Episode 8 THE NEWS

695 Words
"How's your first day in school bestie?" tanong ni Wanda ng sunduin sya nito pagkatapos ng klase. "Everything is ok, except for one thing" tugon ni Winona "and what was that?..agad na usisa ni Wanda sa bestfriend "Taga Archamps, France si Lawrence" maikling sagot ni Winona "And so, what's the problem. Nagkataon lang na taga dun sya bestie. Napaparaoid ka lang anu ka ba?" Relax..wika ni Wanda sa bestfriend. "ewan ko ba, ang lakas ng kaba ko noong marinig kong galing sa sa Archamps, France" "hindi kaya, ni wish mo, sana sya na lang yung principe na mapapangasawa mo?" biro ni Wanda kay Winona "Siguro kung sya yun, ang laki ng panghihinayang mo bestie, napakagwapo ni Lawrence, ang bait pa" dagdag pa ni Wanda "Tumigil ka nga bestie" puro ka kalokohan, pigil nito sa kaibigan Pagkarating ng bahay agad na niready ni Winona, and lunch na binili lang nila sa labas. at kumain na ang dalawa "I have to eat fast bestie, may meeting ako ng 1:00pm, so maiiwan muna kita", I'll be home around 5pm, wika ni Wanda "It's ok bestie, nakakahiya nga sayo. Naaabala pa kita paghahatid sundo mo sa kin sa school", tugon ni Winona "ok lang yung bestie, katabi lang naman ng Torrens ang office ko kaya wag kang mag-alala, besides ..you're my bestie, para anu pa at naging mag bestfriend tayo"...masayang wika ni Wanda at tumayo na ito upang magtoothbrush "Salamat talaga, bestie..You're the best".."Pumasok ka na, ako na bahalang magligpit ng pinagkainan natin. "You know, bestie, I am honored. Imagine...ang taga ligpit ng pinagkainan ko at taga hugas ng platong kinainan ko ay ang Mahal ng Princesa ng Montebel Endroit". nakangiting wika ni Wanda habang sinuklay ang buhok "Tumigil ka nga dyan, bestie, hindi na ako princesa dito...we're the same" awat ni Winona sa kaibigan. "Pumasok ka na nga, at kung anu-ano pa ang sinasabi mo, lakad na at baka ma late ka" nakatawang wika ni Winona. "Bye" ay lumabas na ng gate si Wanda Naiwang magisa si Winona at matapos maghugas ng pinagkainan at naisipan nitong magbukas ng TV "Dalawang Linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin, natatagpuan ang nawawalang Princesa ng Montebel Endroit" wika ng newscaster "Napag-alamang tumakas ito sa Palasyo upang makaiwas sa nakatakdang arranged marriage sa Principe ng Archamps", Ang mahal na hari ng Montebel Endroit at nagpadala ng mga imbestigador sa ibat-ibang bansa upang mahanap ang nawawalang Princesa, ngunit napag-alamang walang pasaherong umalis ng bansa na nagngangalang Princess Winona of Montebel Endroit. Nagpadala din ng mga tauhan ang Mahal na Hari sa bansang Pilipinas dahil sa hinalang baka ang Princesa ay ay tumuloy sa kanyang dating yaya na itinuturing nitong ina. ngunit bigo ang mga autoridad. Nanatili ng dalawang linggo sa Pilipinas ang mga imbestigador galing sa Montebel Endroit upang magmanman sa naging yaya ng Princesa.ngunit hindi nila nakita si Princess Winona at ang naturingang yaya nito ay napatunayan nilang walang kaalam-alam sa pagkawala ng princesa. Pagkarinig sa balita, agad na dinampot ni Winona ang bagong biling cellphone at tinawagan ang dating yaya. "Nanay Anita, napanood ko ang balita, pinuntahan pala kayo dyan sa Pilipinas nila Gen. Heinz" "Princess Winona, anak, kumusta ka na?...naku anak labis labis ang aking kaba noong dumating sila sa bukid. " Tinanong ako kung ikaw ay tumatawag o nagtitext sa akin, aba syempre ginalingan ko ang pag-arte, umiyak pa ako sa harapan nilang tatlo at sinabi kong tutulong ako sa paghahanap sa iyo" excited na pagkukwento ni Anita kay Winona "Ahahaha, mahusay ka talaga Nanay Anita, thank you and I love you...miss ko na po kayo" masayang wika ni Winona "Miss na miss na rin kita anak..Mabuti na lang kamo at dito nila ako pinuntahan sa bukid, sa lumang bahay kubo ko sila pinatuloy. hindi nila nalaman na may bagong bahay na ako sa kabilang bayan " patuloy na pagkukwento ni Anita "Mabuti naman po kung ganun", kung umuwi man ako dyan walang nakakaalam ng bago ninyong bahay" "Wala talagang nakakaalam anak, dahil ang alam ng mga kababaryo namin dito ay sa lumang bahay kubo pa rin kami tumitira" " cge po, nanay Anita, tatawag na lang po ako ulit, Mag-ingat po kayo" paalam ni Winona sa yaya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD