Episode 13 WRONG INTEL REPORT

434 Words
Araw ng Linggo, walang pasok kaya nasa bahay lang ang magbestfriend. Winter pa, napakalamig sa Australia kapag July, dahil yun ang wintertime. Kaya mas pinili ng mag bestfriend na mag stay na lang sa bahay. Kapag nasa bahay. Hindi na naglalagay ng prosthetics sa mukha si Winona tutal sila lang naman ang tao at never silang nagpapasok ng kahit sino para makaiwas sa posibleng makakilala kay Winona kapag hindi ito naka disguise. "I really love Sundays, bukod sa walang pasok, hindi ko na kailangan maglagay ng prosthetics" masayang wika ni Winona "That's true, basta ingat lang tayo.. Bawal na bawal nagpapasok ng tao dito kapag hindi na nakadisguise" paalala ni Wanda Nagbukas ng TV si Wanda upang manood ng balita. Sakto namang nasa news ang tungkol sa pagkawala ni Princess Winona. "Kamakailan lang at napabalitang dumagsa ang mga ipinadalang imbestigador ni King Amadeus sa Seoul, Korea. Ayon diumano sa isang intelligence report, ay malaking posibilidad na naroon ang Princesa" ulat ng newscaster "What???San nila nakuha ang balitang nasa Seoul, Korea ka bestie" gulat na gulat na wika ni Wanda "I don't know, mukhang mahina na ang intelligence team ni Papa ah, at sa Seoul nila ako hinahanap" wika ni Winona "But, that's good for me, hindi nila naisip na narito ako sa Sydney, Australia" natutuwang wika ni Winona "Hanggang kailan ka magtatago bestie? mahirap din ang ginagawa mo, isa pa paano ang mga negosyo nyo na ikaw lang ang inaasahan ng mga parents mo na mamahala dito? Seryosong tanong no Wanda kay Winona " Kapag nabalitaan kong nag-asawa na si Prince Alexander ng Archamps, babalik na ako sa MonteBel Endroit" mabilis na tugon ni Winona" "Bakit, bestie, nagsasawa ka na ba sa kin? Gusto mo na ba akong pauwiin sa palasyo? Pabirong wika ni Winona. Alam naman nyang, mahal sya ng kaibigan at kung ano man ang plano nya ay sinusuportahan nito "Of course not, bestie. You can stay here for as long as you want". Naisip ko lang, nag-aalala ang Mahal na Hari at Mahal na reyna sayo. Lalo na't so long anak ka nila. I can imagine kung gaano sila kalungkot sa pagkawala mo"tugon ni Wanda sa bestfriend. "I know, magbibirthday pa naman si Mama, I'm sure mamimiss nya ang niluluto kong carrot cake na favorite nya" Malungkot na wika ni Winona at tiningnan sa wallet ang picture nyang kasama ang Mama at Papa nya, kuha ito noong debut nya. Paborito nya ang picture na ito, maging ang kanyang ama na si King Amadeus at nagustuhan ito, kaya nagpagawa ito ng life-size image nito at ni display sa receiving area ng palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD