Episode 4.Palacio de Archamps

562 Words
"Hindi pa rin nila nakikita si Princess Winona" , wika ni King Harold sa asawa Kumuha na rin ng iba pang investigators ang palasyo upang hanapin si Princess Winona sa America at Canada at sa buong Europa" "Naaawa ako kay Queen Isabel, lungkot na lungkot sya sa pagkawala ng anak nya. Kung sana'y pumayag itong pakasal sa anak natin, sana'y hindi nangyari ito" wika ni Queen Leandra sa asawa "Paanong mangyayari ang ganun, ay mismong anak natin at ayaw ding magpakasal kay Princess Winona" tugon ng hari. Parang natuwa pa nga ito ng nawala ang Princesa, tingnan mo at lumayas na agad ng bansa" masama ang loob na wika ng hari "Hindi naman lumayas ang anak natin para maglakwatsa" May mga negosyo tayo sa Australia kaya sya pumunta doon, isa pa ay gusto nyang mag-aral kaya sya umalis ng bansa" pagtatangol ni Queen Leandra sa anak "Bukod sa Ferrari branch sa Sydney, ano itong balita ko na nagtayo daw ng restaurant dun si Alexander" wika ni King Harold "Alam mo namang likas na mahilig magluto ang anak natin, pagbigyan mo na sya at yun talaga ang hilig nya" pakisaup ni Queen Leandra sa asawa. "Isa syang Principe, sira na ba ang ulo nya? Dito ay madaming tagaluto para sa kanya, tapos doon sya ang nagluluto para sa mga customers nya? Malaking kalokohan yang pumasok sa kokote nya" galit na wika ng hari. "Ang sabi nya sa kin, hindi naman daw sya magluluto, may ni-hire syang chef para magluto. Sya lang ang taga timpla. Para sakto ayun sa standard nya." paliwanag ng Reyna "Kahit na, pagtatawanan sya ng mga tao kapag nalamang anak ko sya at isa syang Principe, baka isipin at naghihirap na tayo, galit na galit na wika ng hari. " May ipagtatapat ako sayo Harold, bago umalis ng Archamps si Alexander ay nagtapat sya sa kin, pagpunta daw sya sa Australia ay ibang pangalan at katauhan ang gagamitin nya, upang makapamuhay sya ng normal." pagtatapat ng Mahal na Reyna sa hari... "Lawrence Montreal ang gagamitin nyang pangalan sa Australia, kung sya naman ay dadalaw sa mga branch ng Ferrari sa Australia ay nagpadala na ng memorandum si Alexander na si Lawrence Montreal ang acting CEO na ipinadala nya."patuloy na pagtatapat ni Queen Leandra sa mahal na Hari. "Hindi ko maintindihan yang anak natin Leandra, ano ba ang mahirap sa pagiging Principe, hindi bat mas madali at mabibigyan sya ng special favor ng government doon kapag nalamang na royalty sya. Maging sa University, hindi na sya mahihirapan kapag nalamang isa syang Principe" pahayag ng hari sa asawa "Iba ang anak natin Harold, low profile ang gusto nyang pamumuhay, at gusto nyang maging malaya, mabuhay ng simple. Kapag ordinaryong tao sya, madali nyang magagawa ang mga gusto nya" , paliwanag ni Queen Leandra sa asawa. "Hanggang kailan sya magtatago, baliktarin man nagmundo. Anak natin sya, at isa syang Principe at ang ating tanging tagapagmana" malakas na wika ng hari. "Wag kang mag-alala Harold, babalik naman ang anak natin. Isa pa ay alam nya nag ginagawa nya, may tiwala ako sa kanya" nilapitan ng Mahal na Reyna ang hari at niyakap ito. "Gusto ko nang magka-apo kay Alexander, yun ang pinakamagandang balitang maririnig ko, kung sakali" tigon ni King Harold sa asawa. "Wag ka mainip, malay natin, pagbalik dito ni Alexander ay may kasama ng asawa at anak" pabirong wika ni Queen Leandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD