PAGKAUWI at PAGKARATING sa bahay ng mag-asawang Nathan at Jazz ay agad silang sinalubong ng kanilang dalawang taong kambal at tig-iisa nilang kinarga ito. Karga ni Jazz si Tammy samantala si Gelli ay nasa kay Nathan saka tig-iisang hinagkan ang mga anak.
"Kumusta kayo dito Rose" tanong ni Jazz na nakasunod sa kanila habang bitbit ang mga pinamili ng mag-asawa.
"Mabuti naman po Ma'm" tipid niyang sagot at dumeretso na ito sa kusina.
"Pakisabi pala kay Sam na iakyat niya sa kwarto ang ibang pinamili namin." habol niyang wika kay Rose bago ito umakyat kasama ang asawa't mga anak.
"Sige po Ma'm"
Dumeretso muna sila sa silid ng kambal upang makasama't makipaglaro sa mga anak.
Malulutong na tawa ang maririnig sa mga bata habang nakasakay sila sa likod ng Daddy nila.. Naglalaro ang mag-ama ng horsie-horsie saka nakitawa na din si Jazz habang pinagmasdan ang kanyang mag-ama.
"Sana lagi tayong ganito masaya, walang problema." piping sambit ni Jazz habang nakatingin sa mag-ama na walang tigil ang tawanan.
Napakasayang pagmasdan ang pamilya nila.. Minsang sinubok ng panahon ngunit ito ngayon, haharapin ang bagong buhay na puno ng pag-asa..
SAMANTALA may isang tao na kanina pa nagmamasid sa kanila..
"Sige, magsaya kayo hanggang gusto niyo" saad ni Margaux sa sarili habang nakatanaw siya sa Mansiyon ng mga Bernardo na 'di maitatago ang galit sa mukha nito
"May araw din kayo sa akin" dagdag niya pa rito at nilisan na rin ang lugar at pinaharurot ang sasakyan nito.
Nang mapagod ang mag-ama ay nakatulog na rin ang kambal sa kandungan nina Jazz at Nathan at maingat na inilapag sa mga higaan nito. At agad inasikaso ni Jazz ang mga anak habang nauna na si Nathan sa silid nito at makaligo't makapagpahina na rin.
Matapos asikasuhin ni Jazz ang mga anak ay ang pagdating ni Sam sa kwarto.
"Sam, ikaw na bahala sa mga bata at ako'y tutungo sa kwarto at magpahinga ka na rin." mahinahong bilin nito kay Sam saka hinagkan muli ang mga anak at lumabas na ito sa naturang silid.
"Sige po Ma'm ako na bahala dito" magalang na sagot ni Sam kay Jazz.
SAMANTALA si Margaux pumunta sa Unit ni Adrian upang magpalamig at saglit na makalimutan ang mga eksenang kanyang nakita sa pamilya ng kanyang pinagpapantasyahan.
Pagkarating niya sa naturang Unit ay agad itong kumatok habang nagpapahinga at nanonood ng T.V si Adrian at nang may narinig na may kumatok ay tumayo ito't tinungo ang pintuan at pagbuksan ang bisita. Nagulat pa ito nang mabungaran ang nakangiting dalaga at ginantihan din niya ng ngiti ito habang titig na titig sa maganda't mapang-akit na mukha ng dalaga.
"Hey! Magtitigan na lang ba tayo dito at wala ka bang balak na ako'y papasukin?" untag niya sa binata na halos 'di kumukurap na nakatitig sa kanya.
"Ahh pasok ka Margaux" wika nito.
"Teka Bakit ka narito't dis-oras na ng gabi? "takang tanong ni Adrian habang nakasunod sa dalaga na agad umupo sa Couch.
"Gusto ko lang may makasama ngayon at ikaw ang naisip ko kaya ako nandito" sagot niya rito't saka hinagkan ang mga labi ng binata at sa kabiglaan ni Adrian ay nanlaki ang kanyang mga mata at unti-unti na ring timutugon ang halik na nagdulot ng sensasyon sa kanila. And right there they made love.
Kinabukasan ay maagang nagising si Jazz marahang idinilat ang mga mata't pinagmasdan ang gwapong mukha ng asawa na nakayakap sa kanya. Maingat siyang bumangon saka inayos ang sarili bago lumabas ng kanilang silid. Tiningnan niya muna ang mga natutulog na anak saka maingat at masuyong hinagkan ang mga ito at dahan-dahang lumabas at tinungo ang kusina upang siya mismo ang maghanda ng almusal.
Naalimpungatan si Nathan sa tunog ng alarm clock at napabalikwas ng bangon at nagtaka na wala na ang asawa sa tabi nito. Tumayo na lang ito't tinungo ang Banyo upang maligo.. Pagkatapos inayos ang sarili saka lumabas sa silid. Pagkapababa niya'y saktong tapos na si Jazz dahil sa amoy ng pagkain ay nakadama siya ng gutom saka tinungo ang kinaroroonan nito. Pagkarating niya'y bumungad sa kanya ang presko saka magandang mukha ng asawa na seryosong hinahanda ang hapag-kainan. Napangiti siya't dahan-dahang nilapitan at napansin agad ito ni Jazz saka ningitian ang asawa.
"Good Morning Mahal, ang sarap at ang bango naman niyan.. Nagutom ako bigla." nakangiting bati ni Nathan kay Jazz saka hinagkan ang labi ng asawa.
" Good Morning din sa'yo Mahal ,halika na nga't kumain na tayo bago pa lumamig ito."ganting bati saka nakangiting yaya ni Jazz at sabay na silang umupo at kumain.
Samantala si Margaux ay maagang nilisan ang Unit ni Adrian habang mahimbing na natutulog ang binata.. Dahan-dahan at maingat siyang bumangon at lumabas ng Unit. Nang nakababa siya ay agad tinungo ang kanyang sasakyan sa may Parking lot ng building saka dali-daling sumakay para makauwi na rin at may balak kasi itong gawin sa araw na iyon.
Magkasabay ang mag-asawang umalis papunta sa kanya-kanya nilang trabaho. Hinatid muna ni Nathan ang asawa bago tutulak ng opisina nito.
Nagawi si Margaux sa Boutique ni Jazz at kitang-kita niya ang sweetness ng mag-asawa kaya ang mukha nito'y halos 'di maipinta dahil sa selos at inggit.
"Sige lang Jazz, Oo sa'yo si Nathan ngayon pero sisiguraduhin kong maging akin din siya" bulong nito sa sarili saka sinundan ang kotse ni Nathan.