CHAPTER 4

564 Words
KALAT na sa buong school ang tungkol sa bagong estudyanteng nagngangalang Devon Arish D. na pumasok sa Class-A1. Kilala ang section na ito bilang pinakamagulo at pinaka-walang modo. Sikat din ito sa pakikipagbasag-ulo at laging napapatawag sa Guidance Office. Sa pagpasok ni Devon sa lugar na ito, ano kayang mangyayari? Gayong nagsisimula pa lamang ang pakikipagsapalaran niya sa mundo ng mga tao. "Narinig mo 'yung balita?" "Oo, rinig na rinig, kalat na sa buong school! My god, buti nakapasok siya gayang ang ayos niya. " "Tch. Malay mo naman. Saka wala namang pinipili ang school na 'to, 'di ba? Mahirap man o mayaman, pangit man o mukhang chaka, pwedeng-pwede." Sabay-sabay silang nagtawanan. Sakto namang dadaan sana akopapasok ng cafeteria nang biglang tumahimik ang buong paligid dahil sa pagdating ko. Lunch break noon kaya dumiretso ako agad para bumili. Mansanas lang ang bibilhin niya-iyon lang kasi ang pagkaing tinatanggap ng kanyang sikmura. Bampira siya, hindi siya pwedeng kumain ng pagkaing para sa mga ordinaryong tao. Nang makabili, nagpasalamat siya sa tindera at natuwa na may available pa. Subalit hindi pa man siya nakakahakbang palayo, may biglang pumatid sa paanan niya. Dahil sa pagkatisod, hindi niya naiwasang bumangga sa isang lalaking nakaupo at may hawak na juice. Natapon ang laman nito sa uniform ng lalaki. Fuck! "What the hell!!" Galit na sigaw nito sabay tingin sa kanya nang masama. May ilang napasinghap at napabulong na lang ng "Oh!" dahil sa nangyari. "Pasensya na---" "Pasensya na? Tingin mo mababayaran mo ng sorry ang ginawa mo sa uniform ko!?" Bulyaw nito habang tinititigan lang niya ito nang walang emosyon. "Jigs... pwede ba huminahon ka muna---" "Shut up, Ole! Tingnan mo ginawa ng babaeng 'to sa damit ko!" Tumaas ang kilay ni Devon. Gago pala 'to. Hindi naman niya sinasadya, ano bang problema nito at ang lakas makareak? "Hindi naman niya sinasadya," saway ng kasama. "I don't care! Kay bago-bago lang dito pero tatanga-tanga na! Buwisit!" Galit pa rin na sigaw nito habang umiiling na lang ang mga kasama. Napansin niya ang isang lalaki sa gilid na tahimik lang at nakamasid sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin, pero noong magtagpo ulit ang mga mata nila, bigla na lang bumibilis nang bumibilis ang t***k ng puso niya. Kakaibang bilis iyon. Fuck. "Ah... Miss, pasensyahan mo na ang kaibigan ko ah," hingi paumanhin ng isa. Tumango na lang siya at tumalikod matapos humingi ng tawad kay Jigs, kahit na halata namang hindi tinanggap ng lalaki ang sorry niya. Tch! Ang arte. Naglakad na siya palayo pero narinig niya ang mga bulungan mula sa likuran. Doon niya nalaman na ang mga ito pala ang may kagagawan kung bakit siya natisod at naitulak nang hindi sinasadya. "Ang sama mo, bruha ka." "Tch. I know right." "Bakit mo naman ginawa 'yon? Kay bago-bago lang 'nong tao---" "Sa nainis ako sa pagmumukha niya eh, bakit ba?" "Grabe ka, May Ann." Kuyom ang mga kamao ni Devon habang patuloy sa paglalakad. Damn! Hindi siya uuwing talunan. Lalo na't nakahanap na siya ng bago niyang bibiktimahin dahil sa ginawa nilang kahihiyan sa kanya. Subalit bago siya tuluyang lumabas, muling nagtagpo ang mga mata nila ng lalaking nakaupo sa dulo. Ganoon pa rin ang ayos ng upo nito at ganoon pa rin ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Isang bagay lang ang sigurado siya-dahil sa lalaking iyon biglang nabuhay at kumabog nang mabilis ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD