5 years ago
I was just walking around when someone bumped me and I fell to the floor. Tinignan ko kung sino yung nakabunggo sakin at ang kumag hindi man lang tumingin sakin at tumakbo pa umalis? The heck! He didn’t even say sorry!
I stood up and cleaned my messy dress. Naku naman!! Kakabili ko lang nito eh tapos nadumihan agad. Naglakad nako at pumunta sa foodcourt ng school namin.
School fair namin ngayon kaya maraming tao mula sa ibang schools ang pumunta. Dagdag pa na malabo yung mata ko kaya hindi ko mahanap yung mga kaibigan ko.
Naglakad na ako papasok ng foodcourt nang may marinig akong sigaw.
“Hey Ziel! Here!” I saw Nana waving her hand trying to catch my attention from the card. Tumakbo ako papunta sa kanila. She’s with Rie and they are my best friends.
“Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap?” Tanong sakin ni Rie.
“Galing kasi ako ng cr tapos may biglang bumangga sakin kaya ayun natagalan ako” Sagot ko sa kanila.
“Oh my gosh are you okay!? Kaya pala may dumi yung damit mo. Sino ba kasi yung nakabangga sayo?” Sabi ni Nana sakin habang kumukuha ng wet wipes tsaka tinulungan akong linisin yung dumi sa damit ko.
“Hindi ko nga rin nakita yung mukha eh. Anyways kumain na lang tayo kasi kanina pako nagugutom.” Sagot ko sa kanila tsaka umorder na kami ng kakainin namin.
-
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa basketball court dahil malapit ng maganap yung so called “Fight of the Beasts”
Nung makapasok na kami sa court kakasimula pa lang nung game kaya naghanap muna kami ng mauupuan.
Villa Alfonso Academy vs. Ford Academy
I am a student of VAA and the FA is our rival. Ma pa academics man yan physical activities. Kalaban talaga ang turing namin sa kanila.
Ilang minuto na ang nakalipas at napakahigpit pa rin nung laro. The referee whistled. Sign that there is a time out.
Sa harap kami nakaupo kaya nung lumapit na yung players sa coaches nila ay bigla kong nakita yung lalaking nakabunggo sakin kanina.
He’s wearing a gray jersey with a number of 27 and he’s from Ford Academy. Biglang naglapat yung tingin namin kaya agad akong umiwas at yumuko.
Nakarinig ako bigla ng mga tili at nakaramdam ako ng hampas galing kay Nana kaya inangat ko yung ulo ko.
Nasa harapan ko yung lalaking nakabunggo ko. Bigla niyang inilapit sakin yung mukha niya tsaka nagsalita.
“Sorry” bulong niya sakin tsaka umalis na dahil tinawag na siya ng mga kasamahan niya.
Nagsimula na ulit yung laro pero ako ay gulat na gulat pa rin sa nangyari.
BAKIT ANG LAKAS NG KABOG NG DIBDIB KO?
Ang ingay sa loob pero yung naririnig ko lang eh yung kabog ng dibdib ko.
Tumingin ako sa paligid at napansin na kanina pa pala tumititig sakin si Nana at Rie.
“Ano yun?” bulong sakin ni Rie.
“Kilala mo ba yun?” bulong din sakin ni Nana.
“Yun yung nakabunggo sakin. Humingi lang siya ng tawad” Sagot ko sa kanila.
“Aaaah” They both said in unison pero parang may halong pagdududa.
Bumalik na lang ako sa panonood at nag antay matapos ang laro. Pero hindi ko talaga maalis yung tingin ko sa lalaking yun. 4th quarter na ng laro at napakahigpit ng laban.
118-120 lamang ng 2 points ang FA.
Ilang minuto pa ang lumipas at biglang nag karoon ng foul play kaya nabigyan ng chance magka free throw yung kabilang school.
At si number 27 pa talaga ha..
Nashoot na niya yung first free throw niya at nung aakma na siyang mag shoot sa pangalawa ay bigla siyang tumingin sakin at tinuro ako.
Tumingin naman lahat sakin kaya nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
"PLEASE DATE ME" Sigaw niya tsaka ishinoot na yung bola at sumigaw naman lahat.
Pero ako? Gulat na gulat pa rin at di makaimik.
Bumalik yung bilis ng kabog ng dibdib ko at tinignan si number 27.
Gusto niya akong e date? Bakit ako?
Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla akong nahirapan huminga dahil sa lakas ng t***k ng puso. Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Rie na nakatulala. Tinignan ko kung saan siya nakatingin.
Nakatingin siya kay number 27 at si number 27 nakatingin din sa kanya.
Saka lang nag sink in sakin.
SHIT! HINDI PALA AKO YUNG TINURO NIYA!