"Walang anumang withdrawal sa atm or sa bank account ng Mahal na Princesa, even credit cards, walang ginagamit si Princess Winona", report na imbestigador sa Mahal na Hari
"Wala din pong pasahero na Winona Wilzcek ang anu nag airlines sa Airport na lumabas ng bansa mula June 5 hanggang kahapon" ulat pa ng isang imbestigador
"Nakipag-ugnayan na din po ako sa nga shipping lines, maging ang mga cctv nila ay na check ko na din mula noong araw na nawala ang Mahal na Princesa pero wala po akong nakita sa cctv. Sa records naman po ng mga shipping lines at wala ding pasahero na nagngangalang Winona Wilzcek" dagdag na ulat ng isa pang imbestigador
"Mahal na Hari, bukas ay darating sa bansa ng mga ipinadala nating mga secret agents sa America at Canada. Babalitaan po namin kayo agad kung anuman ang ulat nila" report naman ng Hepe ng mga secret agents ng Palasyo.
"Matalino ang aming anak, kung talagang tumakas sya, hindi yun gagawa ng anumang maaaring maging lead para mahanap sya" kaya hindi sya talaga gagamit ng credit cards or magwiwithdraw", wika ng hari
"Think of something na impossibleng gawin nya, at marahil yun ng gagawin nya, alam ko kung paano mag-isip ng aming anak, she would do the extraordinary and the things we never expect" dagdag pa ng hari.
"Matalino ang aming anak pero mahina ang kanyang loob. Hindi sya pupunta sa lugar na wala syang kakilala. May may kaibigan sya sa America, Canada, Japan, Korea at dito sa Europa posibleng sa mga lugar na yan sya magpunta." wika ni Queen Isabel sa mga naroong imbestigador.
" Subukan nyong pumunta sa Pilipinas, baka nagtatago sya kay Anita, Sobrang malapit sila sa isa't-isa at parang ina na nga ang turing ni Winona kay Anita, hindi malayo na doon nga pumunta ang making anak " mariing inuutos ng hari sa kanyang imbestigador. "Gen. Philip Heinz, ikaw ang mamahala sa pagpunta sa Pilipinas, isama mo si Robert at Carlos mga Pilipino sila kaya makakatulong sila sa paghahanap. Kabisado ni Robert at Carlos ang tirahan ni Anita, makabubuti na isama mo ang mga ito" mahigpit na bilin ng Hari.
"Masusunod po Mahal na Hari", mabilis na tugon ni Gen. Philip Heinz