CHAPTER 5

847 Words
MULA sa tuktok ng mataas na gusali, inabangan niya ang paglabas ng isang babae mula sa isang bar. Nasa tabi niya si Megami na kadarating lang mula sa Vamwolf. Agad niya itong tinawagan matapos ang nangyari sa cafeteria-hindi niya nagustuhan ang naging takbo ng araw niya. Unang araw pa lang ng pasok niya, ganoon na agad ang mangyayari? Tuturuan lang naman niya ito ng leksyon. Wala siyang balak gumawa ng bagay na ikapapahamak nito, lalo na't ayaw niyang magalit sa kanya ang mga kapatid niya kapag gumawa siya ng kalokohan. "Siya na ba 'yon?" Pumaling sa kanya si Megami bago siya tumingin sa ibaba. Kitang-kita nila ang babae na kalalabas lang, subalit hindi ito nag-iisa-may kasama itong isang lalaki. "Ikaw na bahala sa lalaki." "Sure.." Mapang-akit na ngisi nito sabay tayo. Tumalon ito papunta sa katabing building na hindi naman ganoon kataas. Mabilis ang kilos niya nang lumundag pababa. Siniguro niyang walang makakakita sa kanya bago sumandal sa pader, sakto nang papunta ang dalawa sa iskinita kung saan siya naghihintay. Nagtatawanan pa sila nang biglang sumulpot si Megami at walang kahirap-hirap na hinila ang kasama ng babae. Doon na nagsigaw ang babae dahil sa gulat. "Help! Dinukot ang kasama ko---" "Kung ako sa'yo, hindi ko gagawin ang humingi ng tulong." Napalingon ito sa gawi niya habang nanlalaki ang mga mata. "S-sino ka! " Nakatago siya sa dilim kaya hindi nito makita ang mukha niya. Maya-maya ay lumabas na siya mula sa anino. "Hi, My Ann." Malamig niyang bati. Napaatras ang babae at nilingon ang paligid, tila hindi makapaniwala sa nakikita. "S-sino ka sabi! " "It's me, Devon." Halata sa mukha nito ang gulat at pagtataka. "D-Devon? " Mariin natawa siya at napasuklay sa buhok. Nakuha niya, hindi nga pala ito makakakilala sa kanya dahil wala siyang suot na salamin ngayon. "Yeah, Devon. Yung babae sa Cafeteria." "Oh my god..." Hindi makapaniwalang sabi nito. Tila nabigla sa itsura niya. Tch. Sinong hindi mabibigla? Diyosa lang naman ang kaharap nila ngayon. Siyempre charot lang. "Masyado kang umabuso, Miss. Diyes, tingin mo ba papalampasin ko ang ginawa mong pamamahiya mo sa akin kanina?" "Oh, I-im sorry kung 'yon ang---" "Shh." Pinatahimik niya ito. Napaatras muli ang babae nang umabante siya at makita ang pagbabago sa kulay ng mga mata niya. Damn. "What the hell... L-lumayo ka! Halimaw ka! Tulong! " Walang emosyon lang siyang nakatingin habang kitang-kita niya ang matinding takot sa mukha nito. Natuon ang atensyon ng babae sa kanyang mga matang umiilaw sa dilim. Tch. Masyado itong maingay at kinaiinisan niya ang mga taong sobrang ingay. "Halimaw ka!! Tulungan niyo ko! Tulong---" Kumumpas lang siya ng kamay at biglang hindi na nakagalaw ang babae sa kinatatayuan nito. Malaya na siyang nakalapit at hinawakan ang hibla ng buhok nito nang mariin bago tumitig nang diretso sa mga mata nito. "H-halimaw ka... " "I know. Kaya nga dapat mas lalo kang mag-ingat, lalo na't nakita mo na ang totoong anyo ko." "M-malalaman ito ng buong---" Napasinghal siya nang nakangisi. Biglang natahimik ang babae nang sumulpot si Megami na may hawak na matulis na bagay na nakatutok sa leeg nito. "Wag kang magkakamali, b***h. Kung ayaw mong paglamayan ka ng pamilya mo ngayong gabi." "A-ano bang kailangan niyo? Kung 'yon ang problema, I'm sorry for what I have done to you! Kaya please... pakawalan niyo na ako and I promise n-na walang makakaalam ng sekreto niyong ito.. " Nanginginig at takot na takot nitong sabi. "Tch. Hindi kami tanga para maniwala sa'yo---" "No. Meg, hayaan mo siya." Lumingon si Megami sa kanya habang nakakunot ang noo, tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. "What? Nababaliw ka na ba, Cous? Paano kung magsumbong siya sa mga---" "Bakit? Tingin mo ba may maniniwala sa kanya? I'm sure na hindi rin naman niya ipagkakalat kung ano ang nakita at nalaman niya... lalo na kung kaya naman din natin siyang patahimikin. Right, My Ann? " "O-oo... pangako w-walang makakaalam---" "Siguraduhin mo lang dahil sa oras na malaman ito ng ibang tao, babalikan kita at tutuluyan." Pagbabanta ni Megami habang mas dinidiinan ang patalim sa leeg nito. "Pero... may parusa pa rin dahil sa ginawa mo. Kaya hindi kami papayag na hindi ka maparusahan kahit kaunti." Mapaglarong sabi niya sabay lingon kay Megami. "A-anong ibig mong sabihin? " "Malalaman mo rin." Aniya bago tumayo mula sa pagkakaupo. "A-anong ibig sabihin nito?! Bitiwan niyo ko! Tulungan mo ako! Devon! Devon! " "Kapag napagod ka, pwede mo naman itong itigil. Pansamantala." Tinapik niya si Sandro matapos itong tawagin, gayundin sina Drill at Tanus. "Baliw ka talaga, Dev.." Iiling-iling na sabi ni Megami habang tumatawa. Ngumiti lang siya nang nakakaloko. "Bakit? Buti nga 'yan lang ang parusa sa kanya. Eh di sana pinatay ko na lang." "Kalokohan mo talaga." "Tch. Di siya lugi. Hot naman sina Sandro kaya wag kang magreklamo na parang ikaw pa ang nasa pwesto niya." "Oo na." Tawa nito. Saka na sila naglakad paalis sa iskinita na binalot ng dilim kaya walang nakapansin sa kanila. Narinig pa nila ang huling sigaw ni My Ann bago ito tuluyang mawala sa paningin kasama ang mga tauhan niya. "Devon!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD