" Sa 2nd floor ang magiging classroom mo bestie, may room number naman, kaya hindi ka mahihirapan. Hindi na kita maiihatid sa loob ha, may pasok pa ako, I might be late", Sunduin kita ng 1130am, lunchbreak ko, saktong uwian mo naman" bilin ni Wanda kay Winona
"No problem, bestie,thank you so much, I'll see you after my class" at nagflying kiss pa ito kay Wanda bago umandar ang kotse ng bestfriend
"Ang sweet nyo namang magkaibigan, may pa flying kiss pa", bati ni Lawrence na makita si Winona sa harap ng gate ng Torrens University
"Uy, Lawrence, ikaw pala. Syempre sweet kami talaga sa isa't-isa. Wala akong kapatid, kaya parang kapatid na ang turing ko kay Wanda", nakangiting wika ni Winona sa binata. Namula ang kanyang pisngi ng makita nya ang kakaibang ngiti ng binata sa kanya.
Si Lawrence naman ay palihim na kinilig sa magandang ngiting ibinungad sa kanya ng dalaga. Ganadong ganado syang pumasok dahil alam nyang makakasama nya si Song Mei Lin sa kanyang masteral class. Inaamin nya sa sarili nya, crush nya ang dalaga, at kagabi ay halos hindi sya nakatulog sa sobrang excitement na makasama ito ngayon.
"Shall we go"..anyaya ni Lawrence kay Winona
"Mabuti at dumating ka, may kasabay ako pagpasok, 1st time ko dito sa Torrens University, lika na", tugon ni Winona
"First time ko din naman dito sa Torrens, pero lagi na kasi akong pumupunta dito sa Australia, kaya medyo sanay na ako" 6 na taon na akong pabalik balik dito sa Australia dahil sa family business.mabuti na lang at mahilig akong mag travel kaya nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko" pagkukwento ni Lawrence sa dalaga habang naglalakad sila papasok ng Universidad.
"Ikaw, kelan ka pa dito sa Sydney", tanong nito kay Winona
" This month lang" maiksing tugon ng dalaga
"Ang layo ng Korea, bakit dito mo naisipang mag-aral? tanong ni Lawrence
"Dahil kay Wanda, nagkakilala kami sa America,naging classmates kami noong College, at naging mag bestfriend. Matagal na nya akong niyayaya na mag tour dito, pero hindi naman ako papayagan ng parents ko,solo akong anak kaya very strict sila." kwento ni Winona
"Mabuti at pinayagan ka nila ngayon?..pareho pala tayong solong anak" tugon ni Lawrence
"Pumayag sila kasi sabi ko mag-aaral ako, at kilala nila si Wanda, that's why they were convinced to let me go"
"Room 224, we're here" wika ni Lawrence
Pagpasok pa lang ng classroom, nagtinginan na agad kay Winona ang mga taong andun.
"Miss Lisa of BlackPink, wow you are taking Masters with us", i can't believe this" wika ng isang lalaking mukhang Japon
"Miss Lisa, can we have a picture with you" wika naman ng 1 babae na may kasamang bakla at agad naglabas ng celfon
"May kasama ka pang Principe, is he your Knight in Shining Armor?, " wika ng baklang kasama ng dalagang naunang lumapit sa kanila.
Kinabahan si Lawrence ng marinig ang sinabi ng bakla. Naisip nya, baka nalaman nito sa isa syang Principe kaya ganun ang winika. Dinedma na lang nya ito at namagitan sa mga naroon.
"My apologies, everyone, I am Lawrence but my friend is not Miss Lisa of Black Pink, her name is Song Mei Lin, but she's also a Korean" paliwanag ni Lawrence sa mga nasaclassroom na gustong gustong magpapicture kasama si Winona
"Really? I can't believe this" wika ng isa pang dalaga
"Kamukha kamukha mo talaga si Lisa ng BlackPink, kung hindi sinabi ni pogi, ay hindi namin malalaman ang totoo" wika ng baklang nagngangalang Alvin.
"Thank you Lawrence" bulong ni Winona sa binata
Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang Professor.
"Good morning everyone, my name is Samantha Bridges and I'll be your Professor for the first Class. Since this is our 1st day, I would like to ask everyone to come in front one by one and introduce yourself"."I can see we have a handsome Prince in class and also a celebrity, welcome to the class Miss Lisa", sabay ngiti kay Lawrence na lalong kinabahan at kay Winona na tumugon lang ng ngiti.
Nagtaas ng kamay si Alvin ay sinabi "Miss Bridges, I want to volunteer to start our getting to know each other"
"Sure, come up here" tugon ni Miss Bridges
"Good morning, everyone, My name is Alvin Holmes, I am a graduate of Business Administration and I am from Adelaide. I'm taking up my masters here in Torrens because our business is here on Sydney and I' am so inspired to have in our class my Knight in Shining Armor, Prince Lawrence"
Nagtawanan ang buong klase sa napakakikay na self-introduction in Alvin. Habang lalong kinabahan si Lawrence. Tatlong beses na siyang tinawag na Prince, kaya lalong lumakas na kabog ng dibdib nya. Ayaw nyang malaman ng mga ito na isa syang Principe.
"I need to relax, I'm sure napaparanoid lang ako" bulong ni Lawrence sa sarili. At tumayo na ito upang siyang naman ang magpakilala sa klase.
"Good morning guys, I am Lawrence Montreal, I am not a Prince, mukhang principe lang"pabirong wika ni Alvin na lalong hinangaan ng mga babaeng naroon, lalo na si Alvin na panay ang pacute na harapan nya." Like, Alvin I am a graduate of Business Administration. I am from Archamps, France but our family has a business here in Sydney and I am the one taking charge of that" dagdag pa ni Lawrence.
Si Winona naman ang kinabahan ng malamang galing ito sa Archamps, France ang lugar ng kanyang tinakasang mapapasawa. Pilit kinalma ni Winona ang sarili. Kailangang gandahan nya ang introduction upang makumbisi ang mga ito na isa syang Koreana.
"Annyeonghaseyo- Nae ileum-eun Song Mei Lin from South Korea". pinag-aralan din ni Winona ang tamang accent ng mga Koreano kayang halos napanganga ang mga kaklase nang magsalita na sya." My name is Song Mei Lin, from South Korea, but I am often mistaken to be Miss Lisa of BlackPink, I am not. I don't know how to sing and dance. I am only good at eating kimchi and steak" nakangiting wika ni Winona na lalong hinangaan ni Lawrence. Nagtawanan ang lahat sa masayang introduction ni Winona.
"I am a gradute of Business Administration, we don't have a family business. Still planning to put up my own business when I'm done with my studies" dagdag pa ni Winona. Minabuti nyang hindi banggitin ang negosyo ng kanilang pamilya upang hindi maungat ang tungkol sa totoo nyang pagkatao.