Episode 18

828 Words
NAGING ABALA si Jazz sa kanyang Boutique. Marami kasi siyang customers at marami ding magpapagawa sa kanya ng mga formal wear. Isa si Jasmine Gonzales-Bernardo ang kinikilalang fashion designer ng bansa. Dahil sa angking galing ay halos suki na siya ng mga Fashiön Events. Maimpluwensiyang tao, mga nasa larangan ng Showbiz at pulitika ang pangunahin niyang mga naging kliyente. Kahit mga modelo ng bansa ay hawak ni Jazz maliban kay Margaux. Simula nang magkakilala ang dalawa ay pareho sila ng nararamdaman. Mainit ang dugo nila sa isa't-isa. Hindi maitatanggi ni Jazz na minsang pinagdudahan ang kilos ng dalaga. Ang mapang-akit at alindog nito na kahit sinong lalake ay kaya niyang akitin at mapaamo. Maituturing siyang LINTANG AHAS sapagkat animo'y linta kung makakapit at ísang ahas na napakatindi ang kamandag na kahit sinong lalake ay maaari niyang mabiktima at isa na do'n ang kanyang asawa. She never expected that one day she could met a woman like Margaux na walang ginawa to ruin her marriage. It's been two years since nagpakasal sila ni Nathan yet sinubukan agad ang katatagan nilang mag-asawa. Inaamin ni Jazz that he was so HURT and felt hopeless but then true love and fate ang gumawa ng paraan to be together again. Dahil sa nangyari. Inamin minsan ni Nathan ang ONE NIGHT STAND na namagitan nila ni Margaux. Gustong sumabog ang dibdib ni Jazz nang mga oras na iyon ngunit tao lang si Nathan natukso kaya ito pumatol. Napakasakit, sobra man siyang nasaktan ngunit mahal niya ang asawa niya at may pamilya siyang nagpapabuo ng buhay niya. Naging lakas at rason niya upang lumaban. Si Margaux Alferos, magamda, sexy at isang tanyag na modelo ng bansa ngunit sa isang iglap lalong nagulo ang mundo niya nang makilala ang isang Nathaniel Bernardo na nagpabaliw saka dahilan ng pagka-desperada at lukaret nya. Ang lalakeng dahilan nang kanyang pagpapantasya kahit magmukha man siyang kawawa at kahit maturingang malandi, haliparot, desperada at iba pa ay wala na yata itong pakialam sapagkat nalunod na ito sa maling pag-ibig na kanyang pinaniniwalaan. Hindi lingid kay Margaux na may laging nakasunod sa mga kilos nya na maaaring magpabago ng kanyang buhay. I'ts a rollercoaster ang buhay niya kahit anong tago minsan hindi maiiwasang lilitaw ang isang malagim na nangyari sa buhay niya. Ang nakaraang naging dahilan nang kanyang pagbabago sa bawat pagdaan ng panahon. Paunti-unting nababawasan ang mga customers ni Jazz na dahilan ng pagpasok nito sa sariling opisina upang umidlip kahit sandali habang hinihintay ang asawa. May usapan kasi silang kumain sa labas. Samantala nasa di-kalayuan si Margaux habang nakatanaw sa Boutique ni Jazz. Dahil kilala niya halos ang pumasok sa naturang boutique ay minabuting pag-alis ng mga ito siya susugod. Habang nakaidlip si Jazz ay biglang tumunog ang kanyang cellphone and it's Dj Nathan's good friend and Margaux's cousin. "Hello Jazz, it's DJ napatawag ako to warn you na papunta diyan ang pinsan ko. Just prepare yourself and take care kasi kilala ko ang pinsan ko kapag sumpungin ng pagka-lukaret at ano na lang naiisip." pagbibigay-alam ni Dj na may bahid na pag-aalala sa kaibigan. "tama ba'ng narinig ko Dj si Margaux pupunta dito? At anong gawin niya?" "I'm not that sure kung anong pwede niyang gawin basta mag-ingat ka." tugon nito saka nagpaalam na't may hearing pa ito. Biglang nangamba si Jazz sa narinig.. Hindi niya alam kung anong maaaring mangyari subalit nakahanda naman siya. Tinungo niya ang restroom saka mag-retouch upang mag-mukha pa rin siyang maganda sa pagharap nila ni Margaux. "Ano naman ang kayang nakain ng babaeng iyon at bakit na naman biglang nagparamdam." sa isip niya habang nakatingin sa salamin. "Mas hamak na maganda ako sa'yo Margaux, at isa pa ako ang asawa at ikaw binabalak mong agawin siya sa'kin." bulong niya sa sarili saka muling sinipat ang kabuuan niya bago tuluyang lumabas. Samantala dahan-dahang lumabas sa kotse niya saka dali-daling pumasok sa opisina ni Jazz. Napag-abot ang dalawa saka nagkakatitigan. Parehong may naiisip saka masamang tingin ang pinukol sa isa't-isa. "Oh! Margaux buhay ka pa pala? Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" paunang pasaring ni Jazz buwesita(daw) "Talagang buhay ako Jazz, at buhay-buhay para ika'y patayin" mataray nitong sagot sabay irap dito. "Owwws! Patayin talaga? Takot naman ako niyan.. Sisiguraduhing mapapatay mo nga akong haliparot at lintang ahas kung makasunod sa asawa ko'y wagas" Nasaktan si Margaux sa tinuran ni Jazz sa kanya saka akmang sasampalin niya ito ngunit naawat ni Jazz na dahilan na napasubsob ito sa mesang naroon. "huwag mong subukang idampi ang mga palad sa maganda kong mukha baka hindi lang yan ang aabutin mo" banta ni Jazz dito habang hawak ang kamay ng dalaga. "at sa kapal ng pagmumukha mo na kahit pison yata ay di uubra." "Oh! Bakit nanahimik, akala ko matapang ka, at napasugod ka sa opisina ko na wala sa oras." Halos hindi makakilos at makapagsalita si Margaux bagkus ay napaluha ito. Biglang nawala ang katapangan na gustong mailabas kanina. Ganoong tagpo nang maabutan sila ni Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD