Episode 19

550 Words
NASAKSIHAN ni Nathan ang bangayan ng dalawang babae. Hindi nila ito napansin sapagkat dahan-dahan ang pagkilos ni Nathan. Kitang-kita kung ga'no ka palaban ang asawa at iyon ang isang katangiang nagustuhan niya rito. Wala siyang papanigan sa dalawa kundi ay handa siyang makinig sa bawat paliwanag nila. Sa tingin niya ay napupuno na si Jazz kaya gayon na lang ito kung manggigil. Hindi niya masisisi ito sapagkat nagkasala rin siya rito. Napalingon si Jazz sa gawi niya nang biglang nasampal ni Margaux si Jazz. Dahil hindi siya nakailag ay akmang sampalin sana itong muli ngunit bago mangyari iyon ay naawat ni Nathan at nanlilisik ang matang tiningnan ang dalaga. "Sige Margaux subukan mong ituloy iyan at makakatikim ka talaga sa'kin" "Ang lakas ng loob mo'ng susugod dito upang awayin ang asawa ko" "Anong gusto mo? Ang katawan ko? Ang pagkatao ko o baka gusto mo'ng magpabuntis sa'kin?" " Pagbibigyan kita kung iyan ang habol mo, ngunit ito lang ang tandaan mo. Kunin mo na ang lahat sa akin huwag ang pamilya ko saka kahit anong mangyari ay hindi mapapasa'yo ang puso ko" Galit na turan ni Nathan sa dalaga habang yakap ang asawa saka hinagkan sa labi. "Gutom ka na ba Mahal ko?" malambing na tanong ni Nathan sa asawa na kinatango ni Jazz. "Halika na't makakain na tayo" yaya niya saka iniwan si Margaux na luhaan. Naiiinis na naluluhang naiwan si Margaux. Hindi ito nakapagsalita nang binanatan siya ni Nathan. Samantala kitang-kita niya kung ga'no ka sweet ang mag-asawa. Magkahawak-kamay na tinungo ng mag-asawa ang kotse saka pinagbuksan ni Nathan si Jazz saka tumambad ang bulaklak na nasa passenger's seat. Napangiting kinuha ni Jazz iyon saka inamoy at nilingon ang asawa saka hinagkan niya ito. Pumasok na siya sa kotse saka bumaling si Nathan nang di sinasadyang napalingon at nakita ang kotse ni Margaux na nakakubli sa isang sulok. Napailing na lang siya saka pumasok at pinaandar na ito. Samantala nagngingit,-ngit sa galit si Margaux at bahagyang sinundan ang mag-asawa na napansin ito ni Jazz. Nakarating na nga ang mag-asawa sa Restaurant. Lumabas si Nathan saka tinungo ang kinaroroonan ng asawa saka pinagbuksan i to at sabay ng pumasok. Habang si Margaux ay nakatanaw sa kina Nathan at Jazz na masayang naghaharutan. Isang tawag sa cellphone ang narinig ni Margaux at ang organizer ng event iyon. Galit itong nakipag-usap sa kanya sapagkat hindi ito nakasipot sa pictorial at rehearsals. Kaya naging masama ang araw ni Margaux. Lahat na yata ng kamalasan ay napunta sa kanya. Siguradong sobrang galit ng organizer sa kanya kaya magpalamig na muna siya. Pumunta siya ng Bar. Gabi na kasi kaya nais munang mapag-isa. Napadami ang inom niya hanggang lumabas sa naturang bar at pasuray-suray na naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada. Napadaan naman si Nathan nang siya ay pauwi na. Nagkataong on the way iyon kaya napansin niya ang isang babaeng lasing na halos wala sa katinuan. Akmang lalabas siya nang namumukhaan niya ito at nagulat siya'ng si Margaux pala. Papalapit na siya nang natumba ito. Agad niyang binuhat ito saka dinala sa kotse. Pinaharurot niya't ang sasakyan at dinala ang dalaga sa kanyang unit. Nang makarating na sila ay agad binuksan ni Nathan gamit ang susing kinuha sa bag ng dalaga. Pagpasok nila'y agad tinungo ang silid ni Margaux saka inihiga ito sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD