"Tao po, tao po" malakas na tawag ni Carlos sabay katok sa pintuang kahoy ng buhoy kubo ni Anita
"Wala pong tao dyan, nasa palayan po sila at gumagapas" wika ng taong dumaan ng makitang silang kumakatok sa bahay kubo
"Anong oras po kaya ang balik nila"? "tanong naman ni Robert
" Naku baka mga alas tres pa ng hapon at doon na sila kumakain ng tanghalian"Kung gusto nyo naman , puntahan nyo na lang, kumanan kayo pag dating sa dulo, may tulay na kawayan sa tabi ng punong mangga, pagkatawid nyo ng tulay, makikita nyo na ang palayan nila Anita" sagot ng matandang dumaan
"Salamat po" sabay na wika ni Robert at Carlos
"Paano General, hindi pwedeng tumawid sa tulay na kawayan ng kotse natin. Mapipilitan tayong maglakad, wika ni Robert sa Heneral.
" Walang problema, halika na at mabuti"t hindi pa gasinong mainit ng sikat ng araw. Aya ng Heneral sa dalawa.
Pagdating sa dulo, makita nga nila ang tulay na kawayan sa tabi ng punong mangga at tumawid sila dito.
Humanga sila sa malawak na palayan pagmamay-ari ni Anita. Napakagandang tingnan na tila napakalaking kumot na kuloy ginto ang palayan. Namataan sila ni Anita at agad itong lumapit
"Magandang umaga po Gen. Heinz, Robert, Carlos, anong sadya ninyo?"
Agad na tanong ni Anita na hindi nagpahatang kinakabahan.
"Wala ka bang balita tungkol sa Mahal na Princesa?" tanong ni Carlos
"Bakit, anong nangyari sa kanya?" usisa ni Anita
" Nawawala si Princess Winona, 4 na araw makalipas na ikaw ay umuwi dito sa Pilipinas" tugon ni Gen. Heinz
"Ano? Susmaryosep, saan pumunta ang Mahal na Princesa" Ginalingan ni Anita ang pag-arte upang hindi mahalata na may alam sya tungkol sa pagkawala ng Princesa. Tumulo ang luha nya sa labis na pag-aalala, kaya niyakap sya ni Carlos
"Tutulong ako sa paghahanap sa inyo, wika nito sa tatlo"
"Wala ba kayong natatanggap na tawag or text mula sa kanya, tanong ng Heneral.
" Wala po, Wala po" tugon ni Anita
"Maigi pa ay sa bahay tayo mag-usap, gusto Kong tumulong sa paghahanap.
" Delfin" sigaw ni Anita sa katiwala nya sa palayan" May mga bisita ako galing sa Palasyo, ikaw na muna nag bahala sa mga gapasin" bilin ni Anita sa katiwala
Mabuti at may dala kayong sasakyan, malayo layo din itong bahay namin sa Maynila.
"Galing yan sa Malacanang, pahiram ng Presidente . Tinawagan ng Mahal na Hari ang Pangulo at agad itong nag offer ng sasakyan. Pinasasamahan pa nga kami sa 1 trak ng sundalo, tumanggi na lang kami at hindi naman kailangan" paliwanag ni Gen Heinz
"Pasensya na kayo dito sa aming kubo, masikip, hindi kagaya sa Palasyo" paumanhing wika ni Anita sa mga bisita
"Bakit hindi kayo magpabahay Aling Anita, malawak naman nag lupain ninyo" tanong ni Robert
"Ang pera kong kinita sa Palasyo ay ibinili ko ng palayan 3 ektarya din yun, kaya halos maubos ang pera ko, pera kapag nakaipon na ako ay magpabahay na ako. Maganda naman ang ani ng palayan, awa ng Diyos" kwento ni Anita sa tatlo
"Hanggang kailan kayo dito, sino ang pwede kong kontakin sa inyo kung sakaling tumawag o magtext si Princess Winona?"
"Si Gen. Heinz po Aling Anita, at inabutan sya ni Carlos ng maliit na papel kung saan nakasulat ang telepono ni Gen. Heinz.
" Salamat, sana'y makita na ang Mahal na Princesa, ako"y labis na nag-aalala" wika ni Anita sa tatlo bago ito namaalam at sumakay sa dala nilang kotse.
Nakahinga ng maluwag si Anita nang makitang malayo na ang sasakyan ng tatlo
"Diyos ko po, tama si Princess Winona, hindi sya dapat tumuloy agad dito sa Pilipinas dahil tiyak na hahanapin sya sa akin" wika ni Anita sa sarili
Habang byahe ay nag-uusap ang tatlo:
"General, sa palagay ko ay walang alam si Anita sa pagkawala ni Princess Winona", saad ni Carlos "dahil kung sa kanya tumutuloy ang Mahal na Princesa, hindi yun pupunta ng palayan upang gumapas, tiyak hindi yun aalis sa tabi ng princesa" dagdag pa nito
"Saka General, hindi maaaring tumira si Princess Winona sa bahay kubo ni Aling Anita, wala siyang tutulugan doon, kung sakaling sa hotel naman itoy tutuloy or kung saan man, tama si Carlos, hindi aalis si Aling Anita sa tabi ng Mahal na Princesa" wika naman ni Robert.
"Tama kayo, saka kitang-kita ko ang pagkabigla ni Anita sa ibinalita natin, umiyak pa ito, ramdam ko ang kanyang pag-aalala" Talagang mahal nya ang Mahal na Princesa, imagine 24 years nya itong inalagaan at itinuring na parang tunay nyang anak, kita nyo naman ay napaluha pa si Anita" wika naman ng Heneral.
"Sa palagay ko ay pwede na tayong bumalik ng Montebel Endroit, negative ang search operation natin dito, pagdating sa Maynila ay tatawagan ko ang Mahal na Hari upang mag-report, baka may iba pa syang instructions sa atin", saad ni Gen. Heinz
"Magandang gabi, Mahal na Hari, negative po. wala si Princess Winona kay Aling Anita, Naabutan namin itong gumagapas sa kanilang palayan at gulat na gulat ito sa aming ibinalita. Naluha pa ito sa labis na pag-aalala sa Mahal na Princesa, makikipagtulungan daw po sya sa paghahanap", ulat ni Gen. Heinz sa Mahal na Hari.
"Huwag muna kayong umalis dyan, maghintay pa kayo ng mga dalawang linggo. Ipagpatuloy ninyo ang pagmamanman kay Anita. Mabuti ang makasigurado tayo, bago kayo bumalik dito. Huwag kayong magpapakita kay Anita, upang hindi nya malaman na minamanmanan ninyo siya." utos na Mahal na Hari sa tatlo
"Masusunod po, mahal na hari", tugon ni Gen. Heinz at ibinaba na ang telepono