5 years ago
"Hi?" Sabi ng lalaking kakapasok lang sa hospital room.
"Hello?" Nahihiya kong sagot sa kanya.
"Uy Phoenix! Ikaw pala. Pasok ka bilis. Paalis na rin kasi kami ni Nana hehe pakibantayan na lang si Ziel ha" Napalingon naman agad ako dahil sa sinabi ni Rie pero ang gaga dinilatan lang ako ng mata atsaka pilit hinihila palabas si Nana.
"Hehe balik na lang kami bukas Ziel! Bye!" Narinig kong sigaw ni Nana bago sila tuluyang lumabas sa kwarto. Hindi nako nakapagsalita.
"Pwede ba kong umupo?" Sabi ng lalaki sa harapan ko.
"Oo naman" Nakayuko kong sagot sa kanya. Binantayan niya ko kagabi? Eh hindi naman kami close no.
"Hmm. Nga pala, kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Phoenix sakin.
"Okay na yung pakiramdam ko. Salamat nga pala sa pagbantay ha. Kahit di mo naman kailangan gawin yun. Salamat pa rin." Mahinahon kong sagot sabay tingin sa kanya.
Napatitig ako bigla sa mukha niya. Ngayon ko lang pala talaga siya natitigan ng malapitan.
"Actually, I felt guilty about what happened." Seryosong sabi niya sakin sabay tingin sa mga mata ko.
"Huh? Wala kang dapat ika-guilty dun no. Hindi mo naman alam na may allergy ako at isa pa hindi naman ikaw yung pumili ng kakainin ko kaya wala kang kasalanan." Sagot ko naman sa kanya with reassuring face pa yan ha.
"No..not about that" Sabi niya naman sakin.
"What? Eh kung hindi about sa nangyari sa akin. Eh about saan?" Nalilito kong tanong sa kanya.
"About sa treatment ko sayo. I felt guilty kasi parang napaka arogante ng treatment ko sayo and I want to apologize for that." Sagot niya naman sakin.
"Ah yun ba! Ano ka ba!! Okay lang no. Expected na na mangyari yun. I mean hindi naman talaga tayo close and napilitan lang naman tayo both na makipagdate sa isa't isa para sa mga friends natin. Naiintindihan ko kung ganon mo e treat yung mga hindi mo kilala." Nakangiti kong sagot sa kanya. Okay naman pala to kausap eh.
Tumahimik muna siya nang ilang segundo bago nag salita uli.
"I want to make up for it." Seryosong sabi niya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ha?" Yun lang yung lumabas sa bibig ko. Nalilito ako no! Ano ba pinagsasasabi ng lalaking to.
"Let's date again. Gusto kong bumawi" Sabi niya sakin with matching serious face.
Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Gusto niya ko makadate ulit?
"B-baket? I mean, hindi naman natin kailangan gawin yan ulit since mukhang nagkakamabutihan naman na yung mga kaibigan natin diba?" Nauutal kong sagot sa kanya.
"I'm not doing it again for them. I'm doing it for myself. Inaamin ko hindi talaga ako marunong makisama agad sa mga taong kakakilala ko lang pero I really want to make up for it. And.... I also really want to get to know you more. Binantayan kita kagabi because I felt worried, guilty and I was also hoping for you to give me us a chance - a chance na makilala yung isa't isa. I know I'm not making any sense right now pero this is what I truly feel as of the moment."
Natahimik lang ako sa sinabi niya. Shems! Ano isasagot ko?
Nag-isip muna ako ng maigi bago ako sumagot. Mukha naman talagang sincere siya and jinudge ko rin naman siya nung una kasi akala ko arrogante siya.
"Sige" Sagot ko sa kanya habang nakayuko.
"Anong sige?" Tanong niya naman sakin. Ang hina naman nito sa comprehension. Charot hahaha.
"Let's have a date one more time. Kilalanin yung isa't isa" Nakangiti kong sagot sa kanya.
Bigla namang lumiwanag yung mukha niya at ngumiti siya ng sobrang laki. Napatitig ulit ako sa klanya. Sh*t ang guwapo pala nito.
Inabot niya sakin yung kamay niya para makipagshake hands. Hinawakan ko naman yung kamay niya.
"Again?" Tanong niya.
"Again!" Nakangiti kong sagot sa kanya