Nang nasa loob na sila ng unit ng dalaga ay agad tinungo ni Nathan ang silid ng dalaga saka inilapag ito.
Ilang minuto nang akmang tatayo saka lalabas si Nathan ay biglang nagising si Margaux saka nahawakan ang kamay ni Nathan na dahilan na out balance ito saka napasubsob sa dibdib ng dalaga na naghatid ng ibang sensasyon dito.
Sa pangalawang pagkakataon ay may nangyari ulit sa pagitan nila.
Samantala nag-alala na si Jazz sapagkat wala pa ang asawa. Kanina lamang ay sinabi nito'ng uuwi na ito. Ngunit maghahating-gabi ay di pa dumadating.
Tinawagan niya si DJ baka sakaling magkasama sila. Ngunit nalaman ni ang hindi nagagawi si Nathan sa unit ng binata.
Biglang nagising si Nathan saka napalingon sa tabi niya. Napabalikwas siyang bumangon nang namataan niyang hindi ang asawa ang siyang katabi nito. Dali-dali siyang tumayo saka kinuha ang mga saplot na nakakalat sa sahig saka lumabas ng unit.
Nangamba bigla si Jazz saka kinutuban naman ito. Posible kaya na nagkita at nagkasama sila ni Margaux,.
Habang si Nathan ay agad pinaharurot ang sasakyan nang makababa ng building at nakapasok sa kotse nito.
Umuwi agad siya dahil nararamdaman m niyang magtataka ang asawa at bakit natagalan siya sa pag-uwi.
Nagising si Margaux nang umagang iyon na may pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Sapagkat dahil sa namagitan sa kanila ni Nathan ay posibleng mabubuntis siya.
Nakarating si Nathan sa bahay nila na magulo ang isip dahil baka posible niyang mabuntis ang dalaga.
Dumeretso na muna siya sa mini bar ng mansyon upang magpakalasing para makalimutan ang masamang nangyari.
Tinanghali ng gising si Jazz saka nagtaka siyang di nakauwi ang asawa at di maiwasang magduda na naman siya.
Tumayo siya saka tinungo ang banyo upang maligo. Samantala nakatulog si Nathan sa mini bar sapagkat nalasing ito.
Naging maganda ang gising ni Margaux. Pakanta-kanta pa ito habang tinungo ang banyo. "last night was a best night for me" bulong ng isip niya.
Walang imikan ang mag-asawa nang magkasalubong sila sa may sala.
Nagpapakiramdaman saka halos hindi makatingin ng deretso si Nathan na nakuha naman ni Jazz ang ibig sabihin at mukhang may nagawa ito. Natapos na lang silang kumain pero nanatiling tahimik ang dalawa. Pumasok ng silid si Nathan upang maligo at makapagbihis. Tutungo pa ito ng opisina nang araw na iyon.
Lumipas ang dalawang buwan nang napag-alaman ni Margaux na buntis ito ay agad niyang pinaalam sa ama ng kanyang dinadala.
Gabi nang pumunta siya ng bahay ng mag-asawa saka kumatok nang nakarating na ito.
Agad pinagbuksan ni Jazz ang pinto saka laking gulat niya nang si Margaux ang nabungaran nito.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong sa bagong dating.
"Saan si Nathan?"
"bakit mo siya hinahanap? Anong kailangan mo sa kanya?"sunod-sunod na tanong ni Jazz.
Sumulpot bigla si Nathan sa likuran ng asawa.
"bakit Margaux anong kailangan mo?"tanong ni Nathan.
"buntis ako at ikaw ang ama Nathan"
"tama bang narinig ko? Pa'no nangyari iyon?" gulat na tanong ni Nathan dito.
"Naku Nathan, nakalimutan mo na ba ang nangyari sa atin?"
"totoo ba Nathan? May nangyari sa inyo?" kumpontra ni Jazz sa asawa saka tumango si Nathan at isang sampal ang ginawad niya rito sabay talikod na umiiyak.
Samantala bahagyang tumawa si Margaux habang kinaladkad ni Nathan palabas ng bahay.
"siguraduhin mo lang na akin iyang pinagbubuntis mo kung totoong buntis ka talaga" pasigaw na banta ni Nathan sa dalaga na nagpakaba din sa kanya.
Hindi makapaniwala si Jazz sa narinig niya kanina. Gusto niyang patayin si Margaux.(ngunit di kaya ni writer kya ipasa nya sa mga adikk.hahahaha).
Pag-alis ni Margaux ay agad pumasok at sinundan ang asawa. Kailangan niyang magpaliwanag dito.
"Jazz, Mahal ko." tawag ni Nathan papalapit sa asawa saka sabay atras at iwas ni Jazz.
Akmang hahawakan ni Nathan ang kamay ng asawa ngunit pilit tinatanggal ni Jazz ang mga iyon at galit na tiningnan ang asawa.
"DONT EVER TOUCH ME"
Nagmamatigas pa din si Nathan biglang niyakap si Jazz ng mahigpit saka bumulong ng I,'m sorry Mahal ko."
Nagpupumiglas si Jazz subalit sadyang malakas si Nathan. Wala siyang nagawa kundi ang lumuha saka niyakap ang asawa. Napakasakit man ang nalaman niya ngunit bakit handa pa rin nyang patawarin ang asawa.
Naririnig niyang humihikbi ang asawa kaya di nya mapigilang maawa sa nagawang kasalanan sa kanya.