DAHIL SA NASAKSIHAN ni Margaux kung gaano ka sweet ang mag-asawang Jazz at Nathan.. Nakita niya ito sa di-kalayuan habang nasa loob siya ng kotse kung paano trinato ni Nathan ang asawa nito.
Naiinis siya bakit sa dinami-dami ng lalake bakit siya nahumaling kay Nathan.. Hindi man niya mahagilap ang sagot basta ang alam niya ay minahal niya na ito. Gagawin niya lahat mapasa-kanya lang ang lalakeng bumihag ng puso niya. Magmukha man siyang masama,maapektuhan man ang kanyang karera, madungisan man ang kanyang pangalan o kahit ano pa man itawag sa kanya ay wala siyang pakialam. Ang importante ay maramdaman at mapadama niya kung ano ang nilalaman ng puso at nararamdaman niya.
Habang si Nathan ay nakaakbay kay Jazz saka napayakap naman si Jazz sa beywang ng asawa papasok ng Boutique nito.
Nagpaalam agad si Nathan dahil may hahabuling business meeting saka dadaan muna ito ng opisina niya.
Paglabas niya sa naturang boutique ay sinundan agad ito ni Margaux. Nais ng dalaga na makausap si Nathan. Pagkarating sa building ay nagmamadali si Nathan papasok ng opisina niya samantala pagka-park ng sasakyan ni Margaux ay agad itong bumaba saka patakbong sinundan si Nathan.
Naabutan niya ito nang papasok na ito ng elevator at gulat na napalingon si Nathan sa gawi ni Margaux saka ningitian ito ng dalaga ng mapang-akit at pagkatamis-tamis na nagpakunot sa noo ni Nathan.
"Hey why your'e staring at me?" malanding tanong ni Margaux kay Nathan.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"galit na tanong ni Nathan sa dalaga sabay iwas dito sapagkat napapansin niya kung ga'no kalagkit makatitig ang dalaga sa kanya.
"Relax, gusto lang kitang makausap" tugon ni Margaux saka akmang lalapitan at hahalikan si Nathan nang bumukas ang elevator. Napahiya ang dalawa nang pagbukas ay may mga taong papasok din sa naturang elevator.
Walang imikang lumabas ang dalawa at patay-malisyang animo'y walang nangyari. Dumeretso si Nathan sa kanyang opisina habang nakasunod si Margaux.
Pagpasok ng opisina ay agad isinara ni Margaux ang pintuan.. At lumapit ito kay Nathan. Samantala halos 'di makagalaw si Nathan sa kanyang kinauupuan nang biglang kumandong si Margaux saka dinampian niya ito ng halik sa labi. Hanggang biglang dumiin ito nang biglang may kumatok na nagpabalik sa diwa ni Nathan at dali-daling tumayo at kumalas mula sa pagkayakap kay Margaux saka pumasok ng restroom at naghilamos ng kanyang mukha
Habang naiwan si Margaux na napangiti ito habang sinundan ng tingin si Nathan na mukhang may binabalak na naman ito.
Kumatok ito ulit saka si Margaux ang siyang sumagot dito.
"Come in"
Pumasok si Ella ang sekretarya ni Nathan.
"Good morning Ma'm, si Sir Nathan po?" magalang bati at tanong ni Ella kay Margaux.
"Good morning din, nasa restroom si Nathan, hintayin mo na lang." ganting bati at tugon ni Margaux kay Ella.
Pagharap ni Nathan sa salamin ay biglang naalala niya ang mga pangyayaring muntikang ikasira ng pamilya niya dahil hindi siya nakapagpigil.. Ngayon ay muntik na namang maulit ang naturang kasalanan. Di niya ito papayagang mangyari muli sapagkat alam niyang siya at pamilya niya ang pangunahing maapektuhan.
Lumabas si Nathan sa banyo ay naro'n pa din si Margaux at 'di pa rin ito umaalis saka nasa harap na pala niya ang kanyang sekretarya sapagkat hindi niya agad ito napansin.
"Okay lang po ba kayo sir?" nag-alalang tanong ni Ella ang kanyang sekretarya habang inaabot nito ang mga folders kay Nathan.
"Okay lang ako Ella." tipid niyang sagot ngunit mababakas sa mukhang tensiyonado ito.
"Sir, pirma mo na lang po ang kailangan saka nabasa at tinapos ko na po lahat ng mga iyan." wika ni Ella sa kanyang Boss sabay tingin kay Margaux saka napaisip saglit..
"Sige Ella salamat."
"Sir, mamayang 10 am po ang business meeting niyo kay Mr. Sandoval." pagbibigay-alam ni Ella kay Nathan bago tumalikod saka ito lumabas.
"Salamat Ella"
Nang makalabas ang kanyang sekretarya ay muli niyang hinarap si Margaux na nasa harap niya na kanina lang naghihintay sa kanya.
"Margaux, pwede bang umalis ka na saka huwag ka ng babalik. Alam mo naman kung gaano ako ka busy saka may pamilya na ako bakit panay buntot mo pa rin sa'kin" pakiusap ni Nathan sa dalaga na may himig na pagkairita.
"Nathan naman! gusto lang naman kitang makasama, pagbigyan mo naman ako" kunwaring nagtatampong saad ng dalaga ngunit tila di ito naririnig ni Nathan dahil abala na ito sa kanyang ginagawa.
"Nathan naman, I love you and I need you" sambit ni Margaux habang nakatitig sa gwapong mukha ng lalake.
"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo Margaux? Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na pwede layuan mo na ako't pamilya ko.. Alam mo bang dahil sa'yo muntikan ng mawala sa 'kin ang pamilya ko." panunumbat ni Nathan sa dalaga.
"Pero Nathan I need you and I want you" mangiyak na pagsusumamo ni Margaux ngunit walang epekto ito kay Nathan sa halip ay tumayo ito't nilisan ang opisina upang umiwas na din saka naiwan si Margaux na luhaan.
"Nathan, kung 'di pa ngayon ang oras na mapasa-akin ka, sisiguraduhin kong ikaw na ang maghahabol sa akin.
Napailing na lumabas si Nathan ng opisina.. Hanggang kaya pa niyang iwasan ang mapang-akit na si Margaux ay gagawin niya upang hindi na maulit ang nangyari sa pamilya nila.. Dumeretso sa parking area kung sa'n ang kanyang kotse at tutungo na siya sa ka-business meeting nito.
Dahil iniwan siya ni Nathan mag-isa ay bigla niyang naisip si Jazz kaya agad siyang lumabas ng opisina upang mapuntahan ang naging dahilan ng ilang ulit na rejection natatanggap mula kay Nathan.
Nang marating niya ang Boutique ni Jazz ay naghihintay muna ito ng magandang tiyempo saka niya ito susugurin.