Chapter 9: Dear Kids
Mizuumi's POV
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Ano ng gagawin ko ngayon? They are all dead...
Napaupo na lamang ako sa isang sulok at umiyak but, there are no tears coming out.
What the hell?
All my life, I've been always in a situation that makes me feel sad and it always made me cry. But now is different...
I'm crying but there are no tears... Is that even possible?
Then, I realized something.
"This is not real..."
I've already watched movies like this... And maybe I know what's happening.
This is an illusion...
Nasa isang ilusyon ako at ang ipinapakita sa akin ngayon ay ang kahinaan ko. My friends... Pero, paano nga ba ako makakalabas sa ilusyon na 'to? Should I just kill my self? Kasi kung ilusyon nga talaga 'to, I don't like it here.
Kinuha ko ang kutsilyong nakasaksak sa dibdib ni Shiro. Medyo natatakot pa ako sa ginagawa ko. Nang tuluyan ko na itong matanggal, nanginginig na itinapat ko ito sa dibdib ko.
"This is not real..." pilit kong tinatatak sa isip ko.
I close my eyes as I thrust the knife on my chest. I didn't feel any pain... Hanggang sa binaon ko na ng tuluyun ang kutsilyo sa puso ko. Napapikit na lamang ako kahit wala naman akong sakit na nararamdaman...
I slowly opened my eyes. Lumiwanag na...
I did it. Nakabalik na ako!
Bumungad sa akin ang mga kaibigan ko. They were just fine, they're breathing and that's the most important. Ang iba nga lang ay may galos... While Four is still in his signature fierce look. Pero bakit umiiyak si Xien? Si Nami? Ang lungkot ng mga mukha nila...
May nangyari ba? Did I just missed something? And, where are the two Dark Wizards? Mukhang naitakas na yata nila ang libro. Well, that's good. That was really the plan after all...
"Ngayong nasa kanila na ang libro, malamang marami ng hindi magandang mangyayari sa mundo natin. Sa librong yun nakakubli ang sikreto nila..." rinig kong sabi ni Mr. Daniels.
"No, you're wrong." I butted in.
"M-mizuumi...." rinig kong usal ni Nami but I ignored it.
"The book isn't really about the Dark Wizard."
"A-anong ibig mong sabihin?" Mr. Daniels replied.
"Mr. Joaquin Daniels was a famous writer. Dahil sa mga magagandang sinulat niya, naging kilala ang pangalan niya sa buong Vlione. Hanggang sa makilala niya ang isang Good Wizard na si Valentina. Nagpakasal sila, bumuo ng pamilya at nagkaroon ng limang anak. Years after, Dark Wizards found out about Mr. Joaquin and captured him. Naisip nila baka pwede nilang pakinabangan ang kakayahan nito. That's why he was forced to write a book that will give Dark Wizards a good image. Binantaan siya ng mga ito na kapag hindi niya sinunod ang kagustuhan nila, papatayin nila ang kanyang pamilya. Walang nagawa si Mr. Joaquin kundi ang sumunod na lang. He wrote a book... And was able to produce hundreds of them. Pero sa takot na baka gumawa ang mga ito ng hindi maganda, he put spells on the books. It was all fake. Hindi nagtagal ay nalaman iyon ng mga Dark Wizards and they punished him. Hindi lang nila ito sinaktan, ginawan pa nila ito ng kwento. Pinalabas nila sa buong Vlione na pumatay ito ng tao. Agad na kumalat ang balita sa iba't ibang bayan. Hanggang sa nakarating rin ang balita sa pamilya niya. Sa inyo... Mr. Joaquin was abandoned, not just by the society, maging ang sarili niya mismong pamilya. Kung dati ay hinahangaan siya, kinamuhian siya ng mga tao matapos marinig ang balita na wala namang katotohanan. He was so devastated that time... Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nag isip siya ng pwedeng ipaliwanag hindi para sa mga tao, kundi sa pamilya niya, lalong lalo na sa mga anak niya. That's why he wrote a book... Lahat ng gusto niyang sabihin sa mga anak niya, kung anong totoong nangyari sa kanya. It was all written on that book. And he was able to met his son, and that was you Mr. Daniels. He gave that book to you... Sinabi niya sa inyo kung anong nakapaloob sa libro but, that was all a lie. Dahil natakot siya. And that book is the Dark Side... Or I should say, Dear Kids... The real title of the book." salaysay ko.
Binigay ko sa kanya ang tunay na libro na nakuha ko kanina sa kwartong pinagtaguan ako. Ang libro na nakuha ng mga Dark Wizards kanina ay isang peke...
Nang mahawakan iyon ni Mr. Daniels, bigla itong nagliwanag. Lahat ng letra ay lumabas sa libro at nagsilutangan sa ere. Ang pamagat na DARK SIDE ay nagpalitan ng lugar ang mga letra nito. Hanggang sa naging itong DEAR KIDS. The masterpiece of Mr. Joaquin Daniels that will tell what kind of father he is.
I discovered the real book in that room... Nagkaroon ako ng oras para basahin ang buong nilalaman nito... And the reason why the Dark Wizards were after it, is because they thought it has some information especially the 7 Golden Dark Magic pero wala.
Pinag-isipan ko itong mabuti. And I guess, it turns out well, does it?
"P-paanong... Ikaw..." nangangapa ng sasabihin niya si Mr. Daniels.
"It was under some spell to hide its real content. Sinadya iyon ni Mr. Joaquin dahil natatakot siya na baka malaman niyo ang sikreto niya, na nakasulat sa libro... Natakot siya na kapag nalaman niyo ang totoo, lalo niyo lamang siyang kamuhian. Kaya pagkatapos niyang maiabot sayo ang libro, nagpakamatay siya..."
Hindi ko na mapigilan ang maiyak. Ang saklap ng nangyari sa buhay niya. Ramdam ko kung gaano siya naghirap. He suffered alone and no one knows about it.
Umiiyak na si Mr. Daniels pati ang kanyang anak. Ang iba, nakatingin lamang sa akin. They look surprised...
"A-anong sikreto?" naiiyak na tanong ni Jairah.
"Mr. Joaquin Daniels is a Dark Wizard..." I replied.
Napatulala na lamang si Mr. Daniels.
"Ipinagtabuyan ako ng sarili kong pamilya dahil ako lang ang tanging lumaban para kay Papa. Ang sabi pa nila baka raw nilason lang ng Papa ko ang isipan ko at nababaliw ako... Ako lang ang naniwala sa kanya. Walang may gustong maniwala sa kanya, alam kong hindi niya kayang pumatay ng tao. Limampu't pitong taon. Nalaman ko rin ang totoo. Wala akong pinagsisisihan dahil naniniwala ako sa kanya, mula noon hanggang ngayon..." salaysay nito.
"Pinilit niyang magbago para matanggap siya ng pamilya niya. Mr. Joaquin was never a Dark Wizard... 'Cause he's a good person and a good father after all." I said and smile. Pinunasan ko ang luha ko.
...
Gabi na pala... May mga bituin at buwan na sa langit nang makalabas kami ng mansyon.
"Salamat sa inyo, lalo na sa 'yo." sabi ni Mr. Daniels at tumingin sa akin. "Dumalaw kayo minsan dito sa bahay ko at ipaghahanda ko kayo."
"Wala po 'yun Mr. Daniels."
"Mizuumi... You should come sometimes. May mga libro pa akong ibibigay sa 'yo." sabi naman ni Jairah.
"Sure... Dadalhin ko rin 'yung libro ko."
"Bye, bye!"
Nauna akong naglakad at nakarating sa may gate ng Lignesium. Wala sa sariling nakangiti ng malungkot.
Back to reality... Napansin kong hindi pa pala sumusunod sa akin ang anim kaya huminto ako.
"Mizuumi!" sigaw nila kaya napatalikod ako. Dinamba nila ako ng mahihigpit na yakap. Halos matumba pa kaming lahat dahil sa ginawa nila.
"B-bakit?" gulat na tanong ko. They're acting weird. 'Yung mga yakap nila parang kakaiba eh... Bakit parang may nangyaring hindi ko alam? Meron ba?
"Namiss ka lang namin." rinig kong sagot ni Blaire.
"Ang galing mo kanina... Nang dahil sa 'yo, the job was a successful."
"May 10,000 jewels na tayo!"
Ang saya nila, and it makes me happy too. Lumingon ako kay Four na parang wala namang pakialam.
Naalala ko bigla si Mr. Joaquin... Natakot siyang sabihin ang totoo kaya nagpakamatay siya. But he was able to tell them about it through writing. Eh ako...
"Oh, umiiyak ka na naman..."
Umiling ako. "W-wala 'to... Naalala ko lang kasi si Mr. Joaquin. He was so brave... Tapos natulungan pa natin sina Jairah at Mr. Daniels."
"You did a great job there." said Shiro and smiled at me.
"I'm gonna miss this big time."
"Ano ka ba! Marami pang susunod na trabaho." saad ni Blaire.
"Hindi ka naman iba sa amin. You're our friends now... Mythical Glory ka na rin!" sabi naman ni Xien.
"From now on... Isasama ka na namin lagi sa mga trabaho at misyon namin." sabi ni Nami.
"I really appreciate all of it pero, hindi na pwede... This will be the last... I guess?" Habang sinasabi ko yun ay pinipilit ko pa ring ngumiti.
"Bakit?"
"Hindi naman ako magtatagal dito. Kasi una pa lang hindi naman ako dapat nandito. Hindi ako katulad niyo. Alam niyo kung bakit? Because I don't have any magic..."
Isang sandaling katahimikan...
"You're joking right?" pambasag ni Blaire.
"That's not true. You had undergone laboratory testing, right? You were ranked as warrior, you also have a class. And you're a Legend... So that just means, you have magic." Xien said, in a matter of fact.
Natawa ako ng mapakla. Bumuntong hininga.
"Just this morning, Master Hades told me about it. He said my test results was a total error. I'm not a warrior nor Mage class... Definitely not a Legend. I don't have magic."
My eyes starting to blurry again. Naiiyak na naman ako...
"P-pero... P-paanong... Hindi 'to pwede..." I tried to smile to Nami.
"2 weeks, and the Magic Council will be here to get me. Th-they will kill me... And I'll be erased from all of your memories... L-like I never...existed." my voice cracked.
"W-what? No!" hindi makapaniwalang ani Howard.
"M-mizuumi..."
"Th-that's absurd... They can't do that!" reaksyon ni Xien.
Sandaling katahimikan...
They're speechless, at nakatulala lang sila. Four, as usual, wala naman siyang pakialam sa akin. Habang ako, humihikbi kakaiyak. Pinunasan ko ang luha ko. Ang sipon ko. Hinilamos ko na ang buo kong mukha at saka huminga ng malalim.
"Ang saya ko dahil kayo ang una kong nakilala at naging kaibigan dito. It was really nice meeting you all..." Nagbow ako sa kanila ng ilang segundo saka ako tumuwid ng tayo. Nginitian ko pa sila bago tuluyang tumalikod. Oh wait... May nalimutan akong sabihin. "By the way... I had so much fun today... Thank you for the memories."
Pagkasabi ko 'nun ay tumakbo na ako palayo, papasok sa Lignesium... Nagulat pa ang mga Army nang nakita nila akong pumapasok. Nagtataka kung bakit galing ako sa labas. Pinilit kong pigilan ang pag-iyak ko.
Tulalang naglalakad ako sa hallway pabalik ng dorm. Nakita kong tumatakbo sina Cane at Dwayne palapit sa direksyon ko.
"s**t! Mizuumi! Saan ka nanggaling babae ka?! Alam mo ba kaninang tanghali pa kami naghahanap sayo? Kumain ka na ba, ha? Ano bang nangyari sa 'yo? Bat ka naglayas? San ka ba nagpunta? Pinag-alala mo kaming lahat, my gad Mizuumi!" bungad niya sa akin. Kitang kita ang pag aalala sa mukha niya.
Hindi ko na kaya. Niyakap ko siya... Nagsimula na namang magsitulo ang mga luha ko... Napakaiyakin ko talaga. Cane is the first person na nagparamdam sa akin ng tunay na kaibigan. Binigyan niya ako ng lakas ng loob, at ang makita siyang nag-aalala dahil sa akin... I was happy and hurt at the same time.
Nandito kami sa dorm, kahit si Dwayne ay pasikreto namin pinapasok kahit bawal. Naikwento ko na sa kanila ang lahat ng pinag usapan namin ni Master kanina. Nalungkot sila at hindi makapaniwala. Same reaction as the Mythical Glory showed me... Nung tinanong nila kung saan ako nanggaling, sabi ko na lang naglibot ako sa buong Lignesium at naligaw kaya matagal bago ako nakabalik. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoo na kasama ko kanina sina Nami para sa isang trabaho at pumuslit kami ng Lignesium...
Third Person's POV
Nakahiga lang sa isang sofa si Bryson nang bumukas ang pinto ng tila palasyo nilang base. Iniluwa nito ang kanyang mga kaibigan, sina Nami, Shiro, Four, Blaire, Xien at Howard. Kapwa malulungkot ang mga mukha maliban lamang kay Four, na walang kahit anong emosyong makikita. Naunang pumasok si Four nang walang kahit na anong salita at sumunod naman ang lima.
"Oh! Bakit ang lulungkot ng mga mukha niyo? Anong nangyari sa trabaho? May kita ba?" tanong ni Bryson. Pero, wala ni isa ang nag abalang pumansin sa kanya. Hinagis ni Shiro ang jewels sa lamesa na nakalagay sa isang bag. "May kinita naman pala kayo eh. Bakit ang lulungkot niyo? May nangyari ba?" dagdag pa nito. "Kumain na ba kayo? Gusto niyo ipagluto ko kayo?" aniya pa.
"Di ako kakain." tipid na sagot ni Blaire at saka kinuha ang mga gamit.
"Ako rin..." sabay na sagot nina Xien at Howard.
"Ako rin. Matutulog na ako." sabi rin ni Nami.
"Ako rin. Wala akong gana." saad naman Shiro.
Lahat sila ay isa isang nagsilabasan ng headquarters para bumalik sa kani-kanilang mga dormitoryo. Naiwan si Kalli, na magpasahanggang ngayon ay natutulog. Habang si Four naman ay naka upo lang sa sofa, nakapikit ang mga mata. At si Bryson na nag iisip, nagtataka dahil sa mga inasal ng kanyang mga kaibigan. Akmang tatanungin niya na sana si Four pero tumayo ito at lumabas na rin.
Anong problema ng mga yun? sabi nito sa isipan.
Blaire's POV
11:00 pm na pero hindi ako makatulog. Gising na gising ang diwa ko. Maraming iniisip... At ang mukha ni Mizuumi, ang tumatak sa isipan ko, bago siya umalis.
Naalala ko 'yung nangyari kanina. Akala ko, patay na si Mizuumi... Dahil ang sabi limang minuto lang para makalabas siya sa ilusyon pero pitong minuto ang lumipas ay nagising pa siya. Ang saya ko nung narinig ko siyang magsalita at nakita ko siyang buhay. Siguro nga kahapon lang namin siya nakilala pero, parang hindi na iba sa amin si Mizuumi. Ang gaan ng loob ko sa kanya even though she's so soft and naïve. I usually hate weak people, lalo na kapag iyakin. Pero noong una ko siyang nakita sa prison trans, she was so funny. Napapangiti ako kapag naaalala ko yung karumal dumal thingy. After that, I started to like her, as a friend.
Hindi na talaga ako nakatiis at lumabas na ako ng dorm. Pupunta ako kay Master... I need to talk to him. It hurts to hear those words from Mizuumi... Hindi pwedeng wala siyang magic! At mas lalong hindi nila pwedeng gawin sa kanya yun dahil sa wala siyang kapangyarihan.
I need to do something... I don't want to just end it like this!
Naglalakad ako mag-isa ngayon at sinisiguradong hindi ako gumagawa ng kahit anumang ingay. Paakyat na ako ng office ni Master nang makasalubong ko si Nami. Katulad ko ay nakapajama at tsinelas lang din ito.
Shoot! Nabisto na!
"B-blaire... A-anong ginagawa mo dito? Anong oras na ah?" tanong nito.
"C-captain. Ah... Eh... P-pupunta lang ako kay Master para m-mag..maggoodnight." Maggodnight? Wtf? Anong klaseng sagot ba 'yun? "Ikaw?"
"A-ako? U-uhmm... Pupunta rin ako kay Master. Magtatanong ako kung paano matulog. 'Di kasi ako makatulog." Ang weird ng sagot ni Nami. Pero akala ko pa talaga pagagalitan niya ako.
"Why don't we just go together? Total iisa lang naman ang pupuntahan natin..." I suggested.
"T-tama... Tara."
Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng office ni Master...
"Shiro?" —Ako.
"H-howard..." —Nami.
"N-nami?" —Shiro.
"Blaire?" —Howard.
Galing sa kaliwa si Howard at galing sa harap na direksyon naman namin si Shiro.
"Anong ginagawa niyo rito?" I'm really confused.
"Bakit nandito rin kayong tatlo?" tanong naman ni Shiro.
Lahat ay natahimik at kapwa napaisip.
Then I realized something...
"I think we're here for the same reason..." Howard said. He was able to realized it, too. And I agree with him...
We're here because of Mizuumi...