Chapter 10: What's Your Magic?
"Nakakaamoy ako ng mabaho! Alam kong nandiyan kayo sa labas... Kung gusto niyong pumasok, magsipasok na kayo... Hindi nakalock ang pinto." rinig naming sigaw ni Master Vlad sa loob. Ang lakas talaga ng pang amoy ni tanda.
Si Nami ang nagbukas ng pinto. Sumunod akong pumasok sa kanya. Nakasunod naman si likod ko sina Howard at Shiro.
"Anong oras na? Bakit hindi pa kayo nagsisitulog, ha?" tanong ng maingay na tanda.
"U-uhmmm.... Master. Gusto lang po sana namin kayong kausapin." Nami said, with respect. Bumuntong hininga si Master. Mula sa pagkakatagilid, ipinihit niya ang swivel chair niya paharap sa amin. Seryoso na ang mukha nito.
"Tungkol saan?"
"Mizuumi..."
"Mizuumi? Hmmmm... Oh. Is it about the total error thing?" aniya. Alam ni Master?
"So, that was true?" reaksyon ni Howard.
"It is true. Bakit? 'Yan ba ang dahilan kung bakit kayo nandito?"
"Yes, Master... That was absurd. Bakit kailangan siyang patayin?!" si Shiro ay tumaas na ang boses kay Master. Nami tried to calm him down.
"Alam kong alam niyo ang tungkol diyan. Ano magic person can never live in this world. Isa pa, batas ng Magic Council 'to...." kalmadong salaysay ni tanda.
"P-pero Master Vlad... Wala na ba tayong magagawa? Wala ba tayong pwedeng gawin? Master?" si Nami ay hindi na rin nagawang kontrolin ang sarili. Naiiyak na siya.
"We can't do anything about it. It's a law of Vlione." sagot niya.
"H-hindi pwede 'to... Hindi." wala sa sariling usal ko.
"Maybe we can do something about it..." desperadong sabi naman ni Howard.
"At anong gusto niyong gawin? Kalabanin natin ang Magic Council?" Napayuko silang tatlo. Si Shiro ay nasa isang malalim na pag iisip habang si Howard naman ay minamasahe ang kanyang sentido. Si Nami ay nakatingin lamang sa kawalan. "Wala tayong ibang gagawin kundi, ang maghintay. Let's believe in her... She still have 2 weeks. You just have to trust Mizuumi Morgan."
Lahat kami ay napaangat ang tingin kay Master ngayon, dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pinapagaan niya ba ang loob namin, o lalo niya lang pinasasama.
Ayoko mawalan ng kaibigan...
"Ngayon... Kung wala na kayong sasabihin, magsibalik na kayo sa mga dormitoryo niyo at matulog." utos ni tanda. Kami naman ay nagsitungo sa pintuan. Si Howard ang nagbukas ng pinto.
"Goodnight Master..." I said.
"Bye tanda..." halos bulong na sabi ni Shiro.
"Bye, bye Master."
"Teka sandali..." Nahinto kami sa paglabas. Kinabahan ako dahil baka narinig niya ang sinabi ni Shiro. Nalintikan na! Bwiset naman kasi na yelo 'to! "Bago kayo matulog, magsiligo muna kayo! Ang babaho niyo!"
We were saved...
"Aye Master!"
"At..." hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay nagsalita na naman siya. "Humanda kayo bukas! Akala niyo ba hindi ko alam ha? Na pumuslit na naman kayo ng Lignesium? Akala niyo palalagpasin ko 'to? Mga pasaway!"
Agad na nagsitakbuhan kami palabas ng opisina ni Master.
Ngayon ko lang naalala. Mula kaninang umaga hindi pa nga pala ako naliligo. Kelan ba ako matututong maligo araw araw?
Mizuumi's POV
Pangalawang araw ko sa Lignesium. Pero feeling ko parang end of the world na kahit hindi pa naman ako nagtatagal dito. Sabagay, may taning na nga pala ang buhay ko. At dalawang linggo na lang ang nalalabi.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Ang bango... Amoy kape.
"Ay kape!" nagulat ako kay Cane. Nasa may pinto pala siya ng kwarto ko. That explains kung bakit amoy kape.
"Good morning... Kain na. Nagluto ako." sabi ni Cane. Pumunta kaming dalawa ng kusina. Ang dami niyang niluto! Iba ibang putahe. Parang almusal hanggang hapunan na 'to eh.
"Ang dami... Anong meron? May bisita ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman... Namiss ko lang magluto. Hehe." sagot niya. What the hell? Hindi pa naman ako malakas kumain kapag almusal.
Pagkatapos namin kumain, nagligpit at naghugas ng pinggan at pinagkapehan ni Cane na tatlong baso. Kinuha ko na ang tuwalaya ko para makaligo na. Hahakbang na sana ako papasok ng banyo nang magsalita siya...
"Wala tayong panahon para maglungkot. 2 weeks right?" I heard she said. Tiningnan ko siya. Nakangiti lang ito sa akin... Tumango ako bilang sagot. "Then let's make the best of that 2 weeks."
"Hmmm! Let's do it!"
Nagkakagulo nang pumasok ako sa room namin. Ang pinagkakaguluhan nila ay ang nakadikit na schedule board. May mga bumati sa akin, like the usual, like normal. Hindi naman ako nagpahalatang may dinadala akong mabigat na problema.
History ang una naming subject ngayon. Ilang sandali lang ay pumasok na ang magtuturo sa amin. Ang ganda niya... Intense green ang mata niya. Nakalong gown siya, all green, mahaba ang kanyang pilik mata, kulay green ang make up, at braided ang hanggang pwet na buhok niya na kulay green din. Kung ganito pala ang magiging teacher ko sa History, baka hindi magiging boring. Gaganahan pa ako! Usually kasi, ang History ay panghapon na schedule, tulad ung sa naging school ko noon, at sobrang nakakaantok!
"Good morning, Legends... Warriors." she greeted in a very formal way. Napakamalumanay ng boses niya at, ang ganda pa ng ngiti niya.
"Sino siya? Ang ganda niya..." tanong ko kay Cane na nasa tabi ko.
"She's Miss Jade... Queen of Guardian Kingdom. She preferred calling her Miss, than Queen. But still, we respect her." sagot ng kaibigan ko. So, Queen pala siya... Kaya pala ganon yung suot niya and the way she talks... Reynang reyna.
"Good morning, Miss Jade!" bati naman pabalik ng mga kaklase ko.
Bakit ganon? Parang wala lang sa kanila yung bonggang get up niya? Can't they just appreciate what she's wearing right now? The make up and all... She's so gorgeous! Wala talaga silang reaksyon... Samantalang ako, laglag panga.
Isa isa niyang tiningnan ang mga kasama ko, hanggang sa dumapo ang paningin nito sa akin. Mataman niya akong tinitigan. I stared back at her. I was fascinated by her alluring green eyes... After 5 seconds, naging orange naman. Wow...?
"You look new... What's your name?"
Nabalik ako sa sarili ko nang napansin kong ako pala ang kausap niya.
"M-mizuumi Morgan po." sagot ko. It's like after hearing my name, nagulat siya. O baka guni guni ko lang siguro 'yun?
Medyo nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi siya nagtanong about sa magic ko, na wala naman.
"O-okay... My subject is History. Let's start discussing about how Lignesium was created." wika niya. Namatay ang ilaw sa buong silid. Maya maya pa ay may nagproject sa itaas namin. Ang Vlione...
Para kaming naka-3d movie... O daig pa. Para bang nasa mismong loob ng projection. Ang galing...
"Long time ago, year 1x. A goddess named Diorna was born... She was the most beautiful and kind and brave wizard. She became a Queen year 433 and was in loved with a great soldier of her Kingdom, Graven." Ang ganda nung goddess, hindi makabasag-pinggan ang mukha nito. Tapos 'yung Graven, ang gwapo, ang laki ng katawan. "Sa ilang taon ng pagsasama nila ay nagkaroon sila ng anak na kambal na lalaki— Alistar, holding the light magic, and Alaxy holding the dark magic. Si Alistar ang paborito ng kanyang mga magulang, pati ng mga tao dahil sobrang kabaitan at matulungin nito. Habang si Alaxy naman ay walang ginawa kung hindi ang gumawa ng gulo sa bayan, mang-api, at ang hamunin ang ibang tao para makipaglaban sa kanya. Dumating ang araw na nakaramdam ito ng matinding iinggit dahil sa atensyong nakukuha ng kakambal niya. Puro si Alistar na lang lagi ang bukam-bibig ng kaniyang mga magulang at ng mga tao. Hanggang sa isang araw na natutulog ang kanyang ama't ina— Diorna and Graven, he killed them. He didn't even flinched when he did that." Bigla akong kinilabutan... "Galit na galit si Alistar sa ginawa ng kanyang kapatid. Hindi siya makapaniwalang nakaya nitong patayin ang sarili niyang mga magulang. They tried to capture them. Sa kasamaang palad ay nakatakas ng palasyo si Alaxy. Ilang taon ang lumipas, napag-alamang nagtayo ito ng sarili niyang palasyo. Nanghikayat siya na labanan ang kanyang kapatid at nagtayo ng sariling hukbo... At doon nabuo ang Dark Wizards. Si Alistar ay hinahanda ang kanyang mga kawal at hukbo kung sakaling maganap ang isang kinakatakutang pagdanak ng dugo sa buong Vlione. Until he met Xeltrina, an Enchantress. Xeltrina is the one who created the Lignesium, together with Alistar. Siya rin mismo ang gumawa ng Rank and Class system na naiiba sa ibang mga iskwelahan. Paglipas ng taon, naging tanyag ang mga estudyante ng Lignesium. Every Rank Games, tayo ang nagunguna. That's why we were called, Legends. Lignesium Academy, the school of Legends."
Ngayon ko lang yata narinig ang kwento na 'to. I feel like, I was born during the time it happened. I should remember them... Diorna nad Graven. Alistar and Alaxy... Then the enchantress' name, Xeltrina.
And I knew it... This history subject would not be boring. In fact, it was the best! Wala akong naramdamang antok. Kahit mga rankmates ko, ganadong nakikinig.
"That would be all for today... See you next meeting." paalam niya. Tumingin pa muna siya sa akin bago tuluyang lumabas ng silid.
"We have a problem..." bulong ng katabi ko.
"Huh? Bakit?" nagtaka ako sa sinabi ni Cane.
"Magic Exhibition ang next subject natin. You can't participate..." aniya.
Oh, shoot! Hindi pa alam ng iba kong mga rankmates ang tungkol sa total error. Ang alam pa rin nila, may kapangyarihan ako. Sina Cane at Dwayne lang ang nakakaalam. Ayokong sabihin sa kanila, ayokong malaman nila ang tungkol doon. Baka magbago ang tingin nila sa akin. Ayoko ng mangyari ang nangyari sa akin noon...
Sa Magic Exhibition, kailangan talaga ng magic. Sometimes, there would be a Magic Clash (1v1), Brawl (5v5), and such, and... It's a surprise. Kaya hindi ka talaga makakapaghanda dahil biglaan. Tapos ang sabi pa ni Cane, random ang pagtawag. Safe sana ako kung alphabetical. s**t! Parang gusto ko na lang tumae, magkulong sa cr at iflush ang sarili sa inidoro. Nagpapawis ang kamay ko sa kaba.
Tiningnan ko ang schedule.
What the hell? Limang araw may Magic Exhibition? Parang mapapaaga yata ang pagkawala ko sa mundo... What to do?
Nasan na ba yung magiging teacher namin? Pasuspense eh... Kanina pa namin siya hinihintay, magpasahanggang ngayon wala pa rin. Well, at least nababawasan ang oras niya 'di ba.
"Mizuumi... Don't forget to breathe." ani Dwayne sa tabi ko.
"O-okay." I replied.
Si Cane ay nasa labas. Siya ang nagsilbing look out, para kung sakaling dumating ang next teacher namin. Maya maya pa ay nagtatakbo ito papasok. Umalis si Dwayne sa tabi ko.
"Nandiyan na siya. Lintik naman! Bakit dumating pa siya?" inis na sabi ni Cane. May 30 minutes pa. Medyo mahaba pa ang oras.
At 'di nga nagkakamali ang kaibigan ko. Pumasok sa room namin ang isang babae. Nakasalamin, nakatali ang maikli niyang buhok at nakasalamin. Nasa 40's to 50's siguro siya. Mukhang masungit. May dala siyang folder, na siguro listahan ng mga pangalan namin.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa... Kilala niyo na siguro ako. I'm Cassiopeia Oriana. Tawagin niyo akong, Ms. Oria or Ms. Oriana. Kayo ang bahala, kung saan kayo nasisiyahan o nadadalian." salaysay niya sa harapan. Nilibot niya ang paningin niya. "Where's the new recruit?" she asked. Talagang hinanap niya pa ako ha...
"U-uhmm..." nagtaas ako ng kamay, nanginginig pa.
"So, ikaw pala yung bago... What's your name?" she asked again. Grabe nakakatakot siya. Sobrang seryoso.
"M-mizuumi Morgan po."
"Saang class ka?" tanong niya pa ulit.
"M-mage po..." Mage in your dreams...
"Hmmmm. Okay. By the way, Warriors. Get ready!"
"Yes, Ms. Oria!"
"I'm excited!"
"Mizuumi, right?" nabaling na naman ang kanyang pansin sa akin.
Kumakawala na ang puso ko... Utang na loob. Stop torturing me with those kinds of questions.
"What's your magic?"
It's doomsday... Erase the 2 weeks na taning ng buhay ko. Yes to 3 seconds.