Episode 14

676 Words
"Anong nangyari sa asawa ko?" gulat na tanong ni Jazz dito. "Naaksidemte po ito Ma'm at narito po siya sa Ospital ngayon" pagbibigay-alam ng kausap sa kabilang linya "Sige salamat.. pupunta na ako diyan." wika niya't sabay baba ng cellphone nito. Sa narinig ni Jazz ay magkahalo ang kanyang nararamdaman at hindi man lang nakapagpalit at agad sumugod sa Ospital. Habang nasa sasakyan siya ay di niya mapigilang mangamba at napaluhang napaisip sa posibleng mangyari sa asawa niya. hindi niya akalaing hahantong sa gano'n ang pansamantalang paglisan niya't ang nais niyang mapag-isa muna. Wala pang biyente kwatro oras nang sila'y maghiwalay mag-asawa at ito ngayon may masamang nangyari rito't kinailangan niyang puntahan. Nang makarating siya sa naturang Ospital ay dali-daling bumaba at tinungo ang Entrance ng Ospital. Lakad takbo niyang tinungo ang Emergency Room at nilapitan ang ang isang Staff. "Excuse me , ako po si Jasmine Bernardo ang asawa ni Nathaniel Bernardo. Nasa'n po ang asawa ko" kalmadong tanong niya rito. "Ikaw po pala ang asawa ni Nathaniel Bernardo. ako iyong tumawag po sa inyo kanina.. pasensiya't pinakialam namin ang gamit niya kasi medyo kritikal ang kanyang lagay at nag-aagaw buhay ito kaya kahit wala pang dumating na malapit na kamag-anak ay napagpasyahang operahan na lang ito" pahayag ng Staff kay Jazz.. "Gano'n po ba,pwede ko na ba siyang makita?" nag-alalang tanong niya rito. "Hintayin na lang natin munang lumabas ang Doktor Ma'm at hindi pa kasi tapos ang operasyon" sagot ng Staff sa kanya. "Sige salamat." tipid nitong sagot at tinungo ang waiting area. Tatlumpong minuto din siyang naghintay bago lumabas ang Doktor at agad niyang nilapitan ito. " Dok, kumusta ang asawa ko? naluluhang tanong niya rito. "Ligtas na po siya Misis at mamaya ay ililipat na din siya sa magiging silid nito. "Salamat po Dok" pasasalamat ni Jazz rito. "Walang anuman, siya alis muna ako't may pasyente pa na naghihintay sa akin." paalam ng Doktor sa kanya. Ilang minuto ay nailipat na si Nathan sa silid nito. Hindi mapigilang mapaluha si Jazz nang mapagmasdan ang sinapit ng kanyang asawa.. Dahan-dahang nilapitan ito't umupo sa tabi't hinawakan ang kamay nito. "Nathan, Ano bang nangyari? Bakit tayo humantong sa ganito? Oo nasaktan ako't gusto kong magpakalayo't kalimutan ang sakit ngunit baka pwede pa kitang bigyan ng isang pagkakataon alang-alang sa pamilya natin.. " mangiyak na saad niya't bigla na lang gumalaw ang kamay ni Nathan at dahan-dahang binuka ang mga mata at napalingon ito. "Nasa'n ako? Jazz Mahal ko, Anong nangyari?" takang tanong ni Nathan rito. "Naaksidente ka kaya ka nandito sa Ospital.." sagot ni Jazz rito. "Mahal ko, patawarin mo ako." naluluhang wika ni Nathan sa asawa. " Shhh.. huwag na natin munang pag-usapan niyan.. at magpahinga ka na muna." tugon ni Jazz rito. Dahil sa nangyari kay Nathan ay napagpasyahan ni Jazz na bumalik muna sa kanila at maalagaan ang asawa. Gusto kasi ni Nathan na sa bahay na lang magpagaling ito kaya lumipas ang tatlong araw ay nakalabas na rin ito sa Ospital. Nang makauwi sila ay agad inasikaso ni Jazz ang asawa. "Jazz, Mahal ko, salamat kahit malaki ang naging kasalanan ko't nandito ka para alagaan ako.. sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. "Nathan, aaminin ko nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon pero naisip ko din ang pamilya natin.. kaya napagpasyahan kong pagbigyan kita ng isang pagkakataon" pahayag ni Jazz dito. "Salamat Mahal ko.." "Magpahinga ka na muna Nathan at lalabas muna ako't matingnan ang kambal." paalam niya rito Nang lumabas si Jazz sa kanilang silid ay halip na pumunta sa silid ng kambal ay lumabas na muna ito't nagpahangin at makapag-isip. Nang mapag-isa si Jazz ay hindi niya namamalayang tumulo ang mga luha sa kanyang mata nang maalala ang mga pangyayari.. Hindi niya sukat akalain na sa isang iglap ay mangyayari ang lahat ng iyon. Naroon pa rin ang sakit ngunit sa ibang banda ay mas importante ang pamilya niya kaya pagbigyan niya ng pagkakataon ang asawa. Sakaling maulit man ito handa't pinangako niya sa sariling lalaban siya kahit magkakamatayan man alang-alang sa pamilyang binuo at inalagaan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD