen Leandra sa anak " Si Princess Winona ay ipinagpagawa din ni Queen Isabel ng BALLPEN na gaya ng sa kin. Pero ang nakalagay ay initials nito na PWME (Princes Winona of MonteBel Endroit). Iniregalo nya ito noong debut ng anak nya" Nagulat si Alexander sa narinig na kwento mula sa ina tungkol sa ballpen ni Winona. "Ma may isesend akong picture ng ballpen, let me know kung alam nyo yan, wika ni Alexander sa ina " Bakit may picture ka nito anak? Ito ang sinasabi ko kanina na ballpen na niregalo ni Queen Isabel kay Princess Winona, P-W-M-E, ito mismo yun, bakit nagkaron ka ng picture nito" sunod sunod na tanong ng ina kay Alexander "Ma, galing ako sa Seoul, Korea last week umattend ako ng Conference , dun ko napicturan ang ballpen na yan" pagsisinungaling ni Alexander sa ina "Ibig sabihin, nasa Seoul, Korea si Princess Winona!!!" "Siguro Ma, actually hindi ko nakita yung may ari ng ballpen na yan, The table was vacant, when I took a picture of that ballpen, nagandahan lang ako at na curious kaya ko pinicturan" paliwanag nito sa ina. "Kailangan ipaalam ko ito sa mag-asawang King Amadeus at Queen Isabel, malamang nasa Seoul, Korea ang anak nila" Walang ka alam-alam si Queen Leandra na nagsinungaling ang anak sa kanya. Sinadya ni Alexander na sabihin na sa Seoul, Korea nya nakita ang ballpen upang mailigtas sa kaguluhan si Song Mei Lin. Tiyak itong mapaparusahan kung, mapapatunayan na ninakaw nya nito ang ballpen ng Princesa. Ayaw nyang, mangyari ito kay Song Mei Lin, lalo pa"t may espesyal na syang nararamdaman dito. "But, one thing is sure kay Winona ang ballpen na na kay Song Mei Lin, kung paano na papunta sa kanya ang ballpen.. Yun ang aking aalamin" wika ni Alexander sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD