Episode 15

782 Words
LUMIPAS ang isang linggo ay tuluyang magaling na si Nathan at balik normal na din ang pagsasama ng mag-asawa, masaya, walang pagtatalo at unti-unti na ring naghilom ang sugat sa puso ni Jazz. Gumising ng maaga si Nathan habang natutulog pa ang asawa. Nais niyang bumawi kaya dahan-dahan siyang lumabas ng silid at tinungo ang kusina at maghahanda siya ng almusal para sa asawa. Fried rice, sunny side-up, 3 in 1 coffee at pancake ang inihanda ni Nathan. Ito kasi ang mga paboritong almusal ng asawa.. Pakanta-kanta pa ito habang inihahanda ang naturang almusal. Nang matapos niyang magluto ay kumuha ito ng isang tray at isa-isang nilapag ang mga pagkain kasama ng isang pulang rosas. Matapos niyang ihanda ay tinungo na niya ang kanilang silid at dahan-dahang pumasok. Nakangiting pinagmasdan ni Nathan ang asawa't mahimbing pa rin itong natutulog.. bahagya niyang nilapitan at masuyong dinampian ang mga labi.. napaungol si Jazz at marahang idinilat ang mga mata't nakakunot-noong tiningnan ang asawa. "Good morning Mahal ko, breakfast in bed" nakangiting bati ni Nathan sabay halik rito. "Good morning din, ganda yata ng gising ng asawa ko ah..." ganting bati ni Jazz sabay bangon at hinarap ang asawa. "Naku, Mahal ko mas maganda ka pa sa umaga at sa gising ko." puri ni Nathan habang nakatitig sa magandang mukha ng asawa.. "Hahahaha... napakabolero talaga ng asawa ko, mukhang bumabawi ka yata ah" natatawang biro ni Jazz na ikinangiti ni Nathan.. "Halata ba Mahal ko?" tanong ni Nathan sa asawa't pilyong nginitian siya nito. " Medyo mahal ko" "Kumain ka na nga Mahal ko bago pa lalamig ang pagkain" "Sige sabayan mo ako pwede ba Mahal?" yaya nito sa asawa't nginitian lang siya't sinabayan na rin ito ni Nathan. Araw ng Linggo, parehong bakante ang mag-asawa kaya buong araw din silang magsasama sa araw na ito. Pumunta muna sila ng Simbahan at taimtim na nanalangin. Pinagdarasal nila na maging maayos at kung sakaling may darating na unos at pagsubok sa kanilang buhay at pagsasama ay malalampasan nilang magkasama. Para kay Nathan napakabilis nang mga pangyayari.. Hanggang ngayon pinagsisihan niya't nagawa niya ang isang pagkakamali na marahil maging sanhi ng pagkawasak ng pagsasama't muntikang mawala ang kanyang pamilyang binuo.. Wala siyang ibang minahal kundi ang kanyang asawa. Inaamin niyang natukso siya, hanggang do'n lang iyon. Pinagdadasal niyang sana huwag nang maulit iyon, kung sakaling maulit man iyon sana mapaglabanan na niya ito't alang-alang sa pamilya. "Napakaswerte ko sa asawa ko't kahit may nagawa ako ay handa pa rin niya akong pagbigyan ng isang pagkakataon at unawain ang sitwasyon" sa isip ni Nathan habamg nilingon ang asawa na nasa tabi niyang taimtim na nanalangin. Habang si Jazz ay taimtim na nanalangin na sana ang isang pagkakataong binigay niya sa asawa ay maging aral ito sa kanya na hindi niya muling gagawin iyon, at baka tuluyang masira ang tiwala niya't baka maging bato na ang kanyang puso. Sa pagdaan nang araw ay unti-unti nang nakakalimutan ni Jazz ang pangyayari lalo na't kapag nakikita niya ang dalawang anghel ng buhay niya, ang naging lakas niya't pag-asa upang mabuhay at lumaban.. Mahal niya si Nathan kaya handa siyang magsakripisyo't ipaglaban ang kanyang karapatan lalo na sa isang MARGAUX ALFEROS na walang ginawa kundi akitin ang asawa niya.. Nang matapos magdasal si Jazz ay napalingon siya sa kanyang tabi.. nakakunot-noo niyang tiningnan ang asawa't nakangiting tinitigan siya nito. "Mahal ko, Anong ibig sabihin ng titig na iyan?" takang tanong niya sa asawa. "Ang ganda-ganda mo kasi. napakaswerte ko't nagkaroon ako ng asawang katulad mo na may mabuting kalooban.." puri ni Nathan sabay halik sa labi nito. "Ikaw talaga, ngayon mo lang ba iyan napansin o kaya mo iyan sinasabi dahil sa naging kasalanan mo" wika ni Jazz at napakamot sa ulo si Nathan at sa halip na sumagot ay niyakap na lang ang asawa at gumanti na lang din si Jazz dito. "Teka nga Mahal, mabuti't pa umalis na tayo bago tayo magdrama rito" wika ni Jazz sabay kumalas sa pagkayakap at nang magkasalubong ang kanilang tingin ay bigla na lang silang nagtawanan at sabay na tumayo na ito't magkahawak kamay na lumabas sa $imbahan. Pagkatapos nilang magsimba ay sumaglit sila sa Mall at nagshopping at pagkatapos ay kumain sa isang Restaurant bago tuluyang umuwi. SAMANTALA naging abala si Margaux sa kaliwa't kanan niyang commitments.. Nang makauwi siya sa Unit niya ay hindi niya makakalimutan ang ginawa ng mag-asawang Nathan at Jazz. Ang pang-iinsulto ni Jazz at ang pagtataboy ni Nathan sa kanya.. Kaya pinapangako niya sa sariling gaganti siya kahit magkamatayan man ay di niya susukuan ang isang Nathaniel Bernardo.. Wala siyang pakialam kung may masaktan man siya ang mahalaga'y makuha niya ang nais niya at iyom ay si Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD