"Nanay Anita, happy birthday" bati ni Winona sa dating yaya
"Wow, thank you anak, Happy birthday din sayo. Salamat, at hindi mo nakakalimutan ang birthday ko"
"Syempre naman Nay, love na love kita eh, saka Pareho tayo ng birthday, kaya hinding hindi ko malilimutan ang birthday nyo!"
"Salamat anak, ay kumusta ka na dyan? Ano ba itong sabi sa balita na nasa South Korea ka daw, tanong ni Anita sa Princesa
" Hindi ko din ko din po alam Nay, pero mabuti na rin po yun, para hindi nila ako matunton dito sa Sydney"
"Syanga pala anak, masyado malaki yung binigay mong 10 milyon para ipagpagawa kita ng kwarto mo dito sa bahay ko. Kaya binili ko itong katabing lote ng bahay ko at ipinagpagawa kita ng sarili, mong bahay" wika ni Anita kay Winona
"Talaga po?, Naku baka kulang na yung perang binigay ko sa inyo"
"wag kang mag-alala anak, hindi naman palasyo ang ipinagawa ko, bungalow lang pero sinigurado kong maganda at magugustuhan mo. Kumpleto na din sa gamit, para kapag umuwi ka ay may magagamit ka na dito" excited na pagbabalita ni Anita sa Princesa.
"Naku, si Nanay Anita talaga.. talagang love na love mo ako, ayii"
"Aba'y oo naman anak, hindi man ako ang nagluwal sayo. Tinuturing kitang tunay kong anak. Dahil napamahal ka na sa kin" nalulungkot na wika nito
"Mabilis naman ang panahon, Nay, pagka tapos ko ng Masteral ko dito.. Uuwi n ako dyan sa Pilipinas, paalala lang Nay, wag na wag nyo akong tatawaging Princess Winona ah, Song Mei Lin po ang ginagamit kong name ngayon"
"Hindi ko nalilimutan anak, Song Mei Lin. Na kamukha ni Liza ng Black Pink. Maraming fans dito sa Pilipinas yun anak, baka pagkaguluhan ka dito" masayang tugon ni Anita
"Ahahaha, sanay na po ako Nay, dito din po, maraming nagpapapicture sa kin"Cge po, tatawag na lang ako ulit,andito na si Wanda, lalabas kami para mag celebrate ng birthday ko"
"Cge anak, Happy birthday "
Agad ng sumakay ng kotse ni Wanda si Winona
"Bakit wala ata si Lawrence, hindi mo ba sya invited sa birthday mo?
"Ano ka ba Wanda, ang daming alam ni Lawrence tungkol sa Montebel Endroit, kinakabahan na ako. Baka pag nalaman nyang birthday ko, magtataka yun bakit ka birthday ko si Princess Winona"
"Napaparanoid ka na naman bestie"napailing na lang si Wanda sa inasal ng kaibigan.
Lingid sa kaalaman ng mag bestfriend, palihim silang sinusundan ni Lawrence. Gumamit ito ng ibang kotse upang hindi sya mahalata.
" Sa Sky Feast Tower tayo bestie, treat ko sayo, kasi bday mo, maganda ang view dun. It's a revolving restaurant"
"wow, thank you bestie" masayang tugon ni Winona sa kanyang bestfriend.
Patuloy pa rin sa pagsunod sa kanila si Lawrence. Ngunit ng sumakay na sila sa elevator paakyat sa revolving restaurant ay hindi ito sumabay dahil tiyak na makikita sya ng mga ito. After 15 minutes saka sya sumunod.
Saktong pasok ni Lawrence sa restaurant ay nakita nyang may mga crew na lumapit sa table nila. May dalang cake at binati si Song Mei Lin ng happy birthday.
"Birthday ni Song Mei Lin!" Pambihira, ang daming coincidence. Pareho pa sila ng birthday ni Princess Winona,
Sino ka ba talaga, Song Mei Lin"
Hindi na nagpakita si Lawrence sa magbestfriend at umuwi na ito sa kanyang condo.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko natutuklasan ang totoo. Una ang ballpen, paanong napapunta kay Song Mei Lin ang ballpen ni Princess Winona. Ngayon naman natuklasan kong magka birthday sila. Hindi kaya si Song Mei Lin at Princess Winona at iisa. Baka nagka disguise lang ito. O baka nagparetoke ng mukha kaya kamukhang kamukha ni Lisa ng Black Pink "
Gagawa ako ng paraan upang lumabas ang totoo